Salamat kay Lolo Daddy

40 2 0
                                    

Salamat kay Lolo Daddy

Ito ang gusto kong unang pasalamat at kantahan nitong awiting salamat.

[Play the music above]

Kung ito  na ang huling awit na aawitin

Marahil ay ito na nga ang huling awitin na aawitin ko para sa'yo. Dahil alam ko namang hinding-hindi mo na ito maririnig.

Nais kong malaman mong ikay bahagi na ng buhay ko

Nais kong malaman mo na kahit hindi ako palasalita ay nagpapasalamat pa rin ako sayo sa alaga at malasakit mo sa'kin. Ikaw 'yung lagi kong kasama sa bahay at nagluluto.

At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha
Dahil sayo ako'y may pag-asa

Kung bibigyan man ako ng pagkakataon, ang nais at huli kong sasabihin sayo ay mahal kita lolo. Kahit na hindi ko man ito naipakita sayo nung nabubuhay ka pa.

Huling pagkakataon na masabihin ko siyang nandito ako at aalagaan ka. Pero huli na ang lahat.

Ang awiting itoy para sa'yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi

Tama! Ang awitin na ito ay alay ko sayo. Sa walang tigil na pag-unawa sa akin at pag-aalaga.

Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

Hindi mo man na ito maririnig pero nais kong isulat ito para lang sa'yo. Salamat Lolo Daddy.

Haaaa.. yeah yeaah

Sanay iyong marinig, tibok ng damdamin

Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin koy iyong dinggin

At kung marinig ang panalangin
palagi kang naroroon, humihiling ng pagkakataon

Mahalaga ka, kayo sa akin. Kaya sana kung maririnig mo ito ay nagpapasalamat ako sa mga naitulong mo sa'kin at sa mga naituro mo sa akin.

Hindi na ako hihingi ng pagkakataon kasi alam ko sa sarili ko na hindi ka na babalik.

Masabi ko sayo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

Ang awiting itoy para sayo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi

Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

Na hindi ko na masasabi sayo ito ng harapan kasi huli na, biglaan mo kasi kaming iniwan. Wala man lang paalam.

Haaaa.. yeah yeaah

Ito na ang pagkakataon

Walang masasayang na panahon

Mananatili ka sa puso ko kailanman

Para sa yo akoy lalaban, akoy lalaban

Ito lang ang pagkakataon kong magsabi ng aking pasasalamat sayo dahil hindi ko na naman ito masasabi sayo ng harapan.

Nawala ka man sa mundong ito pero 'yung alaala mo mananatili sa puso ko, namin.

Salamat sa lahat. Sa alaalang masasaya at sa kakulitan mo.

Ang awiting itoy para sayo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi

Dahil iyong narinig mula sa labi ko

Salamat, salamat

Lolo Daddy

Gusto ko lang na malaman mo na nandito akong nagmamahal sayo Lolo. Kahit na ika'y pumanaw na at iniwan ang mundong kinagisnang nagbigay ng pagsubok sayo, sa'ting buhay magpapamilya. Ipapahayag ko dito 'yung mga nais kong sabihin sayo at ipaalam sa'yo.

Nang ako'y lumaki, nakagisnan ko ang iyong luto daddy, lahat masarap. Lumaki ako sa piling niyo ni Lola Mommy. Pinalaki pero nung nagkaisip ako, kinuha na ako ni papa. Tuwing dinadalaw ko kayo o pupunta ako sa inyo, hindi ko na gusto pang umuwi sa amin. Sinanay niyo kasi ako sa mga bagay na hindi kayang ibinigay ng aking mga magulang. Ikaw 'yung lasinggero kong Lolo na makulit kaming hinahabol tuwing ika'y lasing. Mapag-biro sa lahat ng bagay, pero seryoso sa mga bagay na dapat seryosuhin.

Dy, sorry sa lahat ng mga maling nagawa ko ha. Sorry sa pagkatamad ko. Sorry dahil pinabayaan kita nung araw na 'yun, hindi ko lang talaga alam. Wala akong nagawa Dy. Akala ko wala lang 'yun. Pero akala ko lang pala, dahil 'yung gabi na 'yun na pala ika'y kinuha sa amin. Hindi namin 'yun inaasahan Dy. Masakit, sobra. Hindi ka man lang namaalam, Dy.

Pero may alaala ako sayo Dy. Ito,

Alam mo Dy, ikaw lang 'yung tanging lalake sa'ting pamilya na nahuli akong hinahabol ng lalake. Hindi ko naman kasi kilalang lubos 'yun kaya nung tinanong mo ako kung sino 'yun? Sinabi ko ang totoo, hindi ko kilala 'yun. Totoo 'yun dy, isa lang 'yung lalake na nagkagusto sa'kin pero hindi ko magawang ibalik sa kanya kasi nga hindi ko siya type, gusto, at higit sa lahat kilala. Tanging mga kaibigan ko lang ang mga nakakakilala sa kanya.

Kaya Dy, wag kayong mag-alala hanggat hindi dumadating ang lalakeng totoo na gusto at gusto ako, ang lalakeng tama para sa'kin. Hindi ako papasok sa relasyon na alam kong hindi naman para sa akin. Hanggang kras,kras lang Dy. Promise 'yan! Peksman! ✋😉

Salamat sa lahat Dy ha. Basta lahat. Salamat sa mga biro mong parang totoo sa akin. Kasi natatamaan talaga ako. Salamat doon.

Paalam Dy.

Ang sulat kong ito ay alay ko sayo, sa pasasalamat na kahit anong hirap ng buhay natin nand'yan ka Daddy. Handang magpatawa at umalalay sa amin. Hinding-hindi ka namin iiwan.

Salamat sa lahat, paalam.

May you rest in peace.

Salamat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon