Chapter 9 Crazy Girl

73 2 0
                                    

Tristan’s POV

Kahapon ay sobrang badtrip ako dahil sa phone call na hindi naman si Ashley ang sumagot. Sino kayang kutong lupa yun? Tsk! Baka kapatid niya? Baka nga, tama! Kapatid niya lang siguro iyon. Teka? May kapatid nga ba iyon? Tsk! Bakit nga ba iniisip ko kung sino iyon? ‘di naman importante iyon eh. May mas mahalaga akong dapat isipin ngayon

Dahil …

Starting today my life will be a living hell. Bakit ko nasabi iyon? Malalaman niyo din mamaya kung bakit.

“Dre, lalim ng iniisip ah?” sita sa akin ni Kim. Nandito kasi kami sa Café nila Kier, tambayan naming ‘to pag walang magawa sa bahay.

“Ah? Wala lang ito.” Sagot ko naman, pero ang totoo nyan ay iniisip ko kung ano nang mangyayari sa’kin mamaya. *sigh*

Fastforward …

Krrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing …

Unknown Calling …

“Who are you?” bungad ko sa tumawag sa akin.

“Is that your way saying hello to your gorgeous cousin?! Nasaan ka ba? I’m already here at the Philippines.”

“Ayan na, malapit na ko. Bakit kasi sa akin ka pa nagpasundo? Wala naman ginagawa yung kuya mo.” Kung sino yung kuya niya? Si Arden po ang kuya nito.

“You know naman na tamad si kuya sa pagsundo, sige na. See you later!”

Toooot tooooot …

Aba ang bastos naman na bata nito, tsk! Ako na magpapakilala sa’inyo kung sino sya. Siya nga pala si Chiana Mendoza ang kapatid ni Arden at pinsan ko. 17 years old lang ‘to pero wala ka ang tangkad 5’7 height. Nagmomodel nga pala ito sa Paris at doon siya galing. Medyo may sapak din ‘to sa ulo katulad ng kapatid niya, alam niyo na malakas mangtrip. Kung makikita niyo siya, hindi siya mukhang 17 years old dahil matured na ang physical features nito pero isip bata pa rin.

At the airport …

“Tristan! Waaaah! I missed you! Daan tayo sa Mall, nagugutom na ko eh.” sabay yakap pa sa’kin, pinagtitinginan tuloy kami.

“Ehem, bitaw o iiwan kita dito!” naka poker face na sabi ko. hello naman kaya, MODEL ‘to, ibig sabihin kilala ‘to. SIKAT, tapos maka’yakap. Hindi nila alam na pinsan ko ‘tong baliw na ‘to dahil sa “PRIVACY” niya daw.

“Ang harsh mo pa rin, kahit kailan ka talaga” sa mga nagtataka, ganito talaga siya. Di niya ko tinatawag na kuya, walang galang eh. Hindi daw kasi cool pag tinawag niya akong kuya. Si Arden lang talaga ang tinatawag niya nun dahil inaasar niya ito. Ayaw kasi nun magpatawag ng kuya. Haha ang kulit lang no?

Naglakad na kami papunta sa parking area at deretso sakay sa kotse ko.

Sa Mall …

Jenelle’s POV

Nandito kami sa Mall ngayon at kanina pa umiikot, nagpasama kasi sa’kin si Kay. Hindi naman ako makatanggi kasi syempre namiss ko din naman ‘to. Nasa department store kami ngayon at namimili ng kung anu-ano. Habang naglalakad kami ay may nakita ako sa hindi kalayuan na familiar. Teka? Sino nga ba ‘yun? Aha! Si Marco, oo tanggap ko na iisa lang yung katext ko at yung impakto. Hindi naman ako galit o ano pa man, wala naman kasi kaming kasalanan eh at saka mabait din naman ‘yung mokong na ‘yun.

Hala? Sino yung lumapit na babae sa kanya? Infairness maganda at matangkad pa, parang model lang. Ano niya kaya iyon? Mukhang close na close sila eh, girlfriend niya kaya yun? Nakatingin lang ako sa kanila at hindi ko na naalala na may kasama nga pala ako.

“Jar, yuhoooo! Buhay ka pa ba? Na estatwa ka jan, sino ba kasi yung tinitignan mo?” sabay lingon ni Kay sa direksyon ng tinitignan ko.

“ha? Eh, ah! Wala lang iyon. Tara na!” natataranta kong sagot.

“Jar, sino nga iyon? Nakita ko naman eh. Sino ba ‘yung lalaki na iyon at kasama pa si Chiana?” tanong sa’kin ni Kay.

“*sigh* si Marco ‘yun, yung tumawag sa’kin kahapon. Bakit mo kilala yung kasama niya?” sagot ko, alam ko naman kasing kukulitin ako nito pag ‘di ko sinabi.

“Di mo ba kilala iyon? Si Chiana, sikat siya dahil isa siyang sikat na model sa Paris.” Napa-oh na lang ako. Model nga pala talaga at bagay sila. *bitterrrr *

Hinila ako ni Kay papunta sa direksyon nila Marco. Ewan ko kung ano ang balak nito. Tsk!

Habang papalapit kami ng papalapit ay naririnig ko ang usapan nila.

“Baby, bagay ba sa’kin ‘tong damit na ito? Maganda ba?” sabi nung girl, girlfriend nga ata? Baby tawag eh. Haay! Bakit ganito parang kumikirot na ewan yung bandang sa puso ko?

Tinignan ko si Kay at kumapit sa braso niya habang patuloy pa rin na lumalakad. Habang papalapit ay nakita kong natingin sa’min si Marco pero parang may iba sa tingin niya? Kaso baka namalik mata lang ako.

“Baby, try mo ito. Mas bagay ‘to sa’yo” sabi ni Marco dun sa babae. Awts lang </3 so girlfriend niya nga siguro yung babae.

Binilisan ko na lang ang lakad ko at kinaladkad si Kay. Ayoko kasi ng nakikita at naririnig ko, masyadong masakit sa pandinig. (an: bitter alert!!! Hahaha)

Pumunta na lang kami ni Kay sa isa sa mga fastfood na nadaanan namin at kumain.

Habang kumakain ay napansin ata ni Kay na wala ako sa mood.

“Jar, may sakit ka ba? Ba’t ang hina mo atang kumain ngayon at ang tamlay mo pa?"

“wala ‘to, napagod lang siguro ako hehehe” tumawa na lang ako para medyo mag’light yung atmosphere.

“Gusto mo na bang umuwi? Hatid na kita.”

“Mabuti pa nga, tara!” nginitian ko si Kay at tumayo na.

Umuwi na kami ni Kay at katulad ng sabi niya kanina ay hinatid niya ako sa bahay. Nang makarating ako ng bahay ay biglang nagflashback yung nakita ko sa Mall. Naisip ko tuloy na kaya siguro hindi niya ako tinext simula kagabi after nung tawag niya dahil may girlfriend na siya. Ay! Teka nga? Bakit ko ba naiisip ang mga ganong bagay? Wala naman ang pakialam ‘dun at hindi naman niya ko nililigawan para mag-isip ng kung anu-ano. Feeling girlfriend/nililigawan lang ang peg ko. haha assumera :/

Kaizer’s POV

Simula nung nakita ni Jenelle yung Marco at si Chiana ay parang tumamlay na siya. Affected? Eh wala naman silang relasyon ng lalaking iyon sa pagkakaalam ko at wala naman ding nanliligaw dito.

Phew! Buti na lang din nung dumaan kami ay hindi ako nakita ni Chiana kundi patay, buking at higit sa lahat susundan pa ko nun. Tsk!

Bakit ako susundan nun? Kasi naman stalker ko yung babae na iyon. May pagnanasa sa’kin hehehe. Lagi pang nagrerequest na makasama ko siya sa photoshoot pero syempre hindi pwede dahil may sari-sarili kaming schedule.

Pero teka? ‘di ba kasama niya yung Marco at mukha namang may relasyon yung dalawa sa nakikita ko. Siguro naman ay lalayuan na niya ako dahil may boyfriend na ito at pwede ko ng aminin kay Jenelle ang nararamdaman ko? Ay! Scratch that, paramdam pala ^_^ syempre dapat onti onti lang ‘di ba nga.

AN: meheheehe sinipag akong mag'type :) so jadan!

FEEDBACK naman po!!

pretty please *pout* hehehe

VOTE and COMMENT na rin thankieee !! :)

Unexpected Love with you (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon