Chapter 4 Textmates

113 9 8
                                    

May 21, 20xx

Jenelle’s POV

Simula nung nagtext sa’kin yung Tristan kahapon ay hindi ko na hinawakan yung cellphone ko sa sobrang inis dahil sa pacool niyang way ng pagtext at ngayong araw ko pa lang titignan kung may tumawag sa’kin o wala.

1 text message

Unknown …

Yan ang bumungad agad sa’kin pagtingin ko sa cellphone ko.

Sino na naman kaya itong nagtext?

Pag tingin ko sa number ay same number ng nagtext sa’kin kahapon which is si “Tristan” daw.

Buburahin ko na agad sana pero may kung anong nagtutulak sa’kin para basahin ang text.

From unknown

“hi! Sorry for what happened earlier, hindi ako yung nagtext sayo. Si Arden yun, yung pinsan ko. This is Tristan. The real one..”

Arden? Parang familiar sa’kin yung pangalan nay un?? Teka, saan ko nga ba narinig yun???

Isip… isip… TING !

Tama kay Leigh ko narinig yung Arden na iyon. Ano nga bang buong pangalan nun?? Itanong ko kaya kay leigh?? Baka si Leigh din ang nagbigay ng number ko sa mga ‘to. Tsk !!

Calling Leigh …

ring … ring … ring ..

“bakit ka napatawag?”

“hello to you too! May itatanong lang ako sa’yo” sarkastiko kong sabi… aba naman kasi wala man lang hello hello. Tsk !

“ano ba iyon?? Paki bilisan lang at may katext ako” inip na sagot nya.

“ano ang buong pangalan ni Arden mo?”

“eh? Arden ko?? Uhm bakit mo natanong??”

“oo, Arden mo! Basta sagutin mo na lang. bilis”

“Arden Mark Mendoza”

“ah sige! Salamat bye!” then I hung up at tinext yung number ni Tristan, yeah! Sinave ko na.

To Tristan

“hi? About yesterday, first of all sorry kung hindi ko nareplyan text mo. Kanina ko lang nabasa. Second okay lang yun, nainis kasi ako sa pinsan mo masyadong pacool. Third, Arden Mark Mendoza ba ang buong pangalan ng pinsan mo?-jenelle”

Wala pang isang minute ang nakakalipas ay nagreply na si Tristan.

“sorry ulit sa pinsan ko. Oo, paano mo nalaman ang buong pangalan niya?”

Ha! I knew it !! LEIGH ANNE CRUZ !!! lagot ka sa’kin pag nagkita tayo.

Text conversation …

“nakakatext kasi ng pinsan ko yung pinsan mo, so sa tingin ko si Leigh ang nagbigay ng number ko sa inyo”

“ah. Pwede ka bang maging kaibigan? Tutal naman ginulo ka ng pinsan ko, gusto ko lang sanang bumawi sa’yo kung okay lang?”

“sure :) mukhang mabait ka naman eh”

“Thanks! :) ako nga pala si Tristan Marco Mendoza”

“Ako naman si Jenelle Ashley Reyes, you can call me Jaja”

“okay jaja, pero pwede bang Ashley na lang?”

Unexpected Love with you (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon