Salamat sa MommyLa kong Mahal Ako 😝😝

19 2 1
                                    


Salamat sa MommyLa kong Mahal Ako 😝😝


Maaring hindi mo na ramdam ang aking alaga, ang aking pag-aalala, ang aking lambing nung bata pa ako, ang aking kakulitan ng kamusmusan ko, ang aking yakap nung bata pa ako sa piling mo Mmy. Alam ko sa sarili ko na may nagbago na kasi nuon hindi ko kayang mawala sa piling niyo ni daddy, mmy. Alam mo yan, umiiyak ako sa tuwing kinukuha ako ng aking ama sa inyo para umuwi sa amin. Umiiyak ako kasi hindi ko gusto ang mawalay sa inyo dahil gustong-gusto ko na nasa inyo ako. Pero lahat ng yan nabago nung magsimula na akong magdalaga at nahiwalay sa inyo.

Alam mo mmy, sa tuwing uuwi ako sa'min. Umiiyak talaga ako ng palihim, natatalukbo ng kumot lalo ng pag-umuulan nuon. Napapaiyak nalang ako nuon ng walang dahilan pero sa paglipas ng araw at mga buwan na naging taon nasasanay na rin akong tumira saamin. Hanggang sa nag-high school at napagdesisyunan na tumira uli sa inyo kasi doon malapit ang skwelahan ko. Nung tumira ako dito, alam ko na may nagbago talaga. Hindi na ulit ako close sa inyo. Gustuhin ko man pero naiilang na ako. Marami na kasi talaga ang nagbago mmy.

Para sa akin, magbago man ang lahat pero ang pagmamahal mo sa'kin mmy ay hindi nagbago. Alam ko mmy. Kaya salamat sayo mmy ha? Kahit na masyado akong tahimik at hindi palaimik, ang tamad ko pa mmy, hindi bumabangon ng maaga kasi I'm not a early bird at alam kong alam mo yan mmy. Kahit na palagi lang akong nasa kwarto ko nakahiga pero pinapasok mo pa rin ako para ayaing kumain. Salamat sayo mmy. Salamat sa pagtitiis sa'king nakaugalian, salamat sa mga bagay na naihandog mo sa'kin, salamat sa pag-uunawa, salamat sa pagmamahal, salamat sa alaga mo. Salamat sa lahat-lahat. Salamat.

Mahal po kita kahit hindi ko maipakita. Mahal na mahal.

Love, N.


Salamat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon