43.2

81 8 0
                                    

Athena's POV

Pagkababa ko ay nakita ko na si Zy na nakaupo sa sofa namin. Tumayo siya kaagad at lumapit sa akin.

"Thena aalis kami ng daddy mo." Sabi ni mommy at humalik ako sa cheeks niya.

"Zeus bantayin mo si Thena baka mamaya lumabas nanaman yan sa bahay." Ani ni mommy at tumango naman si Zy pagkatapos ay umalis na sila kaagad.

"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka dito?" Tanong ko sa kanya at pinalo palo siya sa kanyang dibdib.

"Relax My Queen." Sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Gusto kasi kitang isurprise." Aniya at hinalikan ang buhok ko.

"Surprise ka dyan!" Ani ko.

"Anong gusto mong gawin natin?" Aniya at tinaas baba pa niya ang mga kilay niya.

"Watch movies." Mabilis kong sagot at tumango naman siya at dumiretso kami sa movie room.

Natapis na ang movie at ngayon andito kami sa terrace.

"Kailan mo pa ako sasagutin?" Sabi niya at nagpout pa sa akin.

"Depende." Simpleng sagot ko at tinanaw nalang ang view.

"4 na araw nlng at aalis na ako." Ani niya at umakbay sa akin naramdaman ko ang malungkot niyang boses habang sinasabi niya iyon.

"Oo nga eh." Ani ko sa malungkot na boses kahit papaano ay malungkot rin ako kase aalis na siya.

"Kumain ka ng marami ha, huwag kang magpalipas ng gabi kapag namamasyal kayo nila Seulgi at kailangan mag chat tayo araw-araw." Aniya.

"Grabe ka naman parang
mag-asawa lng tayo?" Tanong ko at tumawa pagkatapos ay hinarap siya.

"Kahit na eh mag-aalala talaga ako sa pinakamamahal kong babae." Aniya at naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

Damn! Grabe kasi si Zy kapaga magsalita eh.

"Ang oa mo! Tara na nga at bumaba na tayo baka dumating na sila mommy at daddy." Ani ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Kinilig ka?" Tanong niya habang lumalakad ako pababa ng hagdanan.

"E-Ewan k-ko sayo!" Ani ko at nagmamadaling bumaba hanggat dito sa baba ay tinutukso niya pa rin ako na kinilig daw ako sa sinabi niya kanina.

"Oo na! Kaya tigilan mo na ako!" Ani ko at tamang-tama nga ang dating nila mommy.

"Mauuna na ako My Queen." Aniya at nauna ng umalis.

***

Accidentally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon