LAHAT ng mga dumalo sa kasal ay namangha sa kariktan ng Barasoain Church. Gold and red ang motif ng kasal kaya't nagkalat ang mapupulang mga rosas sa isle ng simbahan. May puting tela na nakaalampay sa mga poste sa isle at tunay ngang kamangha-mangha ang pagkakaayos ng mga ferns, daisies at gerberas na nakapatong sa bawat poste. Sa may altar naman ay makikita ang eleganting pagkakahanay-hanay ng mga nakaposteng mga rose arrangements. Naipatong ni Samantha ang kanyang mga kamay sa kanyang kaliwang dibdib dahil sa masidhing galak at mangha dulot ng tanawin.
"Wow, napakaganda ng simbahang ito, Marj..." pabulong niyang sambit.
"Siyempre si Papa Daniel 'yan kaya dapat bongga ang kasal. Halika na. Umupo na tayo," hinila siya ng make-up artist na si Marj. Sa bandang likuran sila umupo. Di pa rin mapalis ang guhit ng ngiti sa kanyang mga labi. Pinagmatyagan niya ang buong kapaligiran. Lahat ay nananabik sa pagdating ng bride. Silang mga bisita ay mataman nang nakaupo sa mahabang upuan. Ang wedding entourage naman ay nasa labas na ng simbahan.
"To your position please! Nandito na ang bride," mahinahong sambit ng wedding coordinator. Humanda na silang lahat. Lumilingon silang lahat sa bandang pintuan ng simbahan upang abangan ang isa-isang pagpasok ng members of the entourage.
Maya-maya lamang ay biglang sumulpot ang isang lalaki. Snappy ang galaw nito. Nagmamadali itong lumapit sa gitnang bahagi ng isle. Napakakisig nitong tingnan sa suot na kulay puting long-sleeves at kulay grey na fitted long pants. Nakaayos ang buhok nito katulad ng buhok ni Leonardo De Caprio. Maaliwalas ang mukha habang nakangiti. Nang magsimula nang kumanta ang wedding singer ay naging abala na ito sa pagkuha ng letrato sa bawat miyembro ng entourage na pumapasok sa loob. Sa halip na pagmasdan niya ang mga naggagwapuhan at naggagandahang bridesmaid at groomsmen ay nakatuon lang ang kanyang buong atensiyon sa mga galaw ng photographer. Napaka-enthusiastic ng mga galaw nito. Halatang gustong-gusto ang ginagawa. Tiyak na magaganda ang mga kuha nitong letrato. Napapangiti kasi ito tuwing pinagmamasdan nang mabilisan ang mga kuhang letrato sa view screen. Nakakahawa ang ngiting iyon kaya't napapangiti rin siya. Tuluyan na nga siyang dinuduyan ng kasiyahan nang mas lalong nagkagulo ang buong team ng event organizer. Bride na daw ang susunod sa prosesyon. Agad-agad na sinara ng isang lalaki ang pintuan ng simbahan. Lalong lumapit ang photographer sa bandang likuran para abangan ang pagbukas ng pinto.
"Excuse me. Paurong lang saglit kailangan kong anggulohan ang bride," wala sa isip na pinausog sila nito. Saglit siyang kinabahan pero palihim siyang napangiti. Marahil ay hindi siya nito nakilala. Kung anu-anong posisyon ang ginawa nito kahit na masagi pa siya, makahanap lamang ng magandang anggulo. Naamoy niya ang bango nito kaya't napasanghap siya ng hangin. Nakapikit pa siya habang ninanamnam ang hangin ng... "Samantha?" awtomatiko siyang napamulagat. Ngumiti siya sa lalaking puno ng surpresa ang mga mata. "Wow! Ang ganda mo..." pabulong nitong sambit. Pero agad itong bumalik sa trabaho. Pumunta ito sa gitnang bahagi ng isle at kasabay ng videographer ay paatras silang lumakad habang kumukuha ng mga letrato sa bride. Kung kanina'y sumisilip ito sa view screen ng camera tuwing matatapos ang isang shot, sa pagkakataong ito nama'y nagtatapon ito ng tingin sa kinalalagyan niya tuwing matatapos ang isang flash. Napangiti siya. Umaalingawngaw kasi ang salitang "Wow! Ang ganda mo..."sa kanyang tainga.
"Salamat Miggy," pabulong niyang sambit.
"AT LAST I found you!" hinihingal na bulalas ni Miggy. Nabigla naman si Samantha sa biglang pagsulpot ng lalaki. Walang humpay ang pagkukuwento ni Marj kay Samantha tungkol sa buhay pag-ibig nito bago pa dumating si Miggy. Nakaupo sila sa isang bench sa hardin ng mansion. Romantiko ang mga ilaw sa buong hardin na pinagdausan ng wedding reception. Maging ang musikang tumutugtog ay nakaka-in-love kaya naman ay di napigilang magkuwento ni Marj sa sarili nitong karanasan sa pag-ibig. Eh, naputol ang lahat dahil niyayaya ni Miggy si Samantha na makausap ng sarilinan. "Maaari ko bang hiramin ang kasama mong chicks, Marj?"
"Pwede mo naman akong hiramin kahit na anong oras Miggy," malanding sambit ni Marj.
"Nope, nope, nope..." pilyo at mapagbiro nitong sambit. "Si Samantha ang tinutukoy ko," malagkit ang pagkakatingin nito sa kanya kaya't napatawa siya ng marahan. "Can I?" iniabot nito ang kamay sa kanya. Tumingin siya saglit kay Marj at nang tumango sa Marj sa kanya ay nagpaubaya na siya sa pagyaya ni Miggy na makausap siya ng sarilinan.
ISANG eleganting short-off shoulder lace dress ang pinasuot ni Marj sa kanya. Tama lamang ang iksi nito at pormal pa ring tingnan. Lumitaw ang maputi at mahahaba niyang legs. At dahil off-shoulder, lumilitaw din ang seksi niyang leeg. Ang ganda rin ng kanyang make-up. Sweet-sixteen pink ang kulay nito na nagpalitaw ng natural niyang angelic beauty.
"You are an angel, Samantha." Dinala ni Miggy si Samantha sa bahagi ng hardin na kakaunti lamang ang tao. Pinaupo siya nito sa isang bakanteng bench. Binigyan siya nito ng sari-saring panuto. "You will be my model for tonight." Pose kong pose naman si Samantha kaya't satisfied na satisfied si Miggy sa pagkukuha ng mga letrato sa kanya.
"Can I dance with you?" malambing na tanong ni Miggy. Tumango naman si Samantha. Hinawakan nito ang malambot at malamig niyang kamay. Idinantay niya ang kanyang kaliwang braso sa balikat nito. Hinawakan nito ang kanyang balikat at nang marahan nito itong hatakin ay mas lalong naglapit ang kanilang mga katawan. Sakto namang narinig nila ang announcement ng wedding host.
"At this point, let me call in our newly-wed for their first dance together as wife and husband..."
Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga bisita nang sumayaw na ang bagong kasal. Pumailanlang ang tugtugingGrow Old With You. Sumabay sila sa kumpas ng kanta. Habang patuloy ang hiyawan ng mga bisita sa nasaksihang pagkumpas ng mga katawan ng bagong kasal sa saliw ng tugtugin, nasaksihan naman ng mga bituin sa langit ang pagkumpas ng puso ni Samantha sa ilalim ng mga bisig ni Miggy.
"Handa ka na bang pansamantalang tumira sa condo ko?"
Isang matamis na ngiti lamang ang kanyang naging tugon sa binata at nagpatuloy ang kanilang pakubling pagsayaw ng waltz sa likod na bahagi ng hardin.
<
YOU ARE READING
The Day I Met My Superman
RomancePakiramdam ni Samantha ay isang Superman ang nagligtas sa kanya mula sa mahigpit niyang tiyahin. Pinalaya siya nito mula sa pagkakakulong sa isang lumang lodging house sa Bulacan. Nang malaman niyang isa palang sikat na celebrity ang kinababaliwang...