CHAPTER Two

7 1 0
                                    

"Nakawin mo ang pitaka ni Miguel," pabulong ngunit madiin na sambit ni Aleng Tarcela kay Samantha. Nasa kusina sila at masinsinang nag-uusap.

"Ho? Hindi ko po magagawa 'yun tiyang..." sinubukan niyang tumutol ngunit isang malutong na batok lang ang inabot niya.

"'Wag kang mag-inarte!" hinawakan nito ang kanyang kanang kamay at kinaladkad patungo sa kuwarto ni Miggy.

"Tiyang..." nagmamakaawa ang kanyang boses.

"'Wag kang maingay, peste ka!"

Hanggang sa natunton na nila ang pintuan ng kwarto ni Miggy. Dahan-dahang binuksan ni Aleng Tarcela ang pinto at marahang sumilip sa mgapangyayari sa loob. Tamang-tama at tulog na si Miggy. Maya-mayang naliliwanagan ng kidlat ang hubad nitong katawan na nakasalampak sa kama. Ngumiti si Aleng Tarcela.

"Ayan ha. Tulog na tulog ang mokong. 'Wag kang tatanga-tanga. 'Wag na 'wag kang magpapahuli," pabulong nitong sambit.

"Tiyang..." pabulong niya ring pagmamakaawa ngunit namulagat lamang ang mga mata ng ale at pagkatapos ay itinulak na siya sa loob. Wala na siyang nagawa. Kailangan niyang bilisan ang kanyang mga kilos kung ayaw niyang malintikan... hindi ni Miggy kundi ni Aleng Tarcela. Agad niyang hinanap ang pantalon ng binata. Sigurado siyang naroon ang pitaka nito. Nakasabit iyon sa head board ng kama. Marahan niyang tinungo iyon. Kinapa niya ang pantalon ngunit walang pitaka roon. Nagsimula nang gumapang ang kaba sa kanyang buong katawan. Aligaga siyang iginala ang tingin sa bawat sulok ng silid. Wala siyang makitang pitaka. Muntik pa siyang napasigaw nang biglang kumulog, mabuti na lamang at natakpan niya ang kanyang bibig. Lumapit siya sa mesang malapit sa kama. Marahan niyang binuksan ang drawer baka sakaling tinago doon ng binata ang pitaka nito. Naiiyak na siya pero hindi siya puwedeng lumabas na wala sa kanya ang wallet. Nakita 'yun ni Aleng Tarcela kanina noong magbayad ang binata. Hindi naman ito bumalik sa kotse nito kaya't naroon lamang sa binata at sa silid na iyon ang makapal-kapal na wallet nito. Marahan niyang inusisa ang bag na nakasabit sa dingding sa bandang paanan ng kama. Mayroon siyang nasalat na wallet. Makakahinga na sana siya ng malalim ngunit bigla niyang naramdaman ang mahigpit na pagyakap sa kanya at sa pagtakip sa kanyang bibig mula sa kanyang likuran. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Pagkatapos ay narinig niya ang bulong nitong may nakababahalang kiliti sa kanyang tainga.

"Anong ginagawa mo dito sa loob? Hindi mo kailangang sumigaw. Makikinig ako sa iyong mga paliwanag."

Walang anu-ano ay bigla niya itong itinulak at mabilisang nilisan ang kuwarto. Pagkabukas niya ng pinto ay naroon pa rin ang tiyahin niyang taimtim na nag-aabang. Alam niyang balak mang-usisa ng kanyang tiyahin at alam niyang hinawakan nito ang kanyang kanang kamay. Ngunit iwinaglit niya iyon at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. Hiyang-hiya siya sa sarili. Litong-lito ang kanyang isipan. Nais nang pumutok ng kanyang emosyon ngunit bawal. Bawal sa kanya ang maging malaya. Bawal sa kanya ang maging masaya. Kaya't magtitiis na lang siya hangga't kaya pa niya.

"WALA KANG kasing tanga!" ayan na naman ang matinis at nakakairitang boses ni Aleng Tarcela. Nakaupo si Samantha sa silya sa kusina habang nasa harapan ang tiyahing mainit na naman ang ulo. Si Mang Mario naman ay nakaupo rin sa tabi at nanonood na lamang sa eksena ng magtiyahin. Nababagabag ito ngunit walang magawa.Narinig ni Miggy ang interogasyon ng dalawa habang ikinukubli ang sarili sa likod ng aparador. Pupunta sana siya sa kusina para mag-order ng makakain at maiinom. Sinabi kasi ni Aleng Tarcela na magsabi lamang siya ng kanyang pangangailangan at tutugunan naman iyon. Hindi daw iyon tipikal na lodging house dahil parang sariling bahay daw dapat ang maramdaman ng customer sa pananatili doon.Bago pa siya makarating sa kusina ay narinig niya ang pabulong ngunit rinig na rinig pa ring pagsasalita ni Aleng Tarcela. "Hindi ka kakain, peste ka! Wala kang kadiska-diskarte sa katawan. Puro ka lang lamon sa bahay na 'to. Palamunin ka na nga, tanga ka pa!" di talaga masukat ang galit ni Aleng Tarcela kay Samantha. Pinagmasdan niya ang hitsura ng dalaga. Noong una pa lang niya itong makita ay nahihiwagaan na siya rito. Maganda si Samantha. Maamo ang mukha nito. Ang mga mata nito ay napupuno ng mga kuwentong hindi mailahad. Medyo manipis ang katawan dahil marahil sa pagmamaltrato ng tiyahin. Alam niyang may mali sa mga pangyayari sa bahay. Kanina pa siya nagmamatyag. Maliban sa napakalakas pa rin ng ulan sa labas ay may kakaibang pakiramdam siyang kailangan niya munang manatili sa lodging house na iyon. Naramdaman niya 'yun sa unang pagtama pa lang ng mga mata nila ni Samantha.

The Day I Met My SupermanWhere stories live. Discover now