Chapter 10

65.9K 1.7K 154
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Nakatulog ako kagabi ng sobrang gulo ng aking pagiisip. Sobrang daming tanong sa sobrang dami nuon ay hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang marinig isa isa ang mga sagot para duon.

"Yes, padala na lang dito sa room ko" tawag ko sa may kitchen.

Nagising ako na magisa na lamang sa aking kwarto. Inaamin kong nakaramdam ako ng sakit, muntik ko na tuloy isipin na baka panaginip lamang yung kagabi. Pero siguro akong totoo iyon, sigurado akong siya nga iyon.

Naligo at nagbihis na muna ako habang hinihintay ang pinaakyat kong breakfast. Ayokong duon sa restaurant kumain siguradong makakasalubong o baka makasabay ko pa si kuya yohan, mas ayos ng simulan ang umaga ko ng mapayapa, kesa mainis nanaman ako dahil sa kagagawan niya.

Nagsuot lamang ako ng simpleng kulay asul na beach dress, hindi naman siya gaanong revealing kaya pwede ko na din siyang suotin sa office. Hindi nama kailangang masyadong formal ang isuot ko dito lalo na at resort ito.

"May kailangan pa po ba kayo ma'm?" Tanong nung bellboy na nagdala ng pagkain ko dito sa kwarto.

"Paki sabi pahanda ng office ko, i'll go down in an hour" sabi ko dito na kaagad naman niyang tinanguan.

Tahimik lamang akong kumain magisip. Sobra kong naenjoy yung nga prutas, sobrang sarap kasi at halatang fresh na fresh. I can eat fruits all day kung ganito ba naman kasarap. Though pareho lang naman sila sa manila, maybe nakadagdag yung fact that i ak close to paradise. Outside was a paradise.

"Good morning po ma'm" samut saring pagbati ang natanggap ko saang sulok man ako ng hotel magpunta. Bago pa man din kasi ako pumasok sa aking opisina at magkulong duon ay tiningnan ko muna lahat ng department kung ayaw ba ang lahat o kung may problema man.

So far wala naman, mukhang magiging ayos ang first day ko para dito. Pumasok ako sa aking opisina at duon ko lang narealize na huminga actually, kanina pa pala ako masyadong naging mailap sa aking mga galaw dahil inaakala kong baka sa kung saan ay nandyan lamang si kuya yohan.

Nakaschedule ako ng meeting with the head of all the departments at exactly 10 o'clock, kasama na daw ang lunch meeting kaya naman nahimigan kong medyo magtatagal ako duon ay malaking ang possibilidad na duon ko na makikita si kuya yohan para sa araw na ito.

"Matagal na din pala" sabi ko sa aking sarili habang binabasa ko ang mga documents na related na resort. Gusto ko rin naman na kahit kaunti ay may alam ako tungkol dito sa hotel para hindi ako maging Out of place pag nagsimula ang meeting mamaya.

Sa dulo ng resort ay may mga hidden spring, sakop iyon ng hotel kaya naman sa amin na din iyon. Actually isa iyon sa attraction ng buong resort bukod sa magagandang rock formations, white sand at kung ano ano pa.

Hindi din nagtagal ay lumabas na ako para lumipat sa may conference room. Yakap yakap ko ang aking laptop habang naglalakad ako sa hallway ng kaagad na may bumati sa akin.

"Good morning ma'm theresa, tulungan ko na po kayo" sabi nito sa akin at tsaka niya binuhat ang aking laptop.

"Ay thank you" pasasalamat ko sa kanya tsaka kami sabay na naglakad.

"Nakatulog po ba kayo ng maayos?" Nakangiting tanong nito sa akin pero naging dahilan lamang ng pagkailang ko. Damn kailangan ba talagang iyon pa ang itanong niya sa akin?

"Yes...medyo nakakapanibago lang pero ayos naman" sagot ko kay Levy, ang general manager namin.

"Buti naman po kung ganuon ma'm kung maglilibot po kayo dito sa resort, sabihin niyo lang po para naman po mapasamahan ko kayo, o kahit ako na po" sabi pa niya sa akin na ikinatuwa ko naman.

To Die with Love (Hard Fall Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon