Chapter 9- Fight For Him

3.1K 98 19
                                    

Bernice's POV

"Ang tahimik mo yata ngayon bhessy?" kunot-noong tanong ni Khate.

"Oo nga princess Fiona." sabat naman kaagad ni Alden.Samantala ang pinsan niya ay nakikinig lang sa usapan namin.Magkakasama kasi kaming apat ngayon sa pagla-lunch.

"Okay lang ako.'Wag niyo ng alalahanin.May naiisip lang ako." pag-iwas ko sa tanong nila.Pero ang totoo niyan iniisip ko si Kuya VJ.Iniisip ko ang mga katagang binitawan niya.Pinanghahawakan ko kasi iyon.Doon ako humuhugot para magkaroon ng pag-asa kay kuya.

Tanga na ba ako masyado?Oo 'di ba?Pero 'di ko mapigilan ang mag-assume dahil mahal ko si Kuya.

"Si kuya mo VJ 'no?" sabay pa nilang sita sa akin.Si Khate ay nakataas ang kilay.Samantalang si Alden ay 'di ko mabasa ang emosyon.

Nagulat pa ako na alam ni Alden.Hindi ko nga maalala kung nai-kwento ko na ito sa kanya.Pero sure ako na kung hindi ako ang nagsabi sa kanya,malamang na ang madaldal kong kaibigan.

"Of course not." kumibot ang dulo ng labi ko kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kanila.Lalo na kay Alden.Nangako kasi ako sa sarili ko na pipilitin kong mahalin siya.Pero malabo na yatang mangyari iyon.Sana kung hindi lang nakapag-bitaw ng ganoong kataga si Kuya VJ,siguro hindi na ako muling umasa pa.

Kagabi kasi,habang nakahiga ako,may kamalditahan akong naiisip.Paano kaya kung ako mismo ang gagawa ng paraan para mapaghiwalay sina kuya VJ at Eunice.Malamang,na sa akin na ang bagsak niya.And I can't wait that time to happen.

Kuya VJ,sa akin pa rin ang bagsak mo!

"Hoy!" hinampas ako ni Khate.

"What?!" inis kong sita sa kanya.Masakit kasi eh.At isa pa nagulantang ako.

"'Yang iniisip mo..." dinuro pa niya ako sa noo ng marahan. "...alam na alam ko na 'yan Bernisa ha."

"Wala nga akong kalokohang naiisi-"

"Boom!Huli ka!" agad niyang putol sa sasabihin ko. "Hindi ko sinasabing may kalokohan kang iniisip Bernice.Pero ayan,lumabas din sa bunganga mo." itinuro pa nito ang mga labi ko.

"Wala ngang sabi eh." pikon kong sabi.Tinaasan ko pa siya ng mga kilay ko.

"Bernice,..."

Napalingon ako kay Alden ng sumingit siya sa usapan namin.

"Kung ano man ang magiging desisyon mo,irerespeto ko.Pero sana,hindi ka magkamali." malungkot niyang sabi.Para namang sinundot ako ng konsensiya ko.

Agad kong hinawakan ang kamay niya. "Thank you Alden." ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"At kapag nasasaktan ka o nahihirapan ka Bernice,lapitan mo lang ako.Handa akong pagalingin ka.Handa akong pasayahin ka muli." madamdamin niyang saad.

Unlucky PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon