Lisa POV
Nagising ako dahil sa liwanang ng araw na tumatama saaking mukha.Nakalimutan ko siguro isara kagabi yung kurtina.
Bumangon na ako sa aking pagkahiga para makapaghanda para sa pagpasok ko sa school.
6:30 na pala ng umaga.
May isang oras pa ako para makapaghanda.Dali-dali akong pumunta sa CR at gawin ang aking ritwal.
Hindi naman ako nagtagal at nagbihis na para makapag-almusal sa baba.Para ngang wisik lang ang ginawa ko sa loob ng CR,eh.
Pagkababa ko sa kusina nadatnan ko si Manang Linda na nagluluto pa lang ng almusal.Kadalasan kasi sa mga ganitong oras handa na ang almusal.Siguro na-late ng gising si manang.
"Goodmorning po." pagbati ko kay manang.
"Goodmorning din ija." pagbati din ni manang saakin.
"Nasaan po si kuya?" tanong ko kay manang.
"Tulog pa Lisa." maikling tugon ni manang.
Tumango na lang ako at pumunta sa hapag kainan para kumain na ng almusal.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay manang na aalis na.Pinasabi ko nalang sakanya na mauuna na ako.Baka kasi hanapin ako ng magaling kong kuya.
Pagkalabas ko ng bahay agad bumungad sa labas ng gate si Sir Norx.
Bakit kaya biglang napapunta si Sir Norx dito?
Agad kong binuksan ang gate para papasukin si Sir.
"Magandang umaga po Sir." pagbati ko sakanya.
"Morning." maikling tugon ni Sir Norx.
"Bakit po pala kayo napadaan dito Sir?" pagtanong ko sa kanina pang gumugulo sa aking isip.
Ngunit tinitigan niya lang ako.
"Sir?" pag-agaw ng kaniyang atensyon."Ah-eh,makikisabay sana ako sayo.Kasi yung driver.Tama yung driver namin wala eh." tugon niya.
"Ah ganon po ba sir." medyo na weirduhan ako sa uri ng pag-sagot ni Sir sa aking tanong.
"Tayo na?" tanong si Sir saakin.
"Anong tayo na Sir?" medyo nabingi ako sa sinabi niya.Nadouble meaning ko.
Wengya ka Lisa!! Nangangarap ka na naman ng gising!!
"I mean 'tara na'." pagtatama ni Sir sakanyang sinabi kanina.
"Ah HAHAHA, kala ko kung ano na." pilit kong tawa.Nagmukha tuloy akong ambisyosa sa iniisip ko kanina sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Witch boy at twelve midnight
Mystery / Thriller"May bagong kapit-bahay" sabi ng aming katulong. Ngunit ang pinagtataka ko bakit wala akong makitang bahay sa pagsapit ng alas-dose ng gabi? Isang hindi malamang kadahilan ang bumungad saaking mata ng napagtanto ko na bigla nalamang nawala ang bahay...