PROLOGUE:

229 21 2
                                    


ALEXIS' POV

Inaantok pa ako ng sobra dahil feeling ko kulang pa rin ang tulog ko, kinumutan ko ang sarili ko dahil giniginaw ako, in fairness ang lamig ngayon ah? kakaiba pa 'yung hangin na naaamoy ko, hindi sya fresh air, first time ko nga lang ata makaamoy ng ganitong uri ng hangin sa tanang buhay ko eh. Kinuskos-kuskos ko pa 'yung sofa na hinihigaan ko.

Sobrang lamboooooot, feeling ko nga nag-iba eh kasi matigas 'yung sofa ko.

Sana ganito na lang palagi!

"Ang saraaaaaaaaap." Teka? Idinilat ko ang mga mata ko. Bakit parang boses ng lalaki 'yung boses ko? Napaupo ako sa hinihigaan ko.

"N-nasaan ako?" Tiningnan ko ang paligid. Sobrang lakiiiii at sobrang gandaaaaaa. Napatingin ako sa sulok ng kwarto. Kaya naman pala parang kakaiba 'yung amoy dahil may aircon pala. Naalala ko tuloy sinabi ng teacher namin sa EPP nung elementary ako, kakaiba daw 'yung amoy nung aircon eh pero masarap daw sa pakiramdam kasi nakakarelax.

Totoo nga talagang nakakarelax 'no? First time ko kasi makafeel ng may aircon eh, kadalasan kasi sa amin pamaypay at electric fan lang, walang aircon.

Grabeng kwarto 'to ah? parang 'yung nakikita ko lang sa mga mayayamang nasa palabas na sobrang laki ng kwarto.

Oo, nasa kwarto ako pero hindi ko naman kwarto 'to. Kasi sa kwarto ko maliit at matigas na sofa ang hinihingaan ko pero ngayon? parang kasya na kami ng buong pamilya ko sa kama na 'to sa sobrang laki.

Tumayo ako sa kama at tinungo ang nakitang kong malaking salamin.

"SINO 'TO?" Napatalon ako sa gulat nung makita kong katawan ng lalaki ang bumulagta sa akin. Ako ba 'to? Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para makasigurong tama ang paningin ko.

Pero bakit ganun pa rin? nasa katawan pa rin ako ng lalaki?

Napatingin ako sa short ko nung parang may naramdaman akong gumalaw sa loob nito.

Dahan-dahan kong inilalapit ang kamay ko sa short pero 'yung kabog ng dibdib ko sobrang bilis.

"OH MY GHADD, BAKIT MAY NAKAUMBOK?" Dali-dali kong inalis ang kamay ko sa short at hinawakan ang pisngi kong ngayon ay sobrang init na.

Mabilis kong tinungo ang higaang nandito sa kwarto at pinilit ulit matulog kahit hindi na ako inaantok. Grabe namang panaginip 'to? Okay na sana na managinip ako sa ganito kagandang lugar eh, kaso bakit nasa katawan naman ako ng ibang tao?

Ano ba 'yaaaaaaan? gusto ko pa namang mag-ikot ikot dito sa lugar na 'to kasi feeling ko paglabas ko ng pinto bubulagta sa akin ang napakagandang lugar.

Ilang saglit ko pang pinilit na matulog ulit pero ayaw na talaga ng katawan ko hanggang sa may marinig akong katok mula sa labas ng pinto.

Sino kaya 'yan? tumayo ako para pagbuksan ng pinto ang kumakatok. Hindi naman siguro ganun kasama kung managinip ako ngayon na nasa katawan ako ng ibang tao diba?

First time ko rin makapunta sa lugar na ito 'no? kaya susulitin ko na lang lahat ng 'to kahit nasa katawan pa ako ng lalaki. Hihintayin ko na lang siguro na magising ako mula sa panaginip na ito.

ZANDRO'S POV

"Where the hell... am I?" I asked myself as I scanned the whole area. Pinunasan ko ang ulo ko dahil sa tuloy-tuloy na pagpatak ng pawis dahil sa sobrang init.

Is this still my room? Or did I slept on someone else's house again? Nah, I doubt that dahil ang alam ko eh sa bahay ako natulog.

But if that's the case then, where am I? Am I dreaming? I scan again the whole room.

"Eh?... " Teka? bakit parang boses babae ako?

"Who is this?" Kumunot ang noo ko nung mapako ang tingin ko sa salamin.

Sino itong babaeng 'to? Kilala ko ba ito? lumingon ulit ako sa paligid pero wala naman akong makitang babae!

Pero teka, kung hindi ko sya makita...

Ginalaw-galaw ko ang katawan ko at lalo akong nagulat nung mapansin kong kung ano ang ginagawa ko ay ginagawa din ng babae sa salamin.

Hindi kaya...
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

AKO 'YUNG BABAENG NAKIKITA KO SA SALAMIN?!



-------

A/N : First time ko lang pong gumawa ng story at sana magandahan kayo hahahaha.


If you're a grammar nazi, sorry pero hindi po perpekto ang mga english ko tao lang 'din po ako hahaha!

1,753 Kilometers AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon