Nine

166 16 0
                                        

Kahit na gabi natulog ay maaga pa ring nagising si Francias. It was so cold at dahil wala siyang dalang jacket ay nagtityaga siya sa kanyang mga bitbit na damit. Pag nagising na si Johan ay magpapasama siya ditong mamili.

Lumabas siya ng kwarto at naglakad patungo sa kusina ng makita ang binata. He still has his bed hair and not wearing his glasses. Ano ba naman ang lalaking ito. Hindi ba nito alam na naaapektuhan siya sa lahat ng ginagawa nito. Francias saw him preparing their breakfast. He was cooking eggs and hotdogs. She also could smell the brewed coffee in the air.

Nakakagutom.

"Good morning, prince charming.", bati niya dito na ikinagulat ng binata. She widely smiled upon seeing his reaction. He was so cute.

She walked towards him... too close that she felt him tensed.

"Nasaan sila?", tanong niya ng walang mapansing ibang tao maliban sa dalawang kasambahay na nakitang naglilinis ng sala.

"Si Tiffany, may pasok pa siya sa high school, sila lolo, lola at mama mamimili lang daw sa palengke.".

"Ohhh, very considerate in giving us privacy.", lalo pa siyang lumapit dito na tipong magkadikit na ang kanilang mga braso.

"Uuwi din ang mga iyon.", he panicked.

Francias laughed dahil namumula na naman ang binata.

Dahil halos hindi na ito makakilos ay lumayo siya sa lalaki at pumuwesto sa lamesa.

"Para tayong mag-asawa ano? So sweet naman ng prince charming ko. Pinagluto ako ng breakfast. How can I help?", she excitedly asked.

"Please pour us some coffee. Cups are in that cabinet.", turo ng binata sa kanyang bandang likuran.

She excitedly took out two cups and prepared their coffee. First time niyang siya ang nag-ayos ng kanyang kape sa umaga kahit na nga ba nagsalin lamang siya.

"Hindi na kita natanong kung ano ang kinakain mo sa umaga.", si Johan na hindi naman nakatingin sa kanya.

"Kahit ano basta kasama kita.", hirit pa niya na lalo niyang ikinatawa dahil tila nahirinan na umubo ang lalaki.

Pinapanood lang niya habang nag-aayos ito bago ito sumama sa kanya sa lamesa.

"Malapit lang ba dito yung SM?", kumuha ang dalaga ng itlog at ipinalaman sa tinapay. Ang alam niya kasi ay SM lang ang mall sa Baguio.

"Mga 15 to 20 minutes.".

Tumango lamang siya bilang sagot. "Oh, bibili kasi ako ng panlamig. Medyo hindi ko kasi napaghandaan ang pagba Baguio.".

Nakita ng dalagang nangunot ang noo nito at tumingin sa kanya ng diretso.

"Wag ka ng bumili, sayang. Marami naman si Tiffany na mga panlamig. You can also borrow mine.".

"Hmm.", tila siya nag-iisip na ngumiti. "Nakakahiya kay Tiffany, but I love the idea of wearing yours.", pumiraso siya sa hawak na tinapay at nilunok. "Pero pupunta pa rin ako. Baka may magustuhan akong bilhin. You know. Souvenirs.".

"Samahan na kita.".

"Really?".

Tumango ang lalaki na ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi naman kasi nito kayang pabayaan ang dalaga. Lalo na sa mga ganoong lugar na matao.

"Okay.", lumingon siyang muli rito ng may maalala. "Malaki ang bahay ninyo. Maganda rin. May mga antique na gamit pero bagay na bagay sa modern style ng bahay.", she commented. Francias saw him smiled that melted her heart na tila ba isang oasis ang purong ngiti ng binata sa gitna ng disyerto. "I also love.. your smile.", medyo pabitin pa niyang sinabi na seryosong nakatitig na noon sa binata. He just looked at her na parang may biro na naman siyang sinabi at umiling.

She sighed habang marahang hinalo ang kanyang kape at tumitig lang sa binata. Habang tumatagal ay parami ng parami ang good points na napapansin niya dito. It was the first time na mag ukol siya ng pansin sa isang lalaki.

She was nervous but she liked it.

"WALA ka na bang ibang bibilhin?", tanong ng lalaki makalipas ang halos isang oras nilang paglalakad. May bitbit itong dalawang paper bags na mga nagustuhan niyang damit. She actually love shopping ngunit nahihiya siyang paghintayin ang lalaki ng matagal. Kahit na nga ba hindi ito nagrereklamo ay hindi niya maiwasan ang maawa sa binata.

"Hmm, isa na lang.", hinila niya ang lalaki sa nadaanang men's boutique at kumuha ng ilang t-shirts. Tila ito nabigla ng isa isahin niyang kuhanin ang ilang damit doon at isukat sa kanya. Nakita niyang namula nanaman ito at umiling.

"Kung saakin iyan, hindi na kailangan.".

She bit her lower lip and looked at him.

"But I want these for you. As a gift sa pagpapatuloy mo sakin.".

"Lalong hindi ko matatanggap.".

Pero gusto talaga niyang bilhin ang lahat ng iyon para sa lalaki. Nanatili siyang nakatayo na tila maiiyak at ayaw rin niyang bitawan ang mga bitbit na damit.

Tumingin si Francias sa lalaki at ng makitang hindi ito papatinag ay ibinaba niya ang damit at malungkot na naglakad. "Let's go.", she surrendered.

Hinawakan nito ang kanyang braso na nagpalingon muli sa kanya sa lalaki. Nagbuntung-hininga ito na tanda ng pagsuko. "Pumili ka ng damit. Pero ako ang magbabayad.", nasabi ng lalaki na ikinatuwa niya.

"Are you sure?".

Johan nodded and followed her.

Dahil nag-aalalang baka maubos niya ang allowance nito ay pasimpleng pinabayaran niya at pinabalot ang ilang napili niyang damit sa saleslady habang nagsusukat ng pantalon ang lalaki.

Hindi niya napigilan ang paghanga ng makita ang kabuuan ng lalaki ng lumabas ito mula sa fitting room "I knew it.", napapitik pa siya sa hangin at niyakap ito. "You're so handsome like a model. Look at you. My God. I love it.", sunud-sunod niyang puri sa lalaki. Tahimik lamang ito na tinitignan ang masaya niyang mukha.

Nakita rin ng dalaga ang ilang babaeng nandoon na nakatingin dito.

She possessively wrapped her arms around his neck and sweetly smiled at him. "You're mine. Only mine.", Francias seriously said before releasing him.

Johan was left dumbfounded with sharp pounding heart while looking at the lady that was graciously walking to the counter.

Nagbuntong hiningang bumalik siya sa fitting room at hinubad ang damit na kanyang suot.

Mukhang napakalaking gusot ang napasukan niya.

Stubborn Miss Francias (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon