Chapter 1

146 18 1
                                    

ALEXIS POV

Napabangon ako bigla mula sa pagkakatulog ko at nagpakawala ng sunud-sunod at malalalim na paghinga habang hawak ng kanang kamay ko ang dibdib ko.

Mabilis pa sa alas kwatro kong tiningnan ang kamay kong hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa dibdib ko. Pinisil pisil ko pa ang dibdib ko para makasigurong totoo.

TOTOO NGA!

Tumunghay naman ako sa malaking salamin na katapat lang ng sofa ko, wala kasi kaming kama eh, sofa lang.

Tiningnan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin. Sarili ko naman nakikita ko sa repleksyon ng salamin.

"Panaginip lang ba yun?" Na na-stuck ako sa katawan ng ibang tao? pero kung panaginip nga yun bakit parang... mali, mali...

Bakit tandang tanda ko pa rin yung ewan ko ba kung panaginip ko? na dapat ay hindi ko matatandaan lahat ng pangyayari ayon sa psychology.

Nakarinig ako ng malalakas na katok na nakapagpabalik sa ulirat ko.

Walang pasabing pumasok ang nakababata kong kapatid na si Erika sa kwarto ko ng nakapamewang at tiningnan ang kabuuhan ng kwarto ko na ginawa ko rin.

Nanlaki ang mga mata at nanigas ang buong katawan ko sa nakikita ko ngayon.

Yung panty ko nasa paa'nan ko, Yung bra ko nasa may likod ng pinto, yung damit, uniform, short nakakalat naman sa sahig kasama yung madaming piraso ng nakalukot na papel at kung anu-ano pang mga gamit ko dito sa kwarto. Ako ba may gawa nito?

"Kumilos kana dyan nang makapasok na tayo sa school."
Hindi ko na sya pinansin hanggang sa makalabas sya sa kwarto ko at nang malakas nyang sinara yung pinto ay ang mabilis kong pagbangon at nagmamadaling nagligpit ng mga kalat.

"Paanong nagkaganito yung kwarto ko?!" Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na dugyot.

* * *

"Aalis na po kami, Ma." Paalam ko kay Mama. Tumango ito kaya naman sinundan ko na si Erika na medyo malayo na sa paglalakad.

"Wait lang, Erika!" Halos pasigaw kong sabi. Ang layo nya na kasi agad.

Imbis na huminto yung magaling kong kapatid ay lalo pa nyang binilisan ang paglalakad kaya tinakbo ko na sya para maabutan.

Ano ba kasing problema ng isang to? Kanina pa ako iniiwasan tas nagagalit pag kakausapin ko.

Hinarap ko sya nung maabutan ko at hinawakan ang magkabilang balikat para huminto sya sa paglalakad habang naghahabol ako ng paghinga.

Syempre nakakapagod din kaya tumakbo habang buhat buhat ang mabigat na shoulder bag.

"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nya. Masakit kaya na hindi pansinin ka ng close mong kapatid, diba?! Hindi naman kasi sya ganito sakin dati.

"Bakit hindi mo tanungin sarili mo!" Sabi nya saka inalis ang kamay ko sa magkabila nyang braso.

Ako talaga?

* * *

Hanggang sa makapasok na kami sa School ay hindi na kami nakapag-usap pa.

1,753 Kilometers AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon