Chapter 19

54.6K 1.4K 98
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



"Theresa..." malambing pero desididong paggising niya sa akin.

Mas lalong kumunot ang noo ko habang nakapikit ako. Di pa nagtatagal simula ng magpaalam ako na mauuna na akong pumasok para makapagpahinga na. Mas lalo kasing bumigat ang aking pakiramdam. Mukhang nagkatotoo nga ang sinabi ni kuya yohan na may sakit ako kahit kanina ay ayos pa naman ang pakiramdam ko.

"Gusto kong magpahinga" nanghihinang sambit ko sa kanya at mas naging desidido akong tumagilid sa kanya para sana hindi na niya ako kulitin pa pero mukhang wala pa din siyang balak na tigilan ako.

"You need to atleast drink something hot" malambing na pagsuyo nito sa akin.

Gusto kong magprotesta, gusto kong maiyak sa sobrang pagkainis. My head hurts a lot. Ayoko na muna sanang magpaistorbo pero heto siya at kinukulit ako.

Wala na akong nagawa ng alalayan niya akong makaupo kahit papaano. Nagawa pa nitong umupo para makasandala ako sa kanya. Kahit wala sa tamang wisyo ay ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dibdib sa aking likuran. And even the curves of it! Damn mind, may sakit na nga ako't lahat pero nagawa ko pang purihin ang katawan niya.

"You're damn sick" problemadong sambit nito habang dinadama ko ang pagsalat niya sa aking leeg at noo.

Habang pinapainom ako nito ng nainit na kape ay nanatiling nakapikit ang aking mga pata, my body hurts na para bang binugbog ito.

"Hijo ito ang bimpo at maligamgam na tubig, sigurado ka bang kaya mo na?" Rinig kong tanong ni aling ester.

"Opo salamat po" magalang na pagsagot ni kuya yohan dito.

Ilang paginom pa ang nagawa ko bago ko nanghihinang pinigilan ang kamay niyang may hawak ng tasa ng kape.

"Ayaw ko na" nanghihinang sabi ko dito.

Mabuti nama at hindi na ito muli pang nagpumilit. Naramdaman ko na lamang ang dahan dahan at maingat nitong paggaya sa akin sa aking muling paghiga.

"Anong masakit sayo?" Tanong niya pero naramdaman kong medyo malayo na siya sa akin, hanggang narinig ko ang paglapag niya marahil ng parang maliit na batya sa tabi at ang pagbiga ng marahil ng bimpo na sinasabi ni aling ester kanina.

"Wag...giniginaw ako" pagmamakaawa ko sa kanya.

I heard him curse. Pero maya maya lamang ay naramdaman ko na ang paghiga nito sa aking tabi, ang manipis na kumot na gamit gamit ko kanina ay mas lalo niyang inayos ang pagkakabalot nuon sa aking hanggang sa maramdam kong inangat niya ng marahan ang aking ulo at tsaka maingat iyong inunan sa kanyang braso.

Kahit masama ang aking pakiramdam ay amoy na amoy ko ang kanyang pabango dahil sa mahigpit na pagkakayakap nito sa akin na mas lalong nagpalapit sa aking mukha na nakaharap sa kanyang matigas na dibdib. Ang hininga niyang tumatama sa aking bandang noo dahil marahil sa pagkakayuko nito ay nagbibigay ng kung anong kiliti sa aking buong systema.

Hindi pa ito nahusto dahil maging ang aking kamay ay kusa niyang iniyakap sa kanyang mainit na katawan. "I dont want seeing you like this" sambit niya na mas lalong nagpapahigpit sa kanyang yakap sa akin.

Dahil sa init na dala ng kanyang katawan ay mas naging banayad ang aking paghinga. Pero napapakapit ako sa kanyang damit pagnakakaramdam ako ng panginginig dahil sa lamig.

To Die with Love (Hard Fall Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon