Lisa POV
Kasalukuyan akong nandito saaking kwarto habang nanonood ng anime.Madilim ang kwarto ko at ang tanging ang bilog na buwan lamang ang nagbibigay liwanag dito.Kaya hindi ako masyadong natatakot dahil sa ginagawang liwanag ng buwan ngayong gabi.
Tumayo ako at pumunta sa bintana dito saaking kwarto at bahagya kong binuksan ang bintana at sinalubong ang malamig na hangin dulot ng gabi.
"Hmm,ang ganda sa pakiramdam." usal ko sa aking sarili.Hindi rin nagtagal sinarado ko muli ito upang tingnan kung anong oras na.
"11:11 na pala ng gabi.Mag-twetwelve na.Puyat na naman ako dahil sa kapapanood.Lagot na naman ako nito kay Kuya Mar." pagkausap ko sa aking sarili.
Pinatay ko na ang aking laptop at handa na sanang matulog ng biglang naisipan kong bumaba muna para makainom ng tubig.Nakakauhaw pala ang ilang oras na panonood ko ng anime.
Pagkarating ko sa pinaka-huling baitang naramdaman ko na parang may nagmamasid saakin sa hindi kalayuan kahit hindi ko siya makita ay ramdam ko ang kanyang presensiya sa paligid.Mabigat na hininga at ang kaunting galaw nito na para bang gusto niyang umalis sa kanyang kinatatayuan para takasan ako.
Pero hindi nagtagumpay ang kanyang plano dahil nahanap ko kagad ang switch ng ilaw para iyon ay buksan.
"BULAGA!!!" paggulat ko kay Kuya Mar.
"Sabi na nga ba kuya eh.Ikaw na naman ang parang nagnanakaw dito sa kusina tuwing gabi." ngisi kong usal dahil sa itsura niya sa ref na halatang kababalik pati na rin sa kanyang suot.Boxer na pink at sandong pink.Kung hindi lang ako babatukan nito baka palagi ko na siyang tinatawag na kuyang bakla dahil sa kulay na sinusuot niya tuwing matutulog siya."Magnanakaw kagad Isang? Sa gwapo kong 'to magnanakaw? Hindi ba pwedeng iinom lang dahil nauuhaw? At isa pa bakit gising kapa? Madaling araw na oh." sabay tingin sa wall clock dito sa kusina.
"Hehehe ganun ba kuya.Eh kasi naman napasarap yung panonood ko eh.Kaya hindi ko na namalayan yung oras." payuko kong usal.
"O siya,sige na matulog kana maaga pa pasok mo." pagkatapos n'on saglit akong uminom ng tubig na sadya ko dito sa kusina.At sabay na kaming umakyat.Pagdating sa tapat ng kwarto ko naggoodnight na ako kay Kuya Mar.
"Wag ng manood ah.Tulog na." maowtoridad nitong sabi.
"Aye,aye captain" at nagsalute pa ako.Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humiga saaking kama at matutulog na sana.Ngunit kahit anong gawin kong paghiga wala pa ring epekto saakin ang tulog.
"Nakulangan ba ako sa panonood?" tanong ko sa aking sarili.Inabot na ako ng hating-gabi kakaikot sa kama para lang makahanap ng posisyon para makatulog ng maayos pero bigo ako.Hindi ko na napigilan at tumayo na ako.Sinilip ko ang aking bintana at tahimik ang paligid.Tanging mga street light lang ang silbing ilaw ng paligid.Lahat ay mahimbing na natutulog samantala ako hindi pa ako makatulog.Hanggang ngayon hindi ko parin mahanap ang tamang tiyempo para makatulog na ng maayos dahil maaga pa ang pasok ko mamaya.
Habang kasalukuyan akong nakatingin sa labas ng bintana napansin ko ang katapat naming bahay na pagmamay-ari nila Sir Norx.Tahimik ito at kapansin-pansin na hindi lang basta-basta ang tumitira sa bahay na iyon.Mayayaman.At hindi lang basta mayaman.May kapangyarihan.May connection sa bawat sangay na nandito sa bansa pati na rin sa ibang bansa.Napapaisip ako kung gaano sila kayaman.Mas mayaman pa ba sila sa nanalo sa lotto o mas mayaman pa sa mga billionaire na nababalita minsan sa mga news? Misteryoso din siya dahil hindi siya masyadong umiimik sa klase na tila nagmamasid lang sa mga nangyayari.Na animo'y pinapanood niya ang bawat isa saamin na kumilos.At kapag may hindi siya nagustuhan doon siya magsasalita.Iyon ang naobserbahan ko.Hindi na rin masyadong nakakailang ang presensiya niya na pirming nakaupo sa likuran ko.Ilang linggo na rin kasi ang nakakalipas simula nung araw na una siyang naupo sa likuran ko.At simula din nung araw na iyon doon niya lang ako kinausap at hindi na ulit iyon naulit pa.Pagkatapos kasi ng araw na iyon parang walang nangyari at parang back to square one.Parang naglalagay siya ng pader sa pagitan namin na ayaw niyang kahit na sino ay hindi dapat manghimasok.Ni hindi ko nga rin siya nakikita at maririnig na nagrerecite sa klase kaya kahit ang boses niya ay tila misteryoso na rin para sa karamihan.Dahil huli nila iyong narinig noong nagsungit siya sa isang guro.At nakakatakot ang paraan na kanyang pagsabi ng mga katagang iyon.Kahit may pagkamisteryoso siya,maraming kababaihan ang nagkakagusto sa kanya.Ilang linggo palang pero nagkaroon na siya ng fansclub.Sa bawat palapag ng school namin,palagi siyang tinitilian.Kahit nasa malayo ka maririnig mo talaga ang mga tili ng mga babaeng nagkukumayaw na mapansin sila.Naalala ko yung araw na muntikan ng magkaroon ng stampede sa building namin dahil sa mga babaeng nag-aabang sakanya sa labas.
BINABASA MO ANG
Witch boy at twelve midnight
Misterio / Suspenso"May bagong kapit-bahay" sabi ng aming katulong. Ngunit ang pinagtataka ko bakit wala akong makitang bahay sa pagsapit ng alas-dose ng gabi? Isang hindi malamang kadahilan ang bumungad saaking mata ng napagtanto ko na bigla nalamang nawala ang bahay...