Lisa POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Sir Norx.Ako magiging isang Head Master's Assistant? Paano naman nangyari 'yon?
Pabalik na ako—este kami pala ni Sir Norx sa aming classroom.Grabe lahat ng atensyon ng mga estudyante na nasa paligid namin ay nasa amin na.
Paano ba naman kasi katabi ko lang naman ang may-ari ng NA at ako pa ang napili niyang assistant.Ang hirap rin kaya ang duty ng isang President,dinagdagan pa niya.
Napabuntong hininga na lamang ako ng wala sa oras.Kasi wala na naman na akong magagawa sa mga nangyayari ngayon. It's decided and final na 'yon.'Yon na ang desisyon niya.Wala akong karapatan para kumontra do'n
Nang nakabalik kami sa classroom kagaya ng reaksiyon nila kaninang umaga ay ganon na ganon.Hindi ko nalang 'yon pinansin at dumiretso sa aking upuan.At ganon din ang ginawa ni Sir Norx.
Hindi ko pa pala natatanong kung bakit ako pa ang napili niyang assistant kung pwede naman siyang mag-hire.Ang yaman naman nila ba't sa isang tulad ko pa?
Mamaya ko na lang siguro tatanungin kung bakit ako ang napili niya.
Hindi rin nagtagal ay pumasok na ang next teacher namin.
It's 10:30 am.
Kalahating oras bago ang next subject namin bago kami mag-lunch.Siguro sa lunch break ko na lang tanungin si Sir.
Nakinig lang ako ng nakinig sa buong klase.Kahit ang isipan ko ay lumilipad sa kawalan.Hindi ko ma-imagine sa isang simpleng pagsunod sa mga utos niya nitong mga nakaraang araw ay ako ang mapipili niyang magiging Head Master's Assistant niya.
Lumipas ang oras at lunch break na namin.Sa mga oras na nagtuturo ang mga subject teacher namin ay parang wala akong naiintindihan kahit ni isa.
Palaging gumugulo sa isip ko kung bakit ako? Anong meron saakin kung bakit ako ang napili niya? O kaya ba't sa dinami-dami ng tao na pwede niyang pagkatiwalaan bilang assistant ba't ako pa?
Hindi naman sa pagiging choosy o ano man,sadyang naguguluhan lang talaga ako na bakit ako ang napili niya.Kay bago lang namin na magkakilala.Oo nga't magkatapat ang bahay namin pero dapat hindi siya basta-bastang magtitiwala kaagad.
Lalo na sa katulad ko..
Calix POV
It's time to have a lunch. I glimpse at my wrist watch and it's exactly 12 in the afternoon.
Gusto ko na ring mag-lunch dahil hindi na ako nakapag-recess kanina dahil sa ginawa kong biglaang pag-announce sa magiging Head Master's Assistant.
Wanna know why I chose her? Simple.I want her to be one.
Tatayo na sana ako para pumunta sa aking office ng makita ko sa aking harapan ang nakatulalang si Lisa.
After shock,eh?
Wala akong balak na kalabitin siya para sabihang lunch na. I don't want to waste my time.
Balak ko sana siyang kausapin para sa magiging duty niya as a Head Master Assistant ko.Kaso mamaya na lang siguro. I need to eat before I die sa sobrang hilo.
Tumayo na ako sa aking upuan at lumabas sa classroom na 'yon.Diretso lang ang tingin ko. I don't bother to glance at them. I know that they watching me walking in this hallway.
Nang malapit na ako sa aking office may isang babae ang naglakas loob na lumapit sa akin.
Nice.
BINABASA MO ANG
Witch boy at twelve midnight
Mistero / Thriller"May bagong kapit-bahay" sabi ng aming katulong. Ngunit ang pinagtataka ko bakit wala akong makitang bahay sa pagsapit ng alas-dose ng gabi? Isang hindi malamang kadahilan ang bumungad saaking mata ng napagtanto ko na bigla nalamang nawala ang bahay...