Salamat sa mga Taong Paasa

12 2 0
                                    


Salamat sa mga Taong Paasa

Paasa?

Ang tawag sa mga taong ginagawa ka lang tanga sa kakahintay sa kanila na darating 'yun pala, hindi kasi may iba na. Yung mga taong ang sarap ilibing sa lupa ng buhay pa para matutong magseryuso. Haays. Alam niyo kayo, ang gagaling niyo lang. Ang sarap niyong palakpakan, ginalingan niyo rin eh no! Ginalingan niyong magpaasa. Pero salamat din. Salamat.

Salamat kasi natuto akong bumangon mag-isa sa pangunguli at kakaisip sayo. Salamat kasi natutunan kong mahalin ang sarili ko. Salamat kasi may natutunan ako. Natutong bumangon sa sakit na dinulot mo. Natutuong umahon sa saya ng dinulot mo kasi lunod-lunod ako sa mga matatamis mong kasinungalingan. Natutong maging malakas. Salamat dahil ang rami kong natutunan. Natutunan ko ring huwag ng umasa pa sa mga salitang matatamis kasi, salita lang naman yan. Wala yan sa gawa. Puro lang nasa bibig pero wala gawa. Natutunan ko rin na ang pag-ibig, masarap. Ikaw hindi, kasi yung pag-ibig walang mali pero ikaw, mayroon.

Kaya samalat ha. Salamat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salamat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon