Chapter 14 (PromPrt4)

91 8 2
                                    




Sandy's POV

"Sandy..Kuha lang ako ng drinks.." Paalam sa akin ni Cris kaya naman tumango ako. Lahat ng mga kaibigan ko ay nasa dance floor. Tumingin ako sa table nila at nakita ko si Ferry na nakaupo lang habang nakatingin sa akin. Nakipagtitigan siya sa akin kaya hindi ko inalis yung mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit.

Naputol lang yun ng dumating na si Cris. "Wine for you..." Nagulat naman ako sa dala niyang wine glass na may laman na wine,malamang! "Sorry pero..Hindi ako umiinom eh.." Pagtanggi ko. Ayoko talaga dahil mabilis akong nahihilo at ayoko ang lasa niya. "Masarap yan tyaka mababa lang ang percent ng alcohol nyan kaya hindi ka mahihilo agad." Pilit niya sa akin. Mag-sasalita pa sana ako para tumanggi pero nauna na siyang mag-salita.

"Game..Sabay tayo..Isang deretsong lagok lang ah?"

"S-Sige.." Wala na akong nagawa kundi ang tunggain ito. Aaahh! Ramdam ko yung pag-guhit ng alak sa lalamunan ko. Isa lang ang naramdaman ko. Nahihilo ako,inantok bigla ako pero may part sa akin na parang gusto ko pang uminom. Tatayo na sana ako para kumuha ulit ng wine pero natumba ako dahil sa hilo. Buti na lang at nasalo ako ni Cris.

"Easy..May bottle of wine na dito..Dito ka na lang kumuha.." Sabi sa akin ni Cris at sinalinan ang baso ko ng wine. Naka limang lagok pa ako at talagang nahihilo na ako. "C-Cris..." Tawag ko sa kaniya. "Hmm?"

"Iuwi mo na ako. Hilong-hilo na talaga ako." Sabi ko dahil hindi ko na kaya ang pagkahilo ko. Pakiramdam ko kahit saan ako tumingin ay umiikot at hindi ko na ata kaya maglakad. "Sige..Ihahatid na kita..Kaya mo bang mag-lakad?"

"H-Hindi ata.." Tumango siya at binuhat na lang ako papalabas ng Event Hall at dinala sa kotse niya. Ang huli ko na lang na naramdan ay ang pag-andar ng kotse niya bago ako tuluyang nwalan ng malay.


Ferry's POV

Nag-CR ako para mag-palit ng pants and T-shirt at rubber shoes dahil uuwi na sana ako at hindi ko kayang mag-drive ng naka-gown at nakatakong. Kanina nga ay dito pa ako sa cr nag-bihis. Pero sa bahay na ako nag-paayos ng mga anik anik sa mukha at buhok. Paglabas mo kasi ng CR ay isang mahabang hallway at pag-liko mo ay hallway ulit at deretsuhin mo yun at nasa loob ka na ulit ng Event Hall.

Pagliko ko kanina ay napaatras ako dahil narinig kong nag-uusap si Kevin at Julius. "Jackpot si Cris kay Sandy panigurado." Sambit ni Kevin. "Haha! Oo nga! Panigurado ay dadalin niya na naman yun sa warehouse niya..." sagot ulit ni Kevin.

"Warehouse? Bakit saan ba yun? Di ko alam yun ah!"

"Bobo ka ba?! Nakarating ka na dun eh! Sa likod nitong school ay may isang lumang building..Sa likod nun ay may isang lumang building ulit at duon na yun. Malaki ang school natin at malaki din ang mga buildings sa likod nito kaya kung lalakarin mo ay malayo."

"Ayy! Oo nga pala! Oh ano nakaalis na ba sila?"

"Oo! Kakatext lang sa akin ni Cris. Umepekto yung plano! Hilong-hilo daw si Sandy! HAHAH!" At nakipag-appear si Kevin kay Julius. Nagagalit ako dahil sa ginawa nila kay Sandy! Babasagin ko mga mukha nila pag nag-kataon!

"Oh tara tara! Nakaalis na yun panigurado!" Pag-kaalis nila ay dali dali akong pumunta sa kotse ko at pinaharurot yun papunta sa warehouse na sinasabi nung dalawa base sa narinig ko. Bumaba ako ng kotse ko at kitang kita ko ang sobrang dilim na paligid. Buwan na lang ang nag-sisilbing ilaw ngayon dito sa labas.

Kumuha ako ng kahoy para sa self-defense. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko dahil sobrang dilim sa loob. Pumasok ako. Isang maliit na space lang pagpasok mo. Pagtumingin ka sa taas ay napakadaming hagdan na paikot. Nag-umpisa akong umakyat. Akyat lang ako ng akyat at napatigil ako ng makarinig ako ng mga yabag.

Sungit Girls vs. Bad Boys (SlowUpdate)Where stories live. Discover now