Maagang dumating ng uNiversidad si Trent para pasukin ang mundo ng misteryosong paaralan.
Pagbaba niya palang ng kotse niya ay parang nakaramdam na agad siya ng enerhiyang humihila sa kanya pabalik ng sasakyan. Huminga siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa gate ng uNiversidad.
"Okay ka lang bro?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Keneth. Maski ang kaibigan niya ay mukhang nakakaramdam din ng takot.
"Oo naman. Desisyon natin 'to diba? Kaya tara?" Nilakasan niya lang ang loob niya para makalimutang nasa paganib sila sa uNiversidad na ito.
Alam din nila pareho na kapag pumasok sila sa misteryosong uNiversidad na ito ay mahihirapan na silang lumabas. Ngunit dahil may gusto silang patunayan sa mga kaibagan at magulang nila kaya buong tapang at lakas nilang papasukin ang mapanganib na lugar na'to.
"Good morning! Good morning! Good morning!." Dalawang grupo ng nakapilang mga officer ng universidad ang lumapit at bumati sa kanila.
Sumenyas ang pinakaleader nito na sumunod silang dalawa sa kanilang grupo. Nagkatinginan muna ang dalawa bago sumunod sa grupo.
Habang naglalakad sila ay di maiwasan ni Keneth ang magtanong sa kaibigan.
"Sigurado ba talaga tayo dito Trent?" Tiningnan niya ng masamang tingin ang kaibigan. Dahil kanina pa ito paulit-ulit sa kakatanong sa kanya.
"Kanina ka pa Ken, gusto mong mag back out? Sige makakauwi kana." Iniwan niya na ang kaibigan na halatang may takot sa mga mata nito.
Subalit sinundan parin siya ng kaibigan. Huminto ang grupong sinusundan nila sa tapat ng classroom na medyo may kalumaan tingnan sa labas. Sa pinto nito ay naroon ang larawan ng isang lalaking sinusunog sa apoy. Sa muli ay nakaramdam na naman si Trent ng kaunting kaba.
"WOW!" Hangang-hangang kumento ng kaibigan niya ng makita ang kabuuan ng room na pinasukan nilang dalawa. Kung gaano kaluma itong tingnan sa labas ay ganon naman ito kabago sa loob. Puno ng magagandang dekorasyon ang loob ng opisina. Pero hindi parin mawawala sa dekorasyon nila ang mga imahe ng demonyo. Kagaya ng lalaking may mahabang sungay na labas ang mahabang dila. Lalaking walang ulo na naglalakad at ang bukal ng apoy.
Lalapitan sana ni Trent ang mga imahe at paintings na yon pero agad nabuhay ang diwa niya ng magsalita ang babaeng may koronang plastic na ahas sa ulo. Kung hindi sila nagkakamali ay siya ang principal ng uNiversidad.
"Wag niyong lalapitan o hahawakan ang mga yan." Banta nito sa kanila habang nanlilisik ang mga mata nito.
Kung tatyantahin ang edad ng babaeng nasa harapan nila ngayon ay nasa 40+ na ata ang edad nito, ayon sa hula nila. May pagka-chubby ang katawan nito. Nakasuot ito ng itim slacks at itim na pulo habang sa ulo niya naman ay ang itim na plastic na mga ahas. Kung titingnan ito sa malayo ay mukhang totoo ito dahil kada paggalaw ng babae ay gumagalaw din ito.
"So-rry po." Paghingi nila ng tawad.
"Kung magtatanong kayo tungkol sa mga bagay na nakikita niyo ngayon mas mabuti pang wag niyo ng ituloy." Mukhang nabasa nito ang iniisip nila kaya imbes na mabaling ang atensyon ng principal sa mga bagay na'yon ay iniba nalang nila ang usapan.
"Hindi po kami naparito para mag usisa. Nandito kami para mag-aral at matuto." Seryosong saad ni Trent.
"Tama po yan, ang totoo po niyan kumpleto na yong requirements namin at excited narin po kaming malaman ang magiging dorm number namin." Dagdag naman ng kaibigan niya.
"Good to hear that. Anyway, I'm Mrs. Galvez and I'm the one who managed this university." Binasa nito ang requirements na ibinigay nilang dalawa at pagkatapos ay ibinaling naman nito ang tingin pabalik sa kanilang dalawa.
"The both of you have a very good records that's why I'm putting you two in one section. Nasa 3rd floor ang magiging classrooms niyo samantalang ang magiging dorm niyo ay nasa 4th floor sa left side ng classroom."
Freshman sila pareho kaya matagal-tagal pa silang mananatili sa HelL uNiversity.
"Salamat po Mrs.Galvez."
"Walang anuman. You may go out." Makahulugan ang bawat tingin at ngiting binibitawan sa kanila ni Mrs.Galvez na siyang nag iiwan ng kilabot kay Trent.
Paglabas nila ng opisina ni Mrs.Galvez ay dumiretso na sila sa magiging dorm nila. Bitbit nila ang dalawang mapa na ibinigay sa kanila ng mga officers na bumati at naghatid sa kanila patungong opisina ni Mrs.Galvez. Kinakailangan nilang gumamit ng mapa para matunton ang kanilang magiging dorm at classroom.
Sa uNiversidad kasing ito ay hindi uso ang pagtatanong-tanong at wala ding pakialam ang bawat isa sa kung sino ang mga nakakasalamuha nila.
Maliban nalang kung dati na kayong magkakilala. At mahigpit ding ipinagbabawal ang ugnayan ng mga babae't lalaki dahil kapag nahuli kayo ng officers na nag uusap o nagsasama sa loob ng Campus ay may karampatang parusang nakalaan para sa inyong dalawa.
Samantalang pagdating naman sa dorm ay tig-aapat ang pwedeng mag shares. Dalawang babae at dalawang lalaki.
Tanging sa dorm lang nagkakaroon ng ugnayan ang babae't lalaki dahil pwede silang mag usap kapag walang nakakakitang officers sa kanila.
Nang marating nilang dalawa ang dormitoryo nila ay agad nila itong binuksan. Nagulat sila ng madatnan sa loob nito ang dalawang babaeng kumakain ng almusal. Suot nila ang maikling uniporme na kagaya ng uniporme na ibinigay sa kanila ni Mrs.Galvez. Kulay itim ang slacks na uniporme para sa mga lalaki at itim din na pulo. Para naman sa mga kababaihan ay maikling kulay itim na palda at puting pulo din na may itim na necktie.
"Sino kayo?" Tanong ni Keneth. Tiningnan lang sila ng dalawang babae at muling ibinaling ang kanilang tuon sa pagkain.
"Bingi ata ang mga yan, hayaan mo na." Mapang insultong saad naman ni Trent sa kaibigan. Hindi ata nagustuhan ng isang babae ang sinabing yon ni Trent kaya tumayo ito at hinarap siya.
"Hindi kami bingi. Sadyang hindi lang kami nakikipag usap sa mga lalaki." Kinuwelyuhan siya nito at tiningnan ng mapagbantang tingin.
"Tara na Blossom." Aya nito sa kaibigan at padabog na iniwan sila.
"Woaaah pare! Kita mo yon? Sa school natin dati ikaw ang nagpapaiyak ng mga babae tapos dito kinukuwelyuhan ka lang? Bro! Tinapakan ang dignidad mo. Hindi ako makakapayag diyan kung sa akin yan nangyari." Umiiling iling pang kantyaw sa kanya ng kaibigan. Binatukan niya ito at dumiretso sa kwarto niya.
Bale apat ang kwarto ng isang buong dorm kaya tig-iisa silang apat don. Nasa #12 siya samantalang nasa #13 ang kaibigan niya. #10 at #11 naman yong dalawang babae kanina.
"Aray Trent huh! Ikaw nakakarami kana." Reklamo ni Keneth sa kaibigan bago naman pumasok sa kwarto niya para ayusin ang mga gamit niya.
>>>
"Ang lakas ng loob nila huh! Well, let's see kung hanggang saan ang kaya nila." Sabay halakhak ng isang babaeng hindi pa nakikilala.
••to be continue...
Kuya CHAN's note; guys. I need your votes and comments please! Thank u...
BINABASA MO ANG
HelL uNiversity (Wattys2017)
Mystery / Thriller>> ranked #84 in Mystery/Thriller<< Magagawa mo bang matulog ng mahimbig kung ang palaging naiisip mo ay ang mga bangkay ng ka-Schoolmate mong natatagpuang patay sa kanilang Dorm? Mananahimik ka nalang ba kung alam mong anumang oras ay pwede ka ring...