Chapter 40

50.8K 1.4K 213
                                    

"Anong sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya habang halos maluha luha na ang aking mga mata.

Matalim akong tiningnan nung babaeng tinawag nilang dennice kanina, matapos iyon ay nagawa pa ako nitong ngisian bago niya ako pagkalakas lakas na sinampal dahilan para halos mabingi ako dahil sa lakas nuon, namanhid din ang buong kanang pisngi ko dahil sa natamo.

"Oh ayan...siguro naman naalog na yang utak mo kahit papaano" mapanuyang sabi niya sa akin.

"Ang sama niyo!" Sigaw ko sa pagmumukha niya dahilan para muli nanaman akong makatanggap ng nakakabinging sampal.

"Don't you dare shout at me!" Nanggigigil na sambit niya sa akin habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

Nilabanan ko na lamang ang matalim niyang titig sa akin. Maya maya ay hindi na ito nakuntento at tsaka may sinenyas sa isa sa kanyang mga kasama.

Halos manlamig ang aking buong katawan ng iabot sa kanyang ang isang baril. I know she can do it, the way pa lang na gumalaw at magsalita siya alam ko ng pagsinabi niya ay gagawin niya.

"Isang putok para matahimik na yang maingay mong bunganga" pangaasar pa niya sa akin habang dahan dahang inilalapit sa akin ang baril na hawak niya.

"Ano, hindi ka ka pa din ba magsasalita tungkol sa kinalalagyan ng headquarters nila Xavier?" Panghahamon niya sa akin.

"Ilang beses ko bang sasabihing wala akong alam..." giit ko sa kanya.

Ilang mura ang narinig ko mula da kanya bago napaiktad ang lahat dahil sa pagtili nito dahil sa sobrang pagkainis.

"B*llshit! Pwedenb bang wala kang alam kung sa iisang bahay lang naman kayo nakatira!?" Gigil na gigil na sabi niya pa sa akin kaya naman halos manginig na ang aking kamay dahil sa takot dahil ano mang oras ay kayang kaya ako nitong patayin.

"Hindi ako nagsisinungaling...wala talaga akong alam" mahinahong sagot ko sa kanya.

Muli nanaman itong tumawa ng pagkalakas lakas. She is definitely insane!

"Papatayin na kita...wala kang silbi" masayang sabi nito sa akin.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit at magdasal. Si Yohan na lamang ang nasaisip ko sa mga oras na iyon. Ang aking anak...gusto ko pa siyang makita at makasama.

"Ma'm dennice may paparating!" Humahangos na sabi ng isa sa kanilang nga kasama kaya naman halos lahat sila ay naalerto kaagad.

"Swerte ka ngayon, pero ito ang tatandaan mo hindi kita titigilan" pagbabanta pa niya sa akin bago sila nagmamadaling lumabas ng condo unit.

Halos himatayin ako dahil sa sobrang relief. Sobra sobra ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa nangyari sa akin.

"Ma'm ayos lang po ba kayo, may nakapagsabi po kasi sa amin na may nagkakagulo dito" sabi sa akin ng isa sa mga security ng building.

Ginawa ko ang lahat para hindi na magsumbong pa ang mga ito sa mga pulis dahil ayoko na ng gulo. Ayokong lumaki pa ang gulo na ito dahil sa takot na may makaalam nanaman at maging isang alalahanin nanaman ako sa kanila.

Pero hindi pumyag ang condominuim na hindi ako magbibigay ng kahit anong impormasyon dahil para din daw iyon sa iba pa nilang costumers.

Hindi ako nakatulog ng buong gabing iyon dahil sa sobrnag pagiisip. Hindi naman na ako natakot na baka balikan pa ako ng nga ito dahil sinigurado nilang double na ang security ng buong building, at naglaan na din sila ng ilan sa kailang mga tao para magbantay sa floor kung nasaan ang aking tinutuluyang unit.

To Die with Love (Hard Fall Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon