Chapter 8

110 10 5
                                    




Sandy's POV

so limang araw na matapos yung aksidenteng nangyari kay Luiz. Nakalabas na siya ng ospital at bukas ay pwede na siyang pumasok. Yun nga lang ay bantay sarado na yung mga kaibigan niya sa kaniya. Mahirap na..

"F*ck! Hindi ko kaya!" Rinig kong sigaw ng isang babae sa may corridor. Late na akong umuwi dahil may tinapos pa akong project sa library. Nilingon ko ito at nakita ko si Ferry. Umiiyak siya habang pinagsusuntok yung pader. May mga ilaw kaya nakikita ko yung pagpatak ng luha niya. Parang kinurot naman yung puso ko dun. Nilapitan ko siya. "Ferry?" Sabi ko at pinigilan siya sa pagsuntok sa pader pero nagpumiglas siya.

"Ferry..Tigilan mo na! Dumudugo na yung kamay mo oh!" Sita ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumigil at napaupo sa sahig habang nakasandal sa pader yung likod niya at nakayuko yung ulo niya. Nakita kong may pumatak na luha galing sa mga mata niya.

"Ferry..Pwede mo naman ako sabihan ng problema mo eh.." Lalo pang lumakas yung pag-iyak niya.. "Sorry ha?" Sabi niya at inangat ang ulo niya para tignan ako. Tinabihan ko naman siya. Pinilit niyang ngumiti pero may pumatak lang na luha galing sa mata niya.

"Sorry,nakita mo pa akong ganito..Gabi na,umuwi ka na..Baka nag-aalala na sayo yung mga kaibigan mo.." Sabi niya at akmang tatayo na pero pinigilan ko siya.. "Alam mo,hindi mababawasan yung sakit dyan sa loob mo kung hindi mio ilalabas..Makikinig naman ako eh.." Sabi ko at nginitian siya.. Umayos siya ng pakakaupo at tumingin sa malayo,nakatingin lang naman ako sa kaniya..

"Shayna...Shayna Millendes..."Pagsisimula niya.. "Girlfriend ko.." WAT?! GIRL-FRIEND?! "Girl na friend or as in girlfriend talaga?" Tanong ko..Nakakagulat kasi diba? Babae siya supposed to be,boyfriend ang meron siya,hindi girlfriend!

"As in Girlfriend talaga...Alam kong babae ako pero wala eh,boyish ako at sa kaniya ako nainlove.. 2 years na kami..2 FUCKING YEARS! Pero anong ginawa niya? Sinayang niya ako! Pinagpalit niya ako dun sa Jericho na yun! Nakakainis lang kasi kanina lang siya nakipagbreak,at sa phone pa! Hindi niya ako kayang harapin..." Nagsimulang tumulo yung mga luha niya.. "Kagabi,nag-date pa nga kami eh..Kasi niyaya niya ako..Tapos kinabukasan,nakipag-break siya? Dahil lang may nakilala siyang lalaki? Tapos ngayong araw niya lang din nakilala..PATHETIC!"

Yumuko siya at isinandal ang ulo niya sa mga tuhod niya. Sa totoo lang naaawa ako sa kaniya. Hindi niya deserve lokohin.. Napangisi ako ng tumingin siya sa akin.. "Bakit nakangisi ka dyan?" Takang tanong niya. "Ganiyan ka pala mag-mahal noh? Wagas..." Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko.. "May naiisip ako.."

"Ano naman yun?" Sabi niya sabay punas ng luha niya.. "Tutulungan kita dun sa Shayna mo..Payag ka?" Sabi ko habang nakangiti sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko naisip ito eh. Basta,gusto ko lang siya makitang masaya..At ito lang yung naiisip kong paraan..

"Talaga lang ha? Eh pano naman natin yun gagawin?"

"Saan ba nag-aaral yang Shayna mo?"

"Sa InterHigh.."

"InterHigh?! Eh sakto pala eh! Dun nag-aaral si Kuya! Edi pwede tayo pumunta dun tapos isurprise natin yang Shayna mo! Bigyan mo ng flowers tapos ipagsigawan mo sa buong campus nila na mahl na mahal mo siya! Panigurado maaappreciate niya yung effort mo at marerealize niya na,mahal ka pa niya.. Oh diba? Why am I so genious?!" Sabi ko sabay puri sa sarili ko..Sabay naman kaming natawa..

"I like your idea..Sige ha? Bukas... 12:00 noon! Kita tayo sa parking!" Sabi niya at tumayo na kami papunta sa parking para umuwi na.. "Salamat sa pakikinig,Sandy ha? Bestfriend na kita!" Bestfriend daw! Sus! Hahahah! "Hahhaha..Sige,your welcome bespren!" Sabi ko at nagfist bump pa kami..

Sumakay na ako sa kotse ko at umuwi na..


*************

"Ang tagal mo naman!" Sabi ko kay Ferry dahil ang usapan ay 12noon pero nakadating siya 12:40..Kamusta naman yung pag-iintay ko? "Soran bespren! Bumili pa kasi ako ng teddy bear at Flowers.. 2pm pa naman yung next class nun kaya aabot pa tayo.. 20 minutes lang naman papunta dun..Tara na!" Sabi niya sabay hila sa akin.. 1:30 ang susunod na klase ko at talagang magcu-cutting ako,masamahan ko lang tong bespren 'kuno' ko...

"Andito na tayo..Tara dalian mo!" Sabi niya at hila na naman sa akin papasok sa InterHigh. Pumunta kami sa garden at nakita namin yung isang babae na payat,maputi at katmtaman lang yung ganda..Mahaba din yung buhok niya..Mukhang alam na alam na ni Ferry kung nasan yung pinunta namin dito..

"Ferry? What are you doing here?!" Gulat na tanong nung babae na sa tingin ko ay si Shayna.. "Shayna,please? Pwede pa naman natin ibalik yung dati eh..Ayan..Flowers and Teddy Bear for you.." Sabi ni Ferry ng nakangiti pero halatang kabado.. Nanonood lang ako sa kanila at iniintay ang sagot ni Shayna..Sana umepekto,para naman hindi na malungkot yung BESPREN KO!

"I already told you,Ferry..We're over..Tapos na tayo..Wag mo ng ipag--" Pinutol ni Ferry yung sinasabi ni Shayna at lumuhod sa harap ni Shayna.. "Please...Shayna..Gagawin ko lahat,sabihin mo lang..Just please,come back.." Pagmamakaawa ni Ferry at pilit hinahawakan ang kamay ni Shayna na pilit naman nitong iniiwas..

"Sabing tapos na tayo eh!" Sigaw ni Shayna..Lalapitan ko na dapat si Ferry dahil napapahiya na siya ng biglang may lumapit na lalaki at pinulupot ang kaniyang kamay sa bewang ni Shayna...Siya siguro si Jericho... "Babe,may problema ba dito?" Yuck! Ang gwapo mo Jericho! Wala ka lang taste! Kakasuka! Di naman kasi kagandahan yang si Shayna eh! Ang pangit pa ng ugali! Kung ipahiya niya si Ferry kala mo wala silang pinagsamahan! Ewan ko ba kung bakit minahal yan ni Ferry!

Di ko na napigilan at nilapitan ko na si Ferry para itayo siya.. "Wag mo namang ipahiya si Ferry..May pinagsamahan din kayo diba? 2 years yun Shayna.." Pinipilit kong maging mapagkumbaba dahil naiinis na din ako..

"Ayoko na nga sa kaniya eh! Isn't that clear?!"

"Wag mo akong masigaw-sigawan ah! Kinakausap kita ng maayos!"

"Sandy..Tama na,tara na.." Pigil sa akin ni Ferry...

"No! Grabe mamahiya tong babae na ito eh! Kagandahan ka ba ha,Shayna?!"

"Wag mong mapagtaasan ng boses yung girlfriend ko ha?" Sabi ni Jericho..

"Wala kang alam..." Baling ko kay Jericho at baling ulit ng tingin kay Shayna..

"Sa totoo lang,mukha ka namang basura eh..Di ko nga alam kung bakit ka 'MINAHAL' ni Ferry at kung bakit ka 'NAGUSTUHAN' ng lalaking toh!" Sabay turo ko kay Jericho..

"Pwede ba?! First of all,hindi kita kilala! At pangalawa,Tigilan mo na ang pagsisigaw dahil nagsasayang ka lang ng boses mo!" Sabi ni Shayna,hindi muna ako nagsalita dahil alam kong may sunod pa siyang sasabihin..

"At panghuli,Ferry...A-YO-KO na sayo..So sttop this bullshit! Tapos na tayo! Nakalimutan na kita kaya kalimutan mo na ako! Hindi pa din ba malinaw sayo ha?!" Sabi ni Shayna sabay tulak sa braso ni Ferry.. Nilapitan niya si Ferry.

"Para malinawagan ka,eto ha?! Sasabihin ko na sa harap mo mismo! PINAGSAWAAN NA KITA! SO STOP THIS F*CKING NON-SENSE! BULLSH*IT!" Sigaw ni Shayna at umalis na kasama ang boyfriend niya..Nakita kong may pumatak na luha sa mata ni Ferry at agad siyang tumakbo palayo.. Hinabol ko siya at parang ako ay maluluha na din.. Tumigil siya sa harap ng kotse niya..

"Sorry,Ferry..Hindi umepekto yung plano ko..." Lalo siyang napaiyak..Para namang dinudurog yung puso ko..Umupo siya sa may harapan ng kotse niya at tumabi naman ako sa kaniya.. "Its not your fault..Siguro nga ay titigilan ko na..Pinagsisiksikan ko yung sarili ko sa taong ayaw sa akin..."


"Siguro nga,tama si Shayna..Pinagsawaan niya na ako..Wag ng ipagsiksikan yung sarili sa taong ayaw sayo..NAGPAPAKATANGA ka lang..Tatanggapin ko na lang na HINDING HINDI NIYA NA AKO BABALIKAN..Mas mabuti pa yun kesa UMASA AT MAGPAKATANGA.." Sabi niya at isinandal yung ulo niya sa balikat ko..


*********************

AYAN NA! OH! WAG NA DAW MAGPAKATANGA SABI NI FERRY! WAG NG MAGPAKATANGA,MASASAKTAN KA LANG KAPAG PINILIT MO ANG SARILI MO MADUDUROG KA LANG! CHOS!

PLEASE LIKE,COMMENT AND VOTE! SANA HINDI LAME! THANK YOU SA MGA NAG-ADD NETO SA READING LIST NILA! LOVELOTS! HAVE A GREAT NIGHT!

~LeenKathAnn

Sungit Girls vs. Bad Boys (SlowUpdate)Where stories live. Discover now