🥰🥰🥰
Nahihilong nagising si Francias ng maramdaman na gumagalaw ang kanyang hinihigaan. Sa kanyang takot ay nakita niya ang sariling nakahiga sa backseat ng isang sasakyan.
This scene is really familiar.
Ang karatulang Dau ang sumalubong sa kanyang mga mata ng bahagya siyang mag-angat ng kanyang mukha. Sa bumibilis na tibok ng kanyang puso ay nilingon niya ang lalaki sa harap ng manibela.
"San mo ko dadalhing hayop ka?", galit niyang turan .Lalo siyang nainis ng nakangiting lumingon sa kanya ang lalaki.
"Good morning, princess.".
"Don't princess me. This is kidnapping.", she furiously said and grabbed his arm dahilan upang lumihis ang manibela.
"Careful, princess. Papakasalan pa kita, huwag mo naman akong patayin.", anito ng maibalik ang kotse sa linya.
"Hmp.", inirapan niya ito at sumiksik sa likod ng kotse malayo sa lalaki. Kinabahan din siya ng muntik na itong mawalan ng control sa pagmamaneho dahil sa ginawa niya. She doesn't want to die yet, kaya naman pinigilan niya ang sariling guluhin itong muli.
Looking at him now ay malaki ang ipinagbago nito. Ang dating payat nitong katawan ay may muscles na ngayon at kitang kita iyon sa suot nitong itim na t-shirt. Lalo ding tumingkad ang kagwapuhan ng binata lalo na sa gupit nitong bumagay sa kanyang mukha.
This is unfair, naiinis siya sa lalaki pero bakit tila pinagnanasaan pa niya ito?
Tumikhim ang lalaki at doon niya nakita ang nanunuksong mga mata nitong nakatingin sa kanya mula sa rear-view mirror. Inirapan na lang niya ito upang itago ang kanyang pagkapahiya at tumingin sa labas ng bintana.
It felt so nostalgic seeing the same familiar road where they went together before.
"Saan ba tayo pupunta, ha?", muli niyang tanong ng makita ang pagliko nito sa isang tollgate doon.
"I know you're hungry, kumain muna tayo bago tayo magpatuloy sa biyahe.", anito na hindi man lang sinagot ang tanong niya.
Ng initigil nito ang kotse sa tabi ng kalsada at pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ay hindi siya kumibo na lumabas doon.
She gasped upon realizing that in their front is the same eatery where they went before.
Napalingon siya sa lalaki na noo'y nakangiti sa kanya. He took her hand and pulled her inside.
It was 6 in the morning at talagang nagugutom na siya, kaya naman hindi na siya nag inarte na umorder ng pagkain doon.
Mas lumaki ang kainan kung pagbabasehan sa huli niyang naaalala. Tila ganado din ang lalaki ng kumakain na sila.
Ng matapos kumain ay bumalik na sila ng kotse at hindi ito pumayag na sa likod siya muli umupo.
Hindi na siya lumingon sa lalaki ng magsimula na muli itong mag drive. Hindi na rin siya lumaban dito. Napapagod na ang puso niyang labanan ang nararamdaman kaya nagpatangay na lamang siya dito at hinayaan ang sariling matulog.
Francias found herself in a small room when she woke up. Agad siyang lumabas doon at nakita ang isang maliit na sala na gawa sa kahoy . Ng lumabas siya ng bahay ay napasinghap pa siya sa ganda ng tanawin.
One thing is for sure. They're not in Baguio, malawak na bulubundukin at palayan ang kanyang nakikita sa paligid. Nakakainlove ang tahimik sa lugar na iyon. Ang bahay kung nasaan siya ay malayo mula sa maliit na komunidad na natatanaw niya sa ibaba.
How did she end up there without waking up? Sa tingin niya ay mataas na lugar iyon.
Ng may narinig siyang kaluskos sa likod bahay ay halos patakbo siyang pumunta doon.
BINABASA MO ANG
Stubborn Miss Francias (COMPLETED)
Novela JuvenilDahil sa pagrerebelde sa magulang ay napilitang maglayas ni Francias ng isang gabi at magtago sa kotseng nakaparada sa school nila. Pinili niyang pagtaguan ang pinakabulok na kotseng nakita sa parking area dahil hindi iisipin ng kanyang bodyguard at...