Chapter 5

83 14 11
                                    

(A/N: Ito po 'yung kadugtung nung huling 'pov' ni Alexis sa Chapter 3)

Characters:

Kim myungsoo   as   Zandro Espinoza
Lee jong suk        as   Ethan Frial
Lee hyung woo   as   Terrence Villafranca
Sehun                    as   Hunter Nixon
Nam joo hyuk     as   Axel Cane Eucliffe

-------

ALEXIS POV (IN ZANDRO'S BODY)

Kanina pa ako paikot ikot dito sa University pero hindi ko talaga matandaan kung saan ang room na papasukan ko. 'Yung unang beses kasi na pumunta ako dito diba eh kung saan saan 'yung atensyon ko kaya hindi ko na naalam kung saan 'yung room ko. -ni zandro

Kanina pa ako napapagod pero hindi ko pa rin nahahanap 'yung room ko.

Tinungo ko ang huling building na hindi ko pa napupuntahan.

"Sana naman dito na 'yun." Bulong ko at pumasok na sa building.

Gaya ng mga napasukan kong builing ay may Elevator din dito pero naghagdan na lang ako para maayos kong makita ang mga classroom.

Ilang kembot, tambling at split na nagawa ko pero hindi ko pa din nahahanap.

Nasa 5th floor na ako at iniisa isa ang mga room nung makita ko sa isang room ang pamilyar na mukha ng mga tao... at ni Ethan.

Ohmyghadd! Nahanap ko din.

T_T

Pumasok na ako.

"Late ka na naman." Sita sa akin nung teacher na nasa harap.

"Sorry po, naligaw po kasi ako nung pumasok ako eh, ang laki laki naman kasi ng school na 'to." Sabi ko habang naka-pout.

"Mga palusot mo talaga, hala sige umupo ka na." Sabi ni Ma'am habang tinuturo ang uupuan ko.

Hindi naman ako nagpapalusot eh -_-' Pag ito talaga nakabisado ko, 'who you' ka sa akin Ma'am.

"Sup?" Pagpaparamdam ni Ethan nung maka-upo ako.

OHMYGHADD!

Anong sasabihin ko? Dapat ayusin ko pagpapanggap ko bilang si Zandro...

Kaso paano ako magpapanggap kung hindi ko naman alam kung ano talagang ugali ni Zandro.

Siguro mabait naman sya 'diba? o kaya masiyahing tao.

TAMA.

Ewan ko ba kung bakit kailangan ko 'ding magpanggap bilang si Zandro. 'Yun kasi agad unang pumasok sa isip ko eh. Tutal wala namang maniniwala kung sasabihin kong hindi ako si Zandro 'diba?

"Hi Ethan." Bati ko sa kanya habang malawak na nakangiti. Okay na ba? parang ang baduy. Kumunot naman 'yung noo nya.

Sabi na nga ba eh, baduy talaga pagkakasabi ko eh. Ulitin ko na lang.

1,753 Kilometers AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon