Mae's POVMaaga akong nagising dahil sabi nila Mom ay may bussiness meeting daw sila at kailangan kasama ako. Kaya wala akong choice kundi ang gumising ng maaga at hindi ako makakapasok ngayon. After kong maligo ay nag-bihis muna ako ng pangbahay para kumain muna. Ugali kasi naming maligo muna tapos magbibihis ng pangbahay lang at kakain at aakyat ulit sa kwarto para mag-ayos na. Pagbaba ko ay andun na din sila at naghahain na.
"Oh bakit nakabusangot ka?" Tanong ni Ann. Hindi ko pa pala nasabi sa kanila dahil kagabi lang sa akin sinabi nila Mom nung patulog na ako. Umupo na ako at ganun din sila. "May bussiness meeting daw kasi sila Mom..kailangan daw kasama ako..Tch." Sabi ko habang kumukuha ng rice.
"Edi hindi ka din papasok?" Tanong ni Zahra. Kumuha naman ako ng eggs and bacon. Favorite kasi namin itong ulam sa breakfast kaya ito lagi..^__^
"Oo,wag na din daw muna ako umuwi kasi dun may Bussiness Dinner din daw sila sa bahay at kasama din ako. Pero baka after dinner,makauwi na din ako. Ayoko naman mag-stay dun kasi wala akong damit na dadalin." Sabi ko at tyaka sumubo ng pagkain ko.
"Edi magdala ka na din ng damit para sure ka!" Sagot naman ni Uzi. "Oo nga.. For sure,dun ka patutulugin ng mga yun noh? Pamilya mo pa din sila at namimiss ka din ng mga yun.." Sabi pa ni Ann.
"Ayts..ayoko naman kasi mag-dala ng sobrang laking bag diba? Pagkabihis ko ay dederetso na ako dun sa company nila tapos may bitbit ako ng malaking bag?" Dagdag ko pa.
"Duh?! Pwede mo naman siguro iwan sa kotse mo noh? Ang laki laki ng kotse mo eh! Ikaw lang naman sasakay dun! Nag-titipid sa space ganern?" Dagdag pa ni Zahra.
"Ayts,oo nga noh? Nawala sa isip ko!" Sabi ko. "Tch,anyways..maiba nga tayu.. Sandy,bakit ang tahimik mo naman yata?" Tanong ni Uzi. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya na tahimik pa ding kumakain. Pansin ko nga din na nagiging tahimik siya this past few days.
"Dahil pa din ba kay Ferry?" Tanong ko naman. Tinignan niya lang kami isa isa at sinubo ang laman ng kutsara niya at tyaka tumayo at kumuha ng tubig at tyaka ininom ito. "Aakyat na ako.. Mag-aayos na ako.." Cold na sabi niya.
Well,hindi naman na niya kailangang sagotin yung tanong ko kasi obvoius naman na. Tinignan lang namin siya ng may halong pag-aalala. "Tss.. Don't look at me like that. I'm ok..Don't worry." Nginitian niya kami at tyaka nag-tuloy sa pag-akyat.
Tinuloy na lang din namin ang pagkain at ng matapos ay si Zahra na ang nag-hugas ng plato at sabay sabay na kaming umakyat sa kaniya kaniya naming kwarto. Nahirapan pa akong pumili ng sosootin ko dahil ang sabi ni Mom ay presentable yet comfortable daw ang sootin ko. Saan ba ako komportable? Sa jeans lang naman. Pero hindi mukhang presentable kasi alam ko naman na ang gusto nilang sabihin sa akin ay Formal Dress. -___-
Ng matapos kami ay sabay sabay na kaming umalis palabas ng village pero sila ay pakaliwa papuntang Academy of High. At ako naman sa kanan dahil dito ang daan papunta sa Company nila Mom.
~ ~ ~ Dela Rosa Incorporation ~ ~ ~
Umakyat na agad ako ng elevator papunta sa 19th floor kung saan ang office ni Mom. Nag-punta agad ako sa front desk kung saan nandun ang secretary ni Mom na busy sa pag-susulat ng kung ano-ano. "Excuse me.. Ms. Yula right? Ahm.. My Mom told me to go here for a bussiness meeting.. Did it start already?" Malumanay na tanong ko sa kaniya habang tinatanaw pa ang office ni Mom. Ang office kasi ni Dad ay sa 20th floor. But, I think,he'll be here too.
YOU ARE READING
Sungit Girls vs. Bad Boys (SlowUpdate)
Teen Fiction5 girls na masungit.. 5 Bad Boys..Enemies..They are enemies..Will they turn into lovers? Or they will remain as... Sungit Girls vs Bad Boys.. Support this please..This is my second story so please..I hope you'll support this and please add this to...