Keneth's Point of view:
Napabalikwas ako ng marinig ko ang sigawan sa kabilang dorm. "Ano bang meron?" Tanong ko kay Blossom na kalalabas lang din ng kwarto.
"Masanay kana. Ganito dito kada madaling araw." Sagot niya habang nagtotothbrush.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong.
"Ang dami mong tanong."
"Malamang!ang dami ko rin kasing hindi alam eh." Katwiran ko rin sa kanya. Tinapos niya lang ang pagtotoothbrush at pumasok na siya ng cr. Bastusan lang? Kinakausap ko siya ah.
Hindi ako mapakali kaya lumabas na ako ng dorm. Saktong paglabas ko ay ang pagdating naman ni Trent at Scarlett.
"Saan kayo galing? Atsaka, anong meron sa sigawan na yon?" Usisa ko kaagad sa kanila. Pero mukhang walang may balak sumagot sa tanong ko kaya muli akong nagtanong.
"May kausap ba ako? Hoy Trent."
Imbes na sumagot ay isang matalim lang na tingin ang ibinaling niya sa akin. Kapag ganyan na ang aura niya senyales na yan na manahimik nalang ako. Tumango-tango nalang ako at bumalik nalang ulit sa loob.>>>
Matapos ang insidenteng nasaksihan ni Trent ay palagi na siyang natutulala at napapaisip. Napapaisip siya sa posibleng kahantungan nila ng kaibigan. Sa ngayon ay nasa classroom na sila para um-attend sa unang araw ng klase nila.
Tahimik ang lahat sa classroom, wala kang makikitang babae't lalake na magkatabi o nag uusap. Walang pakialamanan ang tema nila.
Ilang saglit pa ay dumating narin ang professor nila kaya isa-isa ng nagsitayuan ang ibang studyante upang magbigay galang sa kararating lang na prof. Samantalang si Trent ay nanatiling wala sa sarili. Napansin ito ng guro kaya sinita siya nito.
"Mr. Powell from the back. Why are you out of your mind? What's bothering you?"
"No-nothing ma'am I'm sorry."
"It's alright."
Mabuti nalang at hindi masungit ang babaeng professor nila."Dahil nasa Second week na tayo ng klase kaya siguro wala ng darating pang ibang mga studyante kaya ngayon na tayo mag eelect ng class officers." Masayang pahayag ni Ms. Guevara.
"For the class president, who are willing for the position? Or any nomination?" Walang sumagot o nagsalita. Hanggang sa tumayo ang isang babae.
"I nominate Mr. Powell as a president." Nagulat si Trent sa ginawang pagnominate sa kanya ng isang studyante. Hindi siya makapaniwala dahil alam niyang baguhan pa lang siya sa universidad na ito.
"I also nominate Mr.Powell as a president."
"Me too." Ang kaninang tahimik na classroom ay napuno na ng ingay ngayon dahil sa pagnominate kay Trent.
"Obvious naman kung sino na ang magiging class president natin diba? Mr. Powell you're the new highly nominated Class president in this section. Congrats and good luck." Masaya namang tumayo si Trent upang magpasalamat.
"Maraming salamat sa pagtitiwalang ibinigay niyo sa akin kahit na hindi niyo pa ako gaanong kilala dahil bago lang ako dito at ang kaibigan ko. I'll do everything to be the best leader." Masaya niyang pahayag.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH"
Sunod-sunod na tawanan ng mga kaklase niya pagkatapos niyang magsalita. Kumunot lang ang noo niya at dirediretsong bumalik sa upuan niya.
Ang hindi alam ni Trent ay isang malaking responsibilidad ang kailangan niyang harapin at pagbutihin upang magawa ang pagiging mahusay na pinuno ng Classroom.
>>>
Ano kaya ang responsibilidad na ito? Na kailangan pagdaanan at harapin ni Trent? Kaya niya bang gawin ito? Abangan sa susunod na Chapter...
•• To be continue...
-votes and comments down!,
BINABASA MO ANG
HelL uNiversity (Wattys2017)
Mistério / Suspense>> ranked #84 in Mystery/Thriller<< Magagawa mo bang matulog ng mahimbig kung ang palaging naiisip mo ay ang mga bangkay ng ka-Schoolmate mong natatagpuang patay sa kanilang Dorm? Mananahimik ka nalang ba kung alam mong anumang oras ay pwede ka ring...