15

142 9 3
                                    

Zeus POV

"Asan na yung babaeng yun!" Inis na sabi ko dahil kanina pa akong nandito pero hindi pa rin siya dumadating.

"Yah!" Napansin kong may tumawag sa akin kaya napalingon ako sa may swing at nakita ko si Athena na naka upo doon.

"Alam mo bang kanina pa akong naghihintay dito!?" Malakas na sigaw ko sakanya wala namang makakarinig sa amin dito dahil kaming dalawa lng ang naririto.

"Aish, so ikaw pa ang galit?" Kalmadong sagot niya na para bang walang pake. "Asan na ang panyo ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ito oh." Sabi niya at nilabas sa bag niya ang panyo na iyon napansin kong parang bagong laba iyon. "Bakit ang linis niyan?"

"Malamang linabhan ko ito noh!"

"Ba't mo--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ako. "Kukunin mo ito o hindi kase kanina ka pa daldal ng daldal diyan."

"Kukunin ko pero bat malinis na iyan eh iyan nalang ang nag iisang alang-ala ko sa nanay ko eh." Malungkot na sabi ko sabay kuha sa panyo.

"Sige so ngayon kailangan mong magbayad sa nagawa mo." Sabi niya "Anong babayaran ko?"

"Diba nahulog mo ung sausage ko kahapon? Kaya ngayon ililibre mo ako at Isa pa, Hindi mo tinuly yung sabi mo na ililibre mo ko kaya isali mo na siya ngayon ." Nababaliw na ba siya ganitong oras tapos kakain pa siya!?

***

Nakarating kami dito sa isang store na sabi niya at kumuha siya ng isang sausage ay hindi pala wait...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Isang PACK!?

"Hey!" Napalingon siya sa akin kaya tiningnan ko siya ng masama

"Isang pack talaga ang bibilhin mo?"

"Diba pumayag ka at isa pa hindi ka nag tanong kung ilan ang gusto ko kaya ngayong andito na tayo isang pack ang bibilhin ko." sabi niya at pumunta na sa cashier.

"Maam 300 pesos po lahat."

"Wag ako ang sabihan mo iyang lalaki na iyan." Sabay turo niya sa akin.

"Sir 300 pesos po lahat." Kinuha ko ang wallet ko at ibinigay sa kanya ang 500 bill.

"Change po sir, come again next time." Sabi niya at lumabas na kami sa store.

Habang papunta kami sa dorm ay walang umiimik sa amin kahit isa pero binasag niya agad ang katahimikan. "Sorry." "Sorry kase dapat hindi ko nlng linabhan ang panyo mo Sorry kung naging maarte ako Sorr--" Bago pa man siya matapos sa pag sasalita ay pinutol ko na siya.

"Stop." Napalingon naman siya sa akin at napatigil sa paglalakad.

"Wala kang kasalanan at okay lng iyon dahil kung hindi ako tanga para hindi malaman na nawala iyon ay sana ganoon parin ang ayos ng panyo hanggang ngayon."

Napatulala siya sa akin kaya pinitik ko siya sa harapan at nabalik naman siya sa realidad.

"Sige, Salamat nlng dahil dito hanggat sa muli" Sabi niya dahil nandito na pala kami sa harapan ng bahay nila .

"Sige, basta bati na tayo!" Sabi ko at ngumiti sa kanya nakita ko naman siyang ngumiti at pagkatapos noon ay umalis na rin ako.

***

Accidentally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon