Chapter 1 - Part 3 - Game...
---
Kung inaakala nya na tanga ako para mahulog sa kanya , Pwes , Nagkakamali sya!
Yung nangyari kahapon , Gusto ko munang palampasin yon sa ngayon. SA NGAYON LANG ! Pero sa susunod , hindi na ko makakapagpigil pa.
Papasok na nga ko.Baka malate pa ko eh.
----
Nandito na ko sa school. Pagkadating ko , Dumeretso agad akoo sa room. At nung nandoon na ako , Umupo na ko sa chair ko. Nakita ko si topher pero hindi ko pinansin. Basta umupo nalang ako bigla. At tsaka , Bakit ? Kailangan ko pa bang mag paalam sa Kanya? Hellow! Gising pa ko di pa ko tulog! Asa Sya. Hindi sya ang masusunod dito.
''Ganyan ka ba talaga Kahit saang sulok ng mundo?'' Tanung ni topher.
''Sulok? Walang sulok ang mundo. Tingin mo sa mundo natin , Basement / bahay na kahit saan eh , makakakita ka ng sulok?'' Pang-aasar ko sa kanya. Nasa mood kasi ako makipag-asaran eh. Yon rin kasi ang katuwaan ko.
''Eh ano sa tingin mo yung mga lugar?! Hindi ba mga sulok ang ibig sabihin non?!'' HAHAHAHA! Ang bilis nyang maasar. Sarap pala makipag-asaran dito eh. Basta sa lalaki ang sarapsarap makipag asaran. Lalo na kung yung aasarin mo eh , PIKON?
''Sa kasabihan lang yon! Bakit , Filipino na ba natin ? At kung anu-anung sinasabi mong kasabihan dyan? Mamaya na yan! Sa Assignment pa natin yan sasabihin sa time ng filipino eh , Masyado kang excited!'' Pang aasar kong muli. Sa tingin ko , wala sa itsura nya ang pikon , Baka naman nagpipigil lang sya?
''Oo nga no. Talino mo naman. Pero hindi yon yung punto ko! Tinatanong kita tapoos nakikipag-asaran kalang sakin?'' Aba... Sya pa may ganang magreklamo eh sya na nga tong nagtatanong.
''Eh hindi naman kasi maayos ang pagtatanung mo! Tsaka , Anong gusto mong gawin ko? Ha? Sabihin sayo kung bakit ako ganon? HA?'' This time , Nag-iba yung boses ko. Naging pambabae . Pero Wala akong pakialam.
''Hmmmmm... Ang ganda pala ng boses mo kapag pambabae yung ginamit mo. Maging babae ka na lang kaya? Sayang naman ang ganda mo Kung Sisiga-siga ka. Hindi yun bagay sa tulad mo. '' Ayy! Iniba yung usapan?! NEVERMIND...
Dumating na yung teacher namin sa P.E . Natigil na ang kalokohan naming dalawa. Baka kasi mamaya , Kung anu pang manggyari.
''Okay , Class , Today , Mag p.pe tayo. Maglalaban kayo. BOYS VS GIRLS. Kapag nanalo ang boys , may price ganun din sa girls. Magbihis na kayo ng pang P.E nyo tapos pumunta kayo sa gym at sisimulan natin ang laro/labanan o kung ano mang tawag don. Dun ko na sa gym sasabihin kung anung gagawin nyo. Blisan ha! ''
''Yess ma'am.''
Yasss! P.E Namin! makakapag Laro nanaman kami W00000h000...
Dumeretso na ako sa locker ko. At nakita ko don si topher. Hindi naman sa mismong loob ng locker ko , Syempre may sarili syang locker kaya , Dun ko sya nakita. At dahil seatmate kame , Magkatabi rin ang lockers namin.
Ganito kasi talaga dito! Pati sa mga Lockers magkakatabi parin. Nakakasora lang dahil sya yung naging seatmate ko.
Pumunta na ko sa sarili kong locker, At nung bubuksan ko palang yung locker ko , Naaninag ko syang nakatingin sakin.
''Anung tinitingintingin mo?'' Pagtataray ko sa kanya. Syempre , Bawal na ba magtaray ang tomboy ? Sa panahon ngayon , Hindi na uso ang bawal!
Nagsmirk muna sya tapos nagsalita.
''Good Luck sayo! Bye bye.'' Hindi ko alam kung anung nakain nya't nag good luck sya tapos nag good bye pa sya. Pero isa lang ang hinala ko , May ginawa syang kalokohan.
BINABASA MO ANG
I Can Be A Girl For Him [Ongoing]
Romance"Christoper Delavana. Ang unang lalaking magpapatibok ng puso mo" Hindi ko narinig yung huling salita na sinabi nya. Pero kung anu man yon , Wala na kong pakialam don. Pero .... Nung dumaan ang maraming panahon , Hindi ko akalain na magbabago ang p...