Trent's Point of view;
Nagising ako ng mga alas quatro ng umaga pero hindi na muli ako makatulog dahil sa sobrang lamig.
Bumangon ako at dumiretso ng kusina. Kailangan kong magpakulo ng tubig para makainom ng kape at ng mainitan ang nilalamig kong sikmura.
Paglabas ko palang ng kwarto ko ay mas lalo akong nakaramdam ng lamig.
Kinuha ko ang makapal kong jacket na nakasabit sa likuran ng pintuan kung saan ko ito sinabit kahapon pagdating namin dito.
Pagkasalang ko ng pinapakulo kong tubig ay dumiretso ako sa may bintana para silipin kung maliwanag na sa labas.
Nang buksan ko ang bintana ay may isang paniki ang biglang lumipad malapit sa mukha ko. "Muntik na ako non ah." Mas lalo akong nanlamig kaya muli kong isinara ang bintana.
Nagulat ko ng paglingon ko sa likuran ko ay naroon na ang babaeng nanguwelyo sa akin kahapon. Ang babaeng ito ay parang laging seryoso mula sa matatalim at malalim niyang tingin daig niya pa yong taong galit sa mundo.
"Bakit ang aga mo?" Walang bakas ng tuwa o anumang ekspresyon ang tanong niyang 'yon. Yon bang parang dumaan lang.
"Hindi na kasi ako makatulog. Sobrang lamig pala dito sa inyo tuwing madaling araw."
"Ganon talaga. Bakit nga pala kayo napadpad dito? Hindi niyo ba alam na delikado ang lugar na'to?" Tanong niya habang isinasalin ang pinakulo kong tubig.
"Alam." Napatigil siya saglit dahil sa sagot ko.
"Alam niyo? Kung ganon bakit pumasok parin kayo dito?"
"Kasi gusto namin." Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. Lalapitan na naman sana niya ako para panguwelyuhan pero mabilis ko siyang napigilan. Ang brutal niya talaga. Maganda pa naman sana kaso nakakatakot siya.
"Opss opss! Wag mo ng ituloy yang balak mong pag gulpi sa akin. Alam namin ang pinasok namin kaya wag kang mag alala. Maiba nga pala ako. Eh kayo ng kaibigan mo, bakit nandito rin kayo?" Natahimik siya ng mga ilang saglit pagkatapos ay muling nagsalita.
"Nandito kami dahil ito ang lugar namin. Dito kami nababagay." Sagot niya habang nagtitimpla ng kape.
"Ano?"
"Tssk! Okay. Let's stop this nonsense topic. Ano bang gusto mo sa kape mo? Puro o creamy?" Pag iiba niya ng usapan.
"Puro nalang." Sagot ko.
"Masama yong puro, nakakanerbyos yon. Lalagyan ko nalang ng kaunting cream."
Ang gulo niya huh. Siya yong nagbukas ng topic tapos sasabihin niyang stop this nonsense topic? Ngayon naman tinanong ako kung puro daw ba o with cream, tapos aist! Ang hirap din spellengin ng babaeng 'to.
Inabot niya sa akin ang isang tasa ng tinimpla niyang kape.
"Salamat." Sabi ko sa kanya.
"Walang anuman." Malamig parin niyang sagot.
"Ako nga pala si Trent Austin Powell. Ikaw?" Pakilala ko sa sarili ko.
"Scarlett Nathalie Mendoza. Scarlett for short." Ang gandang pangalan pero mas bagay yong Nathalie.
"Hi Nathalie." Nakangiti kong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin tsaka humigop ng mainit pang kape.
"Scarlett not Nathalie." Malamig niyang wika.
"Gusto kitang tawagin sa pangalan na Nathalie eh."
"Iwan ko sa'yo." Tumayo siya at nagtungo sa pintuan. Tumayo rin ako at naglakad palapit sa kanya.
"Kung ako sa inyo ng kaibigan mo, aalis na ako sa lugar na'to habang di pa kayo nakakapagsimulang pumasok." Muli na naman niyang ibinalik ang topic namin kanina.
"Bakit? May alam ka ba ng mga nangyayari dito?" Makahulugan kong tanong sa kanya.
"Wala." Mabilis niyang tugon.
"Bakit parang...
Napatigil kami pareho ng marinig ang sigawan ng ibang studyante sa kabilang dormitoryo.
"TULOONNGGGGG! TULONGGG!" Mabilis kong nailapag ang hawak kong tasa ng mainit na kape at binuksan ang pinto.
"Wag kang padalos-dalos Trent." Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya saglit at ng mahismamasan ay agad kong nabawi ang kamay ko.
Hindi ko na siya nilingon, mabilis akong tumungo sa lugar kung saan nagmula ang mga sigawan. Alas 4:30 palang ng madaling araw kaya medyo madilim pa ang paligid.
Sumunod din pala sa akin si Nathalie kaya magkasabay kaming nakarating sa dormitoryo kung saan nagkakagulo.
Halos masuka ako ng makita ko ang katawan ng isang lalaking wala ng ulo. Nagkalat sa sahig ang mga dugo nito at nasa isang kanto naman ang ulo nitong dilat na dilat pa ang mata. Hindi ko kaya, naduwal ako ng dalawang beses kaya lumabas muna ako.
"Sabi ko sa'yong wag kang magpadalos-dalos." Nasa likuran ko lang si Nathalie. Hinagod niya ang likod ko at ng makarecover ako ay saka lang ulit ako nakapagsalita.
"Anong klaseng lugar ba ito?"
"Sinabi ko na sa'yo. Umalis na kayo dito."
"Hindi. Hindi kami aalis dito hangga't hindi namin natutuldukan ang kababalaghang bumabalot dito."
"Bahala ka. Basta pinagsabihan na kita."
Muli siyang naglakad papasok ng dormitoryo. Ilang saglit pa ay dumating na ang mga officers. Inilabas nila ang bangkay at ang iba naman ay nilinis ang lugar na pinangyarihan ng brutal na krimen.
Grabe! Parang isang halimaw ang may gawa ng karumaldumal na krimeng ito. Nakakaawa ang lalaking iyon.
Paano kaya matatanggap ng pamilya non ang nangyari sa anak nila?
Bakit nangyayari 'to? Ano ba talaga ang nais nitong ipahatid sa lahat? Nakakalito, sobrang nakakalito.
"Kung gusto mong malaman ang reaksyon ng mga magulang ng mga namamatay dito tuwing umaga? Well, wala. Wala silang ginagawa. Tumatanggap lang sila ng kalahating milyon."
"ANO?" Hindi! Hindi ako makapaniwala. At mga namamatay?
"Anong ibig mong sabihin? Naguguluhan ako."
"Expected na ang mga ganyang bagay dito. Tuwing umaga ay hindi pwedeng walang namamatay o nilalabas na bangkay dito. Bawat isa ay may takot at pangamba sa posibleng maging kapalaran nila. Maaring nakaligtas ka ngayon pero hindi ibig sabihin niyan ligtas kana forever. Dahil may araw ka rin." Nanlamig ako sa sinabi niya. Ibig sabihin posible din kaming dumanas ng ganyan ka brutal na krimen? Hindi! Hindi pwede 'to.
"It's Hell Trent, so welcome to HELL! We are all in HELL. No one from us could skip this destiny. We're all destined to DIE!" Pagkasabi niya niyan ay naglakad na siya palayo. Isang araw palang kami dito pero ang dami ko ng pinapangambahan. Kailangang may gawin ako. I'm in hell, we're in hell. No.
To be continue ...
Note; Hi readers :) Malaya po kayong magbigay ng kumento niyo kahit masakit pa yan sa damdamin okay lang dahil bago pa lang naman ako dito. Maaari din po kayong magtanong dahil magrereply naman po agad ako. Thank you.
-votes and comments guys, thank you. Hope we'll be friends :)
BINABASA MO ANG
HelL uNiversity (Wattys2017)
Mystery / Thriller>> ranked #84 in Mystery/Thriller<< Magagawa mo bang matulog ng mahimbig kung ang palaging naiisip mo ay ang mga bangkay ng ka-Schoolmate mong natatagpuang patay sa kanilang Dorm? Mananahimik ka nalang ba kung alam mong anumang oras ay pwede ka ring...