Seven

181 15 0
                                    

Unti-unti ng nararamdaman ni Francias ang lalong paglamig ng paligid tanda na malapit na sila.

Tama nga ang kasabihang 'Don't judge a book by its cover' dahil sobra ang paghanga niya sa sasakyan ni Johan. Kung titignan mo talaga ay mukhang hindi na ito aandar ng kahit isang kilometro man lamang at tila anumang oras ay magkakalas-kalas ang bawat parte nito ngunit ayun nga at malapit na sila.

Johan said that it would take them another hour or less to be at their destination. She also heard him talking with his mother over his phone about her presence giving them instruction to prepare a room.

Nakita din niya kung paano ito namula ng sabihin ang kanyang pangalan at na isa siyang babae. She could imagine that his mom teased him.

It was already past 8 when they finally arrived and she uncontrollably laughed hearing him groaned in frustration upon seeing 6 people waiting outside his home. She smiled and gave him a reassuring look that it's fine.

Napakamot na lamang ito na tumingin sa kanya.

Kita niya ang naglalawakang mga ngiti ng mga naghihintay na halos hindi mapakali ng dumating ang kanilang sasakyan.

Mayroong tatlong may edad na mga babae at lalaki, dalawang babaeng mga kasing edad ng kanyang ina, isang babaeng sa tingin ni Francias ay nasa mid twenties at isang babaeng tila teenager.

"Hey, let's go.", yakag niya sa binata ng hindi ito kumikilos sa pwesto. She laughed, siya itong hindi kaanu-ano siya pa ang excited lumabas ng sasakyan nito.

Nagbuntong hininga ito at tila napipilitang bumaba na ng kotse.

Bumaba na rin siya at nakangiting sinalubong ang mga tao doon.

Nagmano ang lalaki sa mga nakatatanda at nagbeso sa isang babaeng sa tingin niya ay ina ni Johan. They have the same eyes, though it has different colors.

Unang bumati kay Francias ang pinakabata sa grupo. Tingin niya ay nasa fourteen lang ito at sa murang edad ay litaw agad ang kagandaan nito "Hi ate. My name's Tiffany Mae, kapatid ko si kuya Johan.", she sweetly smiled giving Francias her warmest welcome. "This is our mom, Joanna. Granma and granpa , Joseph and Maribel. Si nana Lota, ang nag-alaga saamin ni kuya simula pagkabata at si ate Ana, ang isa sa mga kasama namin sa bahay.".

"Good evening, I'm Francias. Johan's friend po.". pakilala niya sa sarili.

"Magandang gabi rin iha.", sabi ng ipinakilalang lolo ng binata. Lumapit siya sa mga ito at ginaya ang ginawa ni Johan. "Kaawaan ka ng Diyos.", sabi ng mga matatanda ng magmano din siya.

"Halina kayo at pumasok. Naghanda si Lota ng masarap na pagkain. Kumain muna kayo ng makapagpahinga na muna.", ang mama naman ni Johan na sinserong nakangiti.

"Salamat po.", she smiled at them. Habang kumakain ay walang humpay din ang kanilang tawa dahil sa mga biro ng lolo ng binata. Nananahimik lang si Johan na tulad ng dati ay pulang pula dahil puro mga kapalpakan nito noong kabataan ang kinukwento ng mga nandoon. Masiyahing tao rin ang lola at mama ng binata at binibiro pa si Johan dahil iyon daw ang unang beses na nagdala ito ng kaibigan sa kanila.

"May malapit daw po dito na farm?".

"Yes, we have strawberries and flowers. Igagala kita bukas ate. You'll stay here for a week right?", Johan's sister excitedly asked.

Francias nodded.

"I love your face ate. So pretty, like an angel.", hindi nito mapigilang ikomento na nagniningning ang mga matang nakatingin sa kanyang mukha.

"Feel at home ka lang iha. Kapag may kailangan ka ay tawagin mo lang si Ana.", nakangiting sinabi ng lola nito.

Bago matulog ay tumawag siya sa ina. She told her not to worry and that she'll be back after a week. She did not inform her where she was at baka ipasundo siya doon. Kailangan muna niyang huminga sa lahat ng sama ng loob na kanyang naramdaman sa bahay. Dahil sa pakiramdam niya ay maaaring sumabog na siya anumang oras.

Kanina pa siya papalitpalit ng pwesto at matutunaw na ata ang kisame kakatitig niya ay hindi pa rin siya makatulog. Kaya naman sumusukong bumangon na siya at hinanap ang komedor.

"God.", nagulat pa siya ng lumiko sa pintong hinala niya ay kusina ay may nakita siyang anino. Nakita niyang napatingin ito sa kanyang gawi at naglakad patungo sa isang sulok hanggang sa sakupin ng liwanag ang bawat sulok ng lugar na iyon.

She sighed in relief seeing Johan. Ngunit natigilan siya ng mapagtantong hindi nito suot ang nakasanayan na ng kanyang mga matang polo at salamin. Nakasimpleng t-shirt ito, jersey short at may gulu-gulong buhok.

She unconsciously bit her lower lip while trying to calm her heart na tila nakikipagkarera sa biglang pagbilis ng tibok niyon. That's dangerous.

"Francias. Okay ka lang?", tanong ni Johan na nag-aalalang lumapit sa kanya.

She smiled giving her best effort not to show her thoughts. "Yes. Hindi lang ako makatulog. Namamahay.", she shrugged and forcely laughed.

"Ganun ba. Uhm milk?".

She nodded and followed him.

"Upo ka muna.", pinaghila siya ng binata ng upuan like every gentlemen would do. Binuksan nito ang ilang kabinet at kumuha ng mga garapon. Kumuha rin ito ng dalawang kutsara at tasa na nilagyan na rin nito ng mainit na tubig.

"Mahilig ka ba sa matamis na gatas?", tanong ng lalaki na nakangiti.

Tila namamalikmata na namang napatingin siya sa labi nito, sa mapuputing ngipin, sa dalawang malalim na dimples sa magkabilang pisngi, sa matangos nitong ilong, sa magulo nitong buhok at sa mga magagandang mata ng lalaki. She gulped and deeply breath.

"Are you okay?", pangalawang tanong na iyon ng lalaki.

"Yes, sorry. May naisip lang ako. And yes for your first question, pero di gaanong matamis.".

Tila ito nag-eenjoy sa pagtitimpla nito ng gatas. Ipinatong niya ang mga braso sa lamesa na tinuunan naman niya ng mukha habang nakangiting nakatitig sa lalaki.

Mabait talaga si Johan. Yung tipong aalagaan ka. Marami na siyang nakasalamuhang lalaki ngunit maliban sa kaibigang si Carl ay ito lang din ang nagparamdam sa kanya ng sinseridad. Hindi rin siya kailanman nakaramdam ng pagkailang dito. 

Sa ilang pagkakataon ay nararamdaman niya ang paggalang nito sa kanya, siguro nga kahit na maghubad siya sa harap nito ay di siya nito papansinin.. baka nga balutin pa siya ni Johan. She silently laughed at her own thoughts, Johan Andre curiously looked at her with a why look.

"Wala.", she answered with a smile that would make any man fall.

Stubborn Miss Francias (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon