Dedicated to: KnightInBlack
Lisa POV
Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili habang nakatingin ako sa aking pigura sa salamin.
Maaga akong nagising para makapag-ayos at makapasok na ako sa school.
Pagbaba ko sa hagdan nadatnan ko si manang linda na nagkakape.Mahilig talaga si manang magkape.
"Manang,si kuya po?" tanong ko kay manang.
"Oh,nandiyan kana pala Isang.Nauna na si kuya Mar mo.Maaga daw kasi ang pasok niya ngayon kaya nagmamadaling pumasok.Nagbaon na nga lang ng sandwich yung batang iyon.Hala,sige mag-almusal kana baka mahuli ka pa sa klase mo." ani ni manang.
"Ganon po ba.Sige po kakain na po ako.Tsaka manang naman hindi na po ako bata para tawagin niyo pong Isang." pagmamaktol ko.
"Bakit ano bang mali sa sinabi ko?Tsaka para saakin kahit lumalaki ka ng dalaga sa aking paningin ikaw parin yung iyakin na bata na inalagaan ko noon." sambit nito."Si manang talaga,sige na po aalis na po ako.Baka mag-iyakan lang po tayo dito eh." natawa si manang sa sinabi ko.
"O,siya mag-iingat ka." Sabay mabilis na pagyakap nito saakin.
Pagkalabas ko ng bahay sinabihan ko ang family driver namin na magpahatid na ako papasok sa school.
Paglalabas namin sa gate nakita ko kagad yung bahay na katapat lang namin.Saktong bumukas ang gate nito at tila lalabas din ang kanilang kotse.Napansin ko si Calix na papasok sa kotse kasama ang isang magandang babae.Nakasuot din ito ng kaparehas sa uniform ng mga lalaki sa school namin.
Hala siya!Parehas kami ng school na pinapasukan?!
Bago siya tuluyang pumasok sa kotse bigla siyang tumingin sa direksiyon ko.Imahinasyon ko ba iyon o sadyang ang sama lang ng estilo ng pagtingin niya.Kasabay non ay ang pagpasok na niya sa loob.
Bigla tuloy akong kinabahan sa inakto niya.Ano bang mali at parang galit siya saakin? Eh,kakilala lang naman nung nakaraang araw eh.Ano yun may PMS lang si kuya? Pinaglilihian ba niya ako? Kaloka siya ah.Sa gandang 'to sinusungitan niya ako?
Umandar na ang kotse at umalis na kami.Hindi ko maiwasang hindi lumingon sa likuran.Paglingon ko sa likuran bigla na lamang nawala ang kotse nila.
Bakit nawala?
Hindi ko maiwasan na itanong sa aking sarili.Nakarating na kami sa Norx Academy na aking pinapasukan.Isa itong sikat at isa sa mga tanyag na eskwelahan dito sa Pilipinas.Maraming estudyante ang nagkukumayaw para lang pumasok dito.Pero bago ka makapasok dito dapat isa kang anak-mayaman at matalino.Nakapasok ako dahil sa estado namin sa buhay at isa pa overall top 1 ako.Maraming naiinggit saakin dahil sa mga talent ko.Bukod pa don isa rin akong SSG president sa NA (Norx Academy)
BINABASA MO ANG
Witch boy at twelve midnight
Mystery / Thriller"May bagong kapit-bahay" sabi ng aming katulong. Ngunit ang pinagtataka ko bakit wala akong makitang bahay sa pagsapit ng alas-dose ng gabi? Isang hindi malamang kadahilan ang bumungad saaking mata ng napagtanto ko na bigla nalamang nawala ang bahay...