Chapter 8 I'm back

77 2 0
                                    

Kaizier's POV

Hi! magpapakilala muna ako. Ako si Kaizier Ramirez, 20 years old from Amerika at ako ang nag iisang bestfriend ni Jenelle Reyes. Isa din akong model sa isang sikat na kompanya sa Amerika at yun ay hindi alam ni Jar.

One week na akong nasa Pilipinas at hindi ito alam ni Jenelle dahil gusto ko siyang surpresahin at alam kong masusurpresa siya dahil 8 years na kaming hindi nagkikita.

Minsan nga ay naiisip ko na baka nakalimutan na niya ako dahil sa sobrang tagal na nun. Wala din kaming komunikasyon sa isa't isa. Kila tita (mommy ni Jenelle) lang ako nakikibalita tungkol kay Jenelle.

Namiss ko ng sobra yung babae na yun! At sobrang halaga niya sa akin na para bang higit pa sa bestfriend ang tingin ko sa kanya pero syempre!! Bestfriend lang talaga kami at hanggang dun na lamang iyon.

Nung tumawag ako kay Jenelle ay sigurado akong nabigla sya. Haha iyon talaga ang plano :p

Ngayong araw ay pupumunta ako kila Jar dahil napag usapan na magkikita kami pero naisip ko na sa bahay na lang nila dahil baka pagkaguluhan kami sa labas at ayoko namang may mangyari sa kanya.

Nandito na ako sa tapat ng bahay ni Jenelle, nakatayo at kasalukuyang pinipindot ang doorbell.

Ding Dong! Ding Dong! …

Wala pang isang minuto ay may nagbukas na ng gate nila. Nagulat ako hindi dahil sa nanlaki ang mata ng babaeng nasa harap ko kundi dahil ang ganda niya! I bet si Jenelle ‘to at ang laki ng pinagbago niya. Ugh! Malamang -_- ilang taon lang ba kami nung huling nagkita.

 “Ah? Hello po? Sino hanap nila?” nagtatakang tanong ni Jenelle, hindi niya siguro ako namukhaan.

“Hi Jar!” siguro naman ay maaalala niya ako dahil ako lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganon *smirk*

“Kay?! Waaaah Kay, ikaw nga! Ang laki na ng pinagbago mo di kita nakilala. Ang Gwapo gwapo mo na hahaha dati ang panget mo eh.”

”Aw! Panget ba ko dati?” </3 panget daw ako? if I know crush ako niyan dati. Tsk! *pout*

“Ehe! Joke joke! Di ka naman mabiro, tara pasok ka muna.”

Inaya na niya akong pumasok sa bahay nila. Wala pa rin pinagbago ang loob ng bahay nila Jenelle. Napatingin naman ako kay Jenelle na nakatitig sa’kin kaya naman napagtripan ko siya.

 “Jar, tulo laway mo!”

“ha? Hindi naman ah!”  hahaha ang cute talaga niya halatang pinagnanasahan ako eh :p

Fastforward .. (an: alam niyo na mangyayari jan, naikwento na ni Jaja sa chapter 7 :) )

Inabot kami ng gabi kakakwentuhan, you know “catch up” thing at dahil sa gabi na rin naman ay inaya niya ako na dito na maghapunan tutal naman daw ay mag’isa lang siya kaya naman ay pumayag na ko. Masarap magluto si Jenelle kahit bata pa kami kaya naman siya na daw ang magluluto ng kakainin naming at pinaghintay na lang ako sa sala.

Habang hinihintay ko si Jenelle ay naisipan kong pakailaman ang Cellphone niya, tutal naman ay magbestfriend kami at dapat walang sekreto sa bawat isa. Tinignan ko ang Gallery niya *click* *click* puro picture niya lang ang nandito, nakakasawa ang mukha hahaha joke! Messages *click* nakita ko ang pangalan na Marco sa isip ko aba may lalaki ng napapalapit sa bestfriend ko. Tsk!  Binuksan ko ang mga text nito at binasa, nung matapos ko nang basahin ang mga text ng lalaking iyon ay ibinalik ko na ang cellphone ni Jenelle. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ko ang aking mga mata. Iniisip ko kung sino kaya yung Tristan Marco na iyon hanggang sa … ZzzzZzZz

Ay! Nakatulog pala ako hahahaha pero hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko kahit narinig kong tinawag ako ni Jenelle. Naramdaman kong unti-unting lumalapit sa’kin si Jenelle at pinagmamasdan ang aking mukha kaya naman nagsalita na ako na kinabigla naman niya.

“Matunaw ako niyan, alam kong gwapo ako hahaha”

“Ay bakla!” kahit na nakapikit ako ay alam kong nagulat siya dahil sa napalayo ang presensya niya sa’kin

“Oi! Hindi ako bakla no, haha! Tara na nga, gutom na rin ako eh” inaya ko na lang ang dalaga dahil alam kong mahihiya ito sa’kin pag nagtagal pa kami dito.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan ngunit hindi sya pumayag kaya naman pinanood ko na lang siya. Ilang sandal pa ay tumunog ang cellphone niya, dahil hindi naman niya ito masasagot ay ako na ang kumuha at sumagot nito. Nagulat pa ako ng bahagya and at the same time ay nakaramdam ng selos sa caller id ng tumatawag pero syempre hindi ko pinahalata no!

Krrrrring krrrrriiiiiiing …

Marco  calling …

Pinindot ko na ang answer button at nagsalita.

“Hello?”

“…”

“Hello? Hello?”  nakakailang hello na ako ngunit wala pa rin sumasagot sa kabilang linya. Siguro nagulat ito na lalaki ang sumagot sa cellphone ni Jenelle.

“Kay, ibaba mo na lang kung walang sumasagot” sabi ni Jenelle, kaya naman binaba ko na ito at sinabing

“Hmm… okay, Marco yung tumawag.” Medyo nagulat siya nung sabihin kong si Marco ang tumawag sa kanya.

“ah? Bayaan mo na. Kay bukas na lang ulit ha? Thank you sa pagpunta dito. Sige na uwi ka na gabi na din eh” sagot nito sa akin at halatang nabalisa siya sa tumawag kaya naman pilit na pinapauwi niya ako.

“ah-eh? Sige. Ingat ka Jar, goodnight! :* “ naguguluhan din ako sa nangyayari. Sino kaya iyong Tristan Marco na iyon? Dapat kong alamin kung sino siya. Nagpaalam na lang ako kay Jenelle at hinalikan sya … sa pisngi lang. Siguro ay nabigla sya sa ginawa ko kaya naman ay naitulak niya ako? pero kahit ganon pa man hahaha naka’score naman ako. Ang sama ko ba? May hidden feelings kasi ako sa Best Friend ko eh. Paano nangyari yun? Next time ko na lang ikukwento baka magalit pa si author sabihin inuunahan ko siya.

(an: buti naman at alam ko, baka tsugihin kita katulad nila Arden. Muwahahhahah kaya shatap ka muna jan men! Diskarte ko to eh :p )

“ha-ha-ha sige na Kay, babye! Goodnight din. Ingat ka pauwi.” Pag kasabi ni Jenelle nun ay umalis na ko at umuwi na sa bahay para makapagpahinga at dumiskarte ulit bukas :) syempre step by step lang.

AN: ohmy!! may hidden feelings daw si Bestfriend. Ano kaya ang gagawin ni Kai sa nalaman niyang may lalaking napapalapit kay Jenelle? hmmmm

sorry for super late UD ..busy ang lola niyo sa pag-aayos para sa graduation :)

PLEASE DO READ, COMMENT and VOTE!!! thank you :)

Unexpected Love with you (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon