Chapter 26

42.8K 1.2K 79
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




"Damn! F*ck!" Hindi magkamayaw ang murang lumalabas sa bibig ni kuya matteo ng makabalik kami sa kanyang opisina. Ni hindi nito magawang umupo dahil sa sobrang frustration na nararamdaman niya.

Dinila ako kanina sa clinic dahil bigla na lamang akong nagcollapse. Nakaidlip ako sandali kaya naman pagkagising ko ay medyo ayos na ang pakiramdam ko. Sabi ng nurse ay over fatigue daw ang dahilan kung bakit nawalan ako ng malay kanina.

Nakaupo lamang ako habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, naguguluhan na din ako. Anong kasal? Ako? Kanino?

Pero kahit may ganuong problema ay hindi pa din nawawala at mas nangingibabaw pa din sa akin yung mga sinabi ni tita margaux sa akin, yung mga pagbabantang ibibibintang niya kay kuya yohan na hindi ko mawari kung saan nanggagaling.

Sigurado akong hindi magagawa ni kuya yohan iyon, mahal na mahal niya ang pamilyang ito, mahal na mahal niya si lolo fernando kaya naman hindi niya magagawang traydurin at lokohin ito.

"Theresa...damn are you ok?" Frustrated na tawag sa akin ni kuya matteo pero nilapitan na niya ako ng hindi ko napansin ang mga nauna niyang pagtawag sa akin.

"Sorry po, may iniisip lang ako" paghingi ko ng pasensya sa kanya.

Problemado naman itong tumango at napaiwas ng tingin. "Dont worry i won't let that happend" paninigurado niya sa akin kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya at tsaka magpasalamat.

Kahit papaano ay mababawasan ang iisipin ko dahil alam ko namang hindi ako papabayaan ni kuya matteo.

"Sir matteo, sir matteo!" Nagulat kaming dalawa ng humahangos na pumasok ang secretary nito.

"Ano yon?" Kalmado pa ding tanong ni kuya matteo sa kanya.

"Si sir yohan at ma'm margaux po" sabi nito kaya naman pareho kaming mabilis na napatayo at kaagad na pumunta sa mga ito.

"Bakit ka pa kasi bumalik!" Nagwawalang sigaw ni kuya yohan sa nakaupong si tita margaux.

Kaagad na dinaluhan ni kuya matteo si kuya yohan para pakalmahin ito. Gusto ko din sana siyang lapitan ang kaso ay umiiyak akong tinawag ni tita margaux at naglahad ng kamay para magpayakap.

Mabigat ang mga naging paghakbang na nagawa ko palayo sa kinatatayuan ni kuya yohan para lapitan si tita margaux. Sigurado akong pagaawayan nanaman namin ito mamaya.

"Hindi ko alam kung bakit, bigla na lang siyang sumugod dito" umiiyak na sumbong sa akin ni tita margaux habang nakayakap siya sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang damayan siya at hagurin ang likuran nito habang umiiyak siya.

"Theresa" may pagbabantang tawag sa akin ni kuya yohan kaya naman dahan dahan akong tumingin sa kanya pero kaagad lamang na sumalubong sa akin ang galit na galit na mata nito.

"Yohan pagusapan natin ito ng maayos" suway sa kanya ni kuya matteo at pilit siyang hinihila paalis sa kwartong iyon pero para itong estatwang nakatayo lamang duon habang diretso ang tingin sa akin.

Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa, dahil kung tutuusin ay maging ako ay sobrang naguguluhan na din sa mga nangyayari, pero gusto kong maramdaman ni kuya yohan na kahit anong mangyari at kahit ano ang maging laban sa kanya ako, na siya ang pipiliin ko.

To Die with Love (Hard Fall Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon