Chapter 15-Bohol

1.8K 67 19
                                    

VJ's POV

Lahat ay excited sa outing ng pamilya dahil bagong lugar ito.Ayoko na sanang sumama pero hindi pwede.Nakagawian na naming lahat ang ganitong kasiyahan kapag napag-usapan ng mga parents namin.

Sabay-sabay kaming umalis sa Manila.At ngayon ay nandito na nga kami sa Bohol.Kaka-lapag lang ng eroplano na sinakyan namin.Kaya agad naman kaming inihatid ng van na sumundo sa amin dito sa bagong resort nina Tito Benjamin.

“Hi Kuya VJ!Napansin mo ba si Bernice?” agad na tanong ni Abigail sa akin ng madaanan niya akong naglalakad sa buhanginan.

“Hindi ko alam.” nagkibit-balikat ako.Hindi ko naman kasi napansin kanina pa si Bernice pagkarating namin dito sa resort.

Mabuti nga hindi na siya dikit ng dikit sa akin.Bagay na hinahanap ko.

Hinahanap?

No! Hindi dapat.Mas maigi na 'yong siya na mismo ang lumalayo sa akin.Pero ang totoo,hindi ako pinapatulog pagkatapos noong nangyari sa aming dalawa.Iyong muntikan ko na siyang angkinin.

Kaya siguro hindi na siya lumalapit sa akin dahil nahihiya na ito.

“Ah sige kuya.Hanapin ko na lang ang pinsan ko.” anito.Napukaw lang ang pag-iisip ko nang magsalita siya.

“Oh sige.” tinanguan ko siya at saka nginitian.Agad naman siyang tumalikod sa akin kaya nasundan ko na lamang siya ng tingin.

Maganda si Abigail at hindi din papatalo sa mga kilalang model.Pero kahit ako,hindi maintindihan ang mga kilos niya.Parang may pagka-misteryosa itong panganay na anak ni Tita Jychel.

Kung gaano ka-kulit si Bernice ganito naman ito katahimik.Parang palaging malalim ang pag-iisip.Pero bibihira lang kami makapag-usap nito—ng mga anak ni Tito Benjamin at Tita Jychel.

Patuloy lang akong naglalakad sa mapuputing buhanginan habang iniisip pa rin si Eunice.

Dapat ko na ba siyang kalimutan ng tuluyan?

Hindi pwede!Sa iisiping iyon,nasasaktan na ako.Kaya hangga't hindi ko siya nakikita at nakakausap,hindi ko siya bibitawan.

Napabuntong-hininga ako at saka ibinato ang paningin sa dagat na para bang nagyayang ilublob ko ang katawan dito.

Mabilis akong nagtanggal ng pang-itaas na damit at ang natirang suot ko na lamang ay ang swim trunks.

Iilan pa lang ang guest dito dahil bago pa lang ito.Kaya kaunti lang ang mga tao dito sa beach.

Palubog na ang araw kaya ang gandang pagmasdan.Malamig din ang tubig kaya ang kaninang init na naramdaman ko habang naglalakad ay napawi na.

Gusto kong ibabad ang katawan ko sa dagat na ito.

Palagi naman kaming naliligo sa dagat.Ito na kasi ang kinalakihan ko.Mahilig ang mga pamilya namin sa outing.

Dahil malapit nang dumilim,umahon na ako sa tubig.Subalit sa 'di kalayuan,ay may napansin ako.Isang taong...

Nalulunod!

Agad akong tumakbo sa kinaroroonan nito.

“H-help!” sigaw niya na tila ba nahihirapang magsalita.Pinipilit nitong iangat ang ulo para siguro makalanghap ng hangin.Hindi naman kalaliman ang kinaroroonan niya. “H-help...” ulit niya habang umiiyak na.Familiar sa akin ang boses niya.

Bernice!

“Shit!” napamura ako at tarantang pumunta sa kinaroroonan niya na kung saan ay nalulunod siya.Bigla akong kinabahan.Lakas ng kabog ng dibdib ko.

Unlucky PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon