Chapter 1

275 17 4
                                    


Ann's POV

Hi! I'm Ann Villa.. Simple but elegant! Charing! Di na ako magpapakahumble ah! Maganda ako!HAHAH! Matalino din! Ako daw ang pinakamadaldal sa Squad namin. Ewan,sabi lang nila yun! Pero kahit madaldal ako,mabait din naman ako,caring and loving.

I just woke up. Naligo muna ako at nagbihis ng uniform namin. Kailangan ko ng gisingin yung apat kong kaibigan.Sa aming lima,ako lagi ang maagang nagigising.Tulog mantika kasi ang mga yun. Joke! Nagdecide kami na sa iisang bahay na lang tumira tutal hindi din naman kami mapaghiwalay. Mayaman ang mga parents namin pero hinayaan nila kaming maging independent. Magkakaibigan din ang parents namin. Una kong pinuntahan si Uzi..

"Uzi! Gising na nga! Its our first day at school tapos malelate tayo! Mygosh!" Sabi ko tapos dinaganan pa siya para bumangon na siya.. "Hmmmm" daing nito at tyaka nagtakip ulit ng unan sa ulo..

Meet Uzi Geronimo. Siopao cheeks sa aming lima! Pinakapandak! Ahahah jowk! Tama lang yung height niya! Mabait,maganda,Matalino,kalog! Kung magmahal wagas! Kaya wagas din kung masaktan. Pero wag kayo! Magaling yan kumanta!

Niyugyog ko pa siya dahilan para sumuko siya at bumangon na ng tuluyan! "Oo na! Hay nako Ann! Lagi kang istorbo sa tulog ko! Alis na! Maliligo na ako!" "Nays! Sige! Babush! Dalian mo na ah! Baka malate pa tayo!" Sabi ko at umalis na ng kwarto niya.

Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Zahra. Pagpasok ko ay gising na pala ito at kimukuha na ng damit niya sa cabinet niya. "Akala ko ay pati ikaw ay kailangan kong daganan para lang magising" Buti nga at gising na siya..Hindi na ako magpapakahirap na gisingin! "Narinig ko ang sigaw mo sa kwarto ni Laarni! Ang lakas kaya pati ako ay nagising!"

Yan si Zahra Miguel. Maganda din syempre! Siya ang pinaka palaayos sa Squad namin! Matalino din syempre! Sa una aakalain mong mataray pero pag nakasama mo na,wagas kung makatawa!

Sunod kong pinuntahan si Mae.Tulad ni Zahra,gising na din ito at kinukuha na ang damit niya. "Nagising ka din ba sa sigaw ko sa kwarto ni Laarni?!" Natawa naman kaming dalawa "Oo! Ganun ka kalakas sumigaw! Alis na! Ligo na ako!" Makataboy itong mga ito eh noh! Ako na nga nanggising para hindi kami malate ako pa,itataboy!

Meet Mae Dela Rosa. Lagi sawi sa pag-ibig yan! Parang si Laarni! Binibigay lahat! Maganda din noh! Pinakamatalino sa aming lima! Pinakamapagkumbaba sa Squad namin! Yung tipong kami nagsisigawan na sa mga jokes pero siya tawa lang ng tawa! Ganon!

Pumunta naman ako sa kusina dahil alam kong gising na din si Sandy. Pagpunta ko duon ay hindi nga ako nagkamali at nakaligo na ito at nagluluto..Himala! Maaga nagising ito ngayon!

Yan si Sandy Lacio. Ang tagaluto namin! Matalino din..Maganda! Mahilig siya sa music! Yung tipong makarinig lang ng kanta,sasayaw na agad siya! Or di kaya sasabayan niya yung kanta!

"Ano naman yang niluluto mo,Sandy?" Sabi ko habang naglalagay ng plato sa lamesa namin. "Eggs and bacon,Ann" sabi ni Sandy. Ng makababa na yung tatlo ay kumain na kami at pumunta sa kaniya kaniyang kotse at tyaka nagdrive papunta sa Academy of High.

Dun kami nag-aaral. Transferee kami dun at first day namin ngayon. Sabay sabay kaming pumasok sa gate.

Hinanap na namin ang aming classroom at ng mahanap namin ay umupo ako sa unahan. 5 rows kasi. Bali ako ang nasa pinakaunahan,sa likod ko si Uzi,sumunod si Mae,pagkatapos ay si Zahra at sa dulo si Sandy. Nagsimula na ang klase at hindi mawawala ang introduce yourself. Since lima kaming transferee,at ako ang nasa unahan ako ang nauna.

Sungit Girls vs. Bad Boys (SlowUpdate)Where stories live. Discover now