Chapter 7 Weird Feelings

86 5 3
                                    

Arden’s POV

Hello? Namiss niyo ba ang kagwapuhan ko? si author kasi eh *pout* chinugi ako.

(an: drama pa? eh kung wag ka na kayang magPOV kahit maikli pa yan?)

Ang taray mo naman author! Joke lang naman eh :* thank you! Saglit lang naman ‘to may sasabihin lang ako *wink*

hehe ayun nga I’m back! Kasi naman nagulat ako sa sinabi sa’kin ni Tristan kagabi eh. Yung babaeng nakita namin at nakwento niya na mataray ay ang babaeng tinext ko na pinsan ni Leigh my loves na si Jenelle Reyes. Nakakagulat nga naman iyon, kung ako nga hindi ko pa nakikita yun eh aba naunahan pa ko ng kolokoy na ‘to. Paano na ang mga plano naming ni Leigh? Haaaaaaaaaaay >_<  dapat malaman na ‘to ni Leigh!! Agad agad ng makagawa ng paraan. Yari kaming dalawa pag nagkataon *pout*

Jenelle’s POV

Simula ng tumawag si Kay kahapon ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi. Bakit? Dahil siya lang naman ang nag-iisang Bestfriend kong lalaki na matagal ko ng hindi nakikita dahil sa Amerika siya nag-aral. Grabe namiss ko siya ng sobra at ngayong araw ay magkikita kami. Yehey!

Ding Dong! Ding Dong ! …

Sino kaya yung pumipindot kay Dingdong Dantes? Hahaha korni ko :p Bumaba na ko para pagbuksan ang taong nagdodoorbell.

Blag! Blag! Blag! Blag! Blag!

(an: soundfx yan na bumababa sa hagdan ..haha XD )

Sa sobrang pagmamadali ko ay napaka ingay ng paa ko sa pagbaba ng hagdan. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa’kin ang isang anghel na bumaba sa lupa *O* grabe ang gwapo niya!

“Ah? Hello po? Sino hanap nila?” nagtatakang tanong ko. Kasi naman po nakangiti eh! Kilala ko ba ‘to?

“Hi Jar!” eh? Jar daw? Isa lang naman tumatawag sa’kin ng Jar eh.

“Kay?! Waaaah Kay, ikaw nga! Ang laki na ng pinagbago mo di kita nakilala. Ang Gwapo gwapo mo na hahaha dati ang panget mo eh.”

”Aw! Panget ba ko dati?” umaktong nasaktan at nag’pout pa! Ang cute!!

“Ehe! Joke joke! Di ka naman mabiro, tara pasok ka muna.” Pumasok na kami pareho sa bahay

Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Ang gwapo gwapo na dati kasi hindi naman yan ganyan ni hindi nga marunong pumorma eh. Pero ngayon WOW! Ulam! Haha ang cool niyang pumorma at ang macho pa niya. *drools*

“Jar, tulo laway mo!”

“ha? Hindi naman ah!” kinapa ko baka kasi tulo nga kahiya naman sabay pout.

“hahaha nakakatawa ka talaga kahit kailan! At pwede ba? Wag kang mag’pout ang panget mo eh!”

“Wow ha! Naging gwapo ka lang mapang lait ka na jan” sabay hampas sa kanya. Tawanan ka ba naman at laitin eh

“haha hindi na mabiro! Ikaw talaga, alam mo namang gandang ganda ako sayo eh.”

“talaga! Maganda ako :p bakit ka nga pala nandito? Hindi ba dapat ay magkikita tayo?“

“Oo, kaso naisip ko na dito na lang tayo sa bahay niyo magbonding. Namiss kasi kita masyado kaya solo muna tayo :) “ nag’init mukha ko nung sinabi niyang namiss niya daw ako masyado kaya napayuko ako.

“huy Jar! Bakit ka napayuko dyan? Kinikilig ka no? Haha dali mo talagang pakiligin” oo, kinikilig ako pero as bestfriend lang no.

Nagchikahan lang kami maghapon ni Kay at ang dami niyang kwento tungkol sa Amerika at sa mga tao doon at kung anu ano pa. Hindi nga naming namalayan na madilim na pala sa labas at malapit ng maghapunan kaya naman magluluto ako at dito ko na lang sya pakakainin.

“Kay, gabi na pala dito ka na lang kumain ha? Ano gusto mong kainin?”

“Kahit ano basta ba luto mo eh” haha grabe ‘tong lalaki na ‘to napaka sweet basta daw luto ko

“Sige, dyan ka muna sa sala at manood ka ng T.V. tatawagin na lang kita pagluto na” umalis na ko sa sala at dumeretso sa kusina. Ano kayang masarap na lutuin? Hmmm …aha! Alam ko na beef steak na lang para madali.

After a hundred year …

Tapos na!

“Kay, tara! Kain na tayo.” Lumapit ako kay Kay at nakita kong nakapikit siya. Uhm… matagal ba ko masyadong magluto? Tinitigan ko ang kanyang maamong mukha. Ang ganda ng mukha niya, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi, mahaba din ang eyelashes niya! Kaiingit >3<

“Matunaw ako niyan, alam kong gwapo ako hahaha”

“Ay bakla!” napatayo ako sa gulat, dip ala natutulog ‘to! Hmpf!

“Oi! Hindi ako bakla no, haha! Tara na nga, gutom na rin ako eh” hinila niya ako papuntang kusina. Napaghahalataang PG ‘tong lalaki na ‘to :p kumain lang kami ng tahimik at nang natapos ay nagprisinta siyang magligpit ng pinagkainan. Syempre! Hindi ako pumayag kasi bisita ko siya eh, kaya ako na ang naglinis ng pinagkainan namin. Habang naglilinis ako ay bigla na lang tumunog ang Cellphone ko.

Krrrrring krrrrriiiiiiing …

Marco  calling …

Kinuha ni Kay ang cellphone ko at siya na ang sumagot.

“Hello?” sabi ni Kay sa kabilang linya.

“…”

“Hello? Hello?” wrong number siguro?

“Kay, ibaba mo na lang kung walang sumasagot” sinabi ko na lang kay Kay.

“Hmm… okay, Marco yung tumawag.” Eh? Marco daw?  Bakit naman tatawag yung lalaki na yun? Tsk! Galit ako sa kanya eh.

“ah? Bayaan mo na. Kay bukas na lang ulit ha? Thank you sa pagpunta dito. Sige na uwi ka na gabi na din eh.” Pilit kong pinauwi si Kay dahil parang nawala ako sa sarili nung nalaman kong tumwag si Marco.

“ah-eh? Sige. Ingat ka Jar, goodnight! :* “ nagulat ako ng bigla akong halikan ni Kay sa cheeks kaya natulak ko siya at tumawa ng pilit.

“ha-ha-ha sige na Kay, babye! Goodnight din. Ingat ka pauwi.” Pag kaalis na pagkaalis ni Kay ay pumasok na ko ng bahay at dumeretso sa kwarto para maghiga at mag-isip kung bakit tumawag yung lalaki na yun.

Tristan’s POV

Kaninang umaga pa ko naghihintay ng text galing kay Ashley pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Haay -_- bakit ganito ang nararamdaman ko? parang ang down down ko eh hindi lang naman nagtext si Ashley.

“Dre, bakit hindi paipinta yang mukha mo?” tanong sa’kin ni Zac. Nandito ako sa Studio ng bahay nila Kim kung saan kami nagpapractice pero wala kaming practice ngayon.

“Wala kang pakialam” walang buhay na sagot ko.

“Dre, tawagan mo na lang kaya? May hinihintay ka atang text eh, hindi yung tulala ka jan sa cellphone mo.” Pagsusuggest naman ni Kier.

Hindi na ako umimik sa kanila at bigla akong tumayo para lumabas. Tama ang sabi ni Kier, tawagan ko na lang.

Dinial ko ang number ni Ashley para tawagan. Syempre alangan naman para titigan tch! Brain naman guys!

Calling Ashley …

Krrrrrrrrrring krrrrrrrrrrriiiiiiiiiing …

[Hello?]

“…”

[“Hello? Hello?]

 Hindi pa rin ako sumasagot hanggang sa inend call na nung nasa kabilang linya. Sa sobrang inis ko ay naibato ko ang cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko nung lalaki ang sumagot sa kabilang linya dahil ang alam ko ay mag’isa lang naman nakatira si Ashley sa bahay nila. Kung nabigla kayo dahil alam ko yun kasi isa yun sa tinanong ko sa kanya nung magkatext kami. Arrgh !!! uuwi na lang ako. bwisit!

AN: ehem ..hi guys !! thanks sa mga nagbabasa ng story ko ..so much appreciated!! T_T hehe ayun ..di na consistent pag'UUD ko ..bipolar eh :p sensya ..so til next time ..basta di aabot ng one week bago ako mag'uud :)

Unexpected Love with you (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon