Chapter 36-Realization

1.7K 61 6
                                    

VJ's POV

“Alam mo...” sumandal siya sa puno ng malaking punong-kahoy.Ang lilim at ang lakas ng hangin sa lugar na ito.Isa itong parke.Dito ko siya dinala para makapag-usap kami ng maayos dahil 'di naman matao sa park na ito kagaya nang sa iba. “...wala na yata akong masabi VJ dahil alam mo kung bakit?” dugtong niya.Wala akong kakurap-kurap habang tinitingnan siya.Gusto ko siyang yakapin at pahiran ang kanyang mga luha na unti-unti na namang namumuo.

“B-bakit?” tanong ko kahit na halatang kinakabahan ako.

Alam kong nasasaktan siya ng sobra nang dahil sa mga nagawa ko.Mabuti nga dahil nag-pa-tangay siya sa akin kanina ng hawakan ko ang kanyang kamay pagbukas ng elevator.

Sa byahe,wala kaming imikan at sa labas lang siya nakatingin.Hinayaan ko na lamang siya dahil mag-uusap din kami dito.

“D-dahil pakiramdam ko...” pinutol niya ang kanyang sasabihin. Nanghihina na rin ang bawat kataga na lumalabas sa mga labi niya.Iyon bang parang pagod na pagod na siya. “...pakiramdam ko kasi,namamanhid na ako.Namamanhid na ang buo kong pagkatao na tila ba,kahit kataga na lalabas sa bibig ko kapag ikaw ang kasama ay wala nang buhay.Wala na VJ.Siguro nga...” mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha na ngayon ay sunud-sunod nang pumatak. “...siguro nga,kutang-kuta na ako sa sakit na nararamdaman ko—sa sakit na pinaranas mo sa akin.” deretso siyang tumingin sa mga mata ko at mabilis na ding umiwas.

Bumigat ang dibdib ko dahil sa mga sinabi niya.Tama siya.Kutang-kuta na nga siya sa sakit na pinaranas ko.

God!

Paano ko pa papawiin ang sakit na pinaranas ko sa kanya?Paano ko tatanggalin at tutuyuin ang mga luha niya na pumatak nang dahil sa akin?

Ito na yata ang kabayaran ko sa mga ginawa ko sa kanya.Iyon bang bawat pagpatak ng mga luha niya ay siya ring pag-kirot ng puso ko.

“P-princess,'di ko man sa ngayon mapapawi ang mga sakit na pinaranas ko sa iyo,pero sisiguraduhin kong this time ay babawi na ako sa iyo.P-parusahan mo ako kung gusto mo.Pahirapan mo ako kung gusto mo.O di kaya,sampalin,tadyakin,sigawan at murahin mo ako.Kahit ano princess,tatanggapin ko,kahit anong ipapagawa mo,gagawin ko.Makabawi lang ako sa iyo.Kung gusto mo akong saktan ng higit pa sa...” tinangka kong hawakan ang mga kamay niya pero mabilis niya itong iniwas.Tumingin siya sa mga mata ko na emotionless.Wala akong makikita rito na nararamdaman niya dahil blangko lang ito.'Di ko mahulaan ang iniisip niya. “...ng higit pa sa...sa sakit na pinaranas ko sa iyo,okay lang.Gawin mo.Handa naman akong tanggapin lahat.”

Huminga ako ng malalim dahil sa sumikip ang dibdib ko nang sabihin ko sa kanya ang sakit na pinaranas ko.

“Huwag na VJ...” ngumisi siya ng mapang-asar. “...dahil wala na ring silbi 'yon.Suko na ako.Masakit na kasi eh.Umasa na naman kasi ako sa iyo.Wala na kasi akong nagawang tama mula nang mahalin kita.Kaya ngayon napag-desisyunan ko na...na tama na.At last na 'to.Ayoko nang payagan ka na saktan akong muli.”

Biglang napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya.'Di ako nakapag-salita dahil iba ang tumatakbo sa aking isipan.

“Ayoko nang kalabanin pa diyan sa puso mo si Eunice.Dahil simula pa lang...” tumawa siya ng pagak. “...talunan na pala ako.Akala ko,may laban ako.Kasi pinaasa mo ako eh.Pinaasa mo ang puso ko. Kungsabagay,umasa din pala ako.Kaya kasalanan ko rin.” mabigat niyang saad.Tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang mga daliri upang huwag humagulhol.

Nilapitan ko siya at niyakap ngunit naitulak niya ako.Nanunubig na rin ang mga mata ko dahil sa mga katagang binibitawan niya na tumatarak sa aking puso.

Unlucky PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon