Sandy's POVDumaan ang mga araw at wala naman ng nanggugulo sa amin. Maayos na din ang kalagayan ni Ann. Sobra lang talaga ang pag-aalala namin sa kaniya. Lalo na si Mark. Ni hindi nga nakapagpahinga yun eh dahil gusto niya kasama lang niya si Ann. Ultimo kumain ay hindi nagawa. Buti na lang talaga at okay na si Ann. Kahit ako ay sobrang galit,awa,lungkot at pag-aalala ang naramdaman ko.
Sabay sabay kaming pumasok na mag-kakaibigan pero nakakabwisit dahil ang daming studyante ang nag-kukumpulan sa entrance. Pwede bang sa loob na lang sila mag-kumpulan? Kailangan talagang dito sa entrance? Like duh! Madami kayang studyante ang pumapasok tapos dito pa sila haharang?
Pero dahil na din sa kyuryosidad ay nakipagsiksikan na din kami. At walanjo! Nagulat ako sa nkita ko! Bakit nandito si...'SHAYNA?!!!!!!' Kasama yung 'JERICHO?!' At talagang ang daming nag-papapicture sa kanila ah?! Andami ding nagpapa-autograph! At kung mag-lampungan silang dalawa parang wala sila sa paaralan! -___-
Bwisit! Talaga bang pinapaasa niya si Ferry?! Agad akong tumalikod para sana hanapin si Ferry pero pagtalikod ko ay nakita ko agad siya. Ngumiti siya sakin pero alam kong may halong lungkot yun. Napayuko siya nung biglang may tumulong luha sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng awa at the same time inis. Lumapit ako sa kaniya at hinila siya paalis sa lugar na yun. Pumunta kami sa rooftop.
"Sariwa pa din ba yung sakit?" Tanong ko habang nakaupo sa tabi niya at nakasandal kaming pareho sa pader. "Sariwang sariwa pa." Naaawa ako sa kaniya kasi hanggang ngayon patuloy niyang minamahal yung babaeng yun samantalang yung babaeng yun masaya na. Naiinis din ako dahil dun sa Shayna na yun. Parang sinasadya niyang mapalapit ulit kay Ferry! Pinapaasa niya lang eh! Bakit kailangan niya lumipat ng school?!
"Ferry..You need to let go of her..Let her go! Be happy for her! Maging masaya ka na lang kesa sa nagmumokmok ka dyan..Kinakawawa mo yung sarili mo eh..."
"Yun na nga Sandy..I let her go already..But I can't accept the fact,na may iba na siya! Na hindi na ako yung mahal niya. Na dati ako yung kayakap niya,ako yung kaholding hands niya,ako yung kakuwentuhan niya,ako yung kaasaran niya! Tapos sa isang iglap mawawala lang yun?! Tangina! Pakiramdam ko kasalanan ko lahat eh! Pakiramdam ko madami akong pagkukulang kaya niya ako pinagpalit eh! Kasi kasalanan ko!" Tumayo siya at sinuntok suntok yung pader. Damn!'
"Tangina! Kasalanan ko lahat toh eh! Lahat! Lahat lahat!" Pilit ko siyang pinipigilan sa pag-suntok sa pader pero hindi ko magawa dahil malakas siya. S a sobrang inis ko ay nilayuan ko siya at sumigaw. "Ferry ano ba?! Wag mo nga sirain yang sarili mo! Tangina! Magkakaganyan ka dahil sa babaeng yun?! Nag-iisip ka ba ha?! Show her that you doesn't deserve lahat ng ginawa niya! Ipakita mo sa kaniya na ok ka lang kasi dahil dun maiisip niyang 'Shit lang! Ang saya na niya! Sana hindi ko na pinakawalan pa!' "
"Ang dali lang para sayo na sabihin yan kasi hindi ikaw yung nasa sitwasyon ko! Kung ikaw yung nasaktan,syempre magkakaganit ka din diba?! Sino bang hindi?!" Sigaw niya din habang tumutulo pa ang mga luha niya. Para namang kinurot yung puso ko dahil dun.
"Akala ko ba besprend tayo? At bilang besprend mo,ito lang yung kaya kong gawin. Ang imulat yang mga mata mo sa katotohanan na hindi ka dapat nagkakaganyan. Ngayon...Kung ayaw mo akong pakinggan sige.. Mauna na ako.." Sabi ko at naglakad na paalis pero sa totoo lang ay iniintay kong sabihin niya na samahan ko siya. Nakalabas na ako sa rooftop pero wala pa din. Hayss..Siguro nga kailangan niya muna mapag-isa. Wala namang saltek sa utak yun para maisip niyang magpakamatay.
Dumeretso ako sa Room 202 dahil tinext ako ni Uzi na pumunta duon. Pagdating ko duon ay sobrang excited sila. "Gahd! Alam niyo ba kakaiba ang bagong schedule natin ngayon?" Excited na sabi ni Zahra. Pero parang hindi ako interesado kung ano man ang ikinaeexcite nilang apat. "Oo noh! Si Sandy lang naman ang walang alam eh! Hihihi!" Hagikhik pa ni Mae.
YOU ARE READING
Sungit Girls vs. Bad Boys (SlowUpdate)
Teen Fiction5 girls na masungit.. 5 Bad Boys..Enemies..They are enemies..Will they turn into lovers? Or they will remain as... Sungit Girls vs Bad Boys.. Support this please..This is my second story so please..I hope you'll support this and please add this to...