Salamat Crush

28 2 3
                                    


Salamat sa Crush ko

Crush?

Yan 'yung hinahangaan mong tao sa buhay mo pero minsan nagiging gusto mo na siya. Aminin man natin o hindi pero alam mo sa sarili mo na minsan gigising ka  nalang na gusto mo na siya, na isang araw pagmulat mo hinahanap-hanap mo na siya. Kasi ako, Oo. Naging gusto ko na siya. Yung sa una, hinahangaan mo lang siya pero sa lalong tumatagal gusto mo na siya.

Masarap pero masakit.

Masakit pero masarap.

Masarap kasi nakakakilig, nakakasaya. Masakit kasi hindi madali ang umasa, mag-aasume. Hindi madali. Pero ayaw kong umasa kaya kuntento na ako na gusto kita at walang hinihinging kapalit.

Crush kita at gusto na kita. Kaya hayaan mo nalang akong gustuhin ka ha? Nagpapasalamat na din ako sayo dahil nakita kita, hindi man kita nakilala at least nakikita kita. Kuntento na ako dun. Salamat dahil ikaw ang nagpapangiti sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Salamat dahil naging inspirasyon kita. Salamat sa mga status mong maka-diyos. Hindi man kita nakilala, alam kong mabuti kang tao. Kaya don't give up on your dream. Just keep on fighting. 😉😉

Salamat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon