Chapter 53

62.9K 1.4K 117
                                    

Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi habang halos malukot na ang aking mukha dahil sa nagbabadya nanamang pagluha.

"I want us to have a big family, hindi mararanasan ni yohan at ng mga magiging anak pa natin yung naranasan natin nung mga bata pa tayo" paninigurado niya sa akin habang kahit siya ay halos manginig na din ang boses.

Nang hindi na nakapagpigil ito ay kaagad na niya akong hinila papalapit sa kanya at tsaka niya ako niyakap ng mahigpit samantalang ang kanyang mga labi ay nanatili sa aking ulo at nakahalik dito.

"Im so sorry...sa pananakit ko sayo, hindi ko na mababawi pero pinapangako kong hindi ko na uulitin" punong puno ng sinseridad na sabi niya sa akin.

Kaagad kong ginantihan ang yakap niya sa akin, medyo nagingat lamang ako para hindi ko matamaan ang kanyang sugat. "Wala yun xavier, hindi na mahalaga iyon" paninigurado ko sa kanya.

Hindi na ito muli pang nagsalita pero naramdaman ko na lamang ang mas lalong paghigpit ng yakap nito sa akin.

Mahimbing na ang tulog ni xavier sa aking tabi samantalang ako naman ay hindi pa magawang dalawin ng antok, hindi ko alam kung bakit parang takot na takot akong ipikit ang aking mga mata. Natatakot kasi akong baka sa muli kong pagdilat ay hindi pala totoo ang lahat ng mga nangyayaring ito.

"Natulog ka ba?" Natatawang tanong sa akin ng aking pinsang si tine kinaumagahan ng pumunta siya sa mansion.

Matamlay ko siyang inirapan kaya naman nakuha na niya kaagad ang aking ibig sabihin pero napakunot ang aking noo ng bigla itong humalakhak na para bang may sinabi akong kakaiba.

"Ano? Satisfying ba?" Pangaasar niya sa akin na mas lalong nagpakunot ng aking noo.

"Satisfying ang alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Sinamaan ako nito ng tingin na para bang hindi siya naniniwala sa aking tanong sa kanya.

"Teenager theresa? Painosente?" Pangaasar niya sa akin kaya naman biglang nanlaki ang aking mata sabay palo sa braso niya.

"Hoy gaga! Hindi kami nag sex ni xavier kaya ako puyat, ang dumi ng utak mo!" Suway ko sa kanya na mas lalo lang nagpaenganyo sa kanyang asarin ako.

"Bati na kayo, kasal na lang ang kulang...dalian niyo na para masundan na si yohan balita ko ay malaking pamilya ang gustong buoin ni Xavier kasama ka" pangaasar niya sa akin na naging dahilan para tumindig halos lahat ng balahibo ko dahil sa kilig.

Ang sarap pakinggan ng sinabi ni tine, na gusto ni xavier na gumawa ng malaking pamilya kasama ako. Be choose is an extraordinary feeling. Kasi kung tutuusin marami naman siyang choices. Iisipin ko pa lang na sa dinami rami ng babaeng nakakasalamuha niya at nakilala niya lalo na nung nagkahiwalay kami ay ako pa din ang gusto niyang kasamang bumuo ng pamilya.

"Oh bakit natulala ka diyan?" Tanong niya sa akin na ikinangiti ko.

"Wala, masaya lang ako" sabi ko sa kanya.

Kaagad itong tumango. "Kaya nga magpakasal na kayo, para naman maging maayos na ang lahat" muli niyang sabi sa akin na dahan dahan ko namang inilingan.

"Hindi pa pwede" sabi ko sa kanya. Hindi ko pa din pala kasi nasasabi kay tine ang aking mga balak.

"Bakit naman aber?" Halos magsungit ito, kaya nama nag dalawang isip muna ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

"Dalawang taon!?" Hiyaw niya sa pagmumukha ko ng kalaunan ay sinabi ko na din.

"Shh...ano ba ang ingay mo ah" suway ko sa kanya pero hindi ito natinag.

To Die with Love (Hard Fall Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon