Chapter 11-Hope

3.7K 113 27
                                    

VJ's POV

Masakit ang ulo ko ng bumangon ako.Sobrang nalasing pala ako kagabi.Kaya hindi ko na maalala ang ginawa ko.

Damn!

Inihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha.Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi habang nakaharap sa salamin dito sa loob ng banyo.

Hangover!

Ito ngayon ang nararamdaman ko.Shit!
Ang tanging maalala ko lang ay pumunta ako sa bahay nina Bernice dahil graduation niya.Nakainum na ako nang pumunta ako doon kagabi.Pero after kong bumati sa mga panauhin ay pumunta ako sa garden.

Garden?!

Damn!...damn! That's it.Naalala ko na.I was...shit! Hinalikan ko si Bernice.

Bigla akong napatampal sa noo ko.Anong ginawa ko?

Mahal mo ako Bernice 'di ba?...then show me?

Naalala ko na.'Yan ang huling sinabi ko sa kanya at saka ko sinakop ang mga labi niyang nakakaakit.Pero mali.Mali ang ginawa ko.Binigyan ko siya ng dahilan upang umasa.Hindi maaari ito.

Mahal ko pa si Eunice.Mahal na mahal ko pa kaya makipagbalikan pa ako sa kanya kahit pinipilit niya akong layuan siya.

Oo.Tama.Hiniwalayan niya ako.At ito ang dahilan kung bakit nagpakalasing ako bago pumunta sa bahay nina Bernice.

Flashback

"I-i'm...sorry Vincent...but..." lumunok muna siya at bumuga ng hangin. "...b-but...I'm breaking up with you..." napaiyak na siya.

"W-what?!" gulat kong tanong. "B-but why babe? May nagawa ba akong kasalanan sa 'yo?

"N-no!Wala!This is not about you...It's about me..." iniwas niya ang paningin sa akin kasabay ng paghikbi "I'm so sorry..."

"Then,explain to me babe!Huwag mong gawin sa akin 'to ng wala akong alam! Dahil hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin ng walang sapat na dahilan." may mga pagdidiin ang mga sinabi ko.Hindi ko kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko.Gusto kong magalit sa kanya pero hindi dapat.Kailangan ko pa ang paliwanag niya.Hindi niya ako pwedeng hiwalayan ng walang sapat na dahilan.Dahil kahit ako,hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit ginusto niya ito.Ipinagpaliban ko pa naman ang pag-attend sa graduation ni Bernice dahil inuna ko siya kasi daw may pag-uusapan kami.

Unlucky PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon