Iginala ni Johan ang dalaga sa ilang tourists spots sa sentro ng Baguio. Wala silang ginawa kundi ang maggala at magpicture ng magpicture ng sangkatutak.
Isang panaginip para kay Johan ang lahat ng mga nangyayari. Alam niyang isa lang siyang bagay o pag-aari para sa babae. Napakayaman nito at napakaganda. Isa itong prinsesa na tinitingala ng lahat samantalang siya ay pangkaraniwang tao lamang na minsan nga ay hangin kung ituring ng karamihan.
"Where are we going next?", nakangiting tanong ni Francias habang nakapulupot ang braso sa braso niya.
"Sa farm kaya?", naalala niyang gustung-gusto nito pumunta doon.
"Strawberry?", her eyes widened with excitement.
Her expression amazed and stunned him dahil sa pagbilis ng tibok ng kanyang puso na lagi niyang nararamdaman. Ngunit hindi siya tanga para maniwalang totoo ang lahat.
"Magandang araw po sir Johan, ma'am.", bati ng isang may katandaang lalaki na sumalubong sa kanila.
"Madalas ka ba dito?", tanong ng dalaga kay Johan na tinanguan lang niya. "Alam kasi nila pangalan mo.".
Napangiti ang lalaki doon.
Binigyan sila ng matandang lalaki ng basket at itinuro ang mga uri ng strawberry na pwede na nilang pitasin. Pinagtitinginan doon ang dalaga lalo na ng mga kalalakihan. Napakaganda kasi nito na hindi maihahalintulad sa ilan. She was like an angel. Skin so white and perfect kind of face. Wala itong makeup na lalong nagpalutang sa maamo nitong mukha.
He couldn't deny that he enjoyed watching her every move and expressions. Tila hindi siya magsasawa doon. But he knew that this happiness has an end kaya naman hindi siya masyadong nagpapadala sa kanyang emosyon. Darating ang araw na uuwi sila ng Maynila at babalik sa dati ang lahat. Na tulad ng dati ay hindi siya muling papansinin nito. Nagkataon lamang na sa kanya ang sasakyang napagtaguan nito noon. At kung sa iba man ito nakisakay ay gagawin din nito iyon.
"Oh my. Ang dami ko na nakuha. Can I have this all and bake a cake?".
Tumango ang lalaki sa natutuwang dalaga. Halos mapuno na nito ang basket na dala nila.
"Are you okay?", lumingon ito sa kanya ng may pag-aalala sa mukha.
"Oo.".
Nagitla pa siya ng maramdaman ang paghaplos ng malambot nitong palad sa kanyang mukha.
Hindi niya maiwasan ang mapabuntong hininga dahil sa epekto niyon sa kanya.
"No you're not okay. Tell me what's on your mind? Please.", she begged. Ibinaba pa nito ang hawak na basket at tinitigan siya sa kanyang mga mata. Malayo na sila sa karamihan doon at halos walang tao sa paligid.
Umiling siya ngunit hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi. "You're lying. Look at your face.", ngumuso ito na tila nagtatampo.
Kinuha niya ang kaliwang kamay ng dalaga mula sa pisngi at ibinaba iyon. Nakangiti niya iyong tinitigan.
"Pagod lang siguro.", sabi na lamang niya dahil tiyak siyang mangungulit lalo ito kung wala siyang isasagot. Maghapon na rin naman silang nasa galaan.
May sinserong pag-aalala ang bumalatay sa magandang mukha ng dalaga. "Ganun ba. Sige, okay na to for today. Let's go home.".
"Home.", napakagandang pakinggan.
Unang tumayo si Francias na pinagpag pa ang mga tuhod, kinuha nito ng isang kamay ang basket at hinawakan ng isa ang kanyang kamay. He looked at her na binigyan lamang siya ng isang matamis na ngiti bago sila nagsimulang maglakad palabas ng farm.
"SALAMAT ma'am, sama po ulit kayo kay sir sa susunod.", sabi ng mga tauhan doon ng magpaalam ang dalawa.
"Siguro super close ka sa mga iyon noh? Hindi tayo pinagbayad ih.", namamanghang sabi ni Francias ng nakauwi na sila. Malapit ng dumilim at naabutan nilang naghahanda na sa bahay para sa hapunan. Tulad kahapon ay isang masayang hapunan ang naranasan ni Francias sa bahay ng lalaki. They were so kind at hindi siya itinuturing na iba.
Pero hindi pa rin matahimik si Francias. Sigurado siyang may gumugulo sa isip ng binata kahit na hindi ito nagsasalita.
She tried to sleep but miserably failed sa kakaisip sa binata. I give up. Aniya bago nagsuot ng balabal at lumabas upang tumungo sa kusina.
Napangiti si Francias ng makitang muli ang binata doon, nakatutok ito sa laptop habang may mainit na kape sa tabi.
Marahan siyang naglakad palapit sa binata, ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat nito at niyakap ito mula sa likuran. Nagitla man ang lalaki ay hindi ito kumilos na nanatiling nakatingin lamang sa kanyang ginagawa.
"What are you doing?".
"Para sa farm.", matipid nitong sagot.
"Oh.", napangiwi siya ng makita ang puro numerong nababasa sa screen ng laptop nito. "Okay. Timpla lang akong kape.".
"Meron pa sa coffee maker. Isalin mo na lang.".
Kumalas siya mula pagkakayakap dito at kumuha ng tasa. Isinalin niya ang kape at umupo sa katabi nitong upuan.
She chose to silently stay while gazing at him. He was so hooked up with his work na tipong hindi na siya nito napapansin.
Tila pa ito nagulat ng sa paglingon makalipas ang may tatlumpung minuto ay nakita pa siya.
Mahinang napatawa si Francias dahil doon. Nangalumbaba ang dalagang tumingin dito.
"Are you hungry?", tanong ng lalaki na biglang lumikot ang mga mata sa paligid. Pamilyar na ang mga matang iyon sa kanya, mga mata na natetense dahil sa kanyang presensya.
Umiling siya at umayos ng upong hinalo halo ang kanyang kape.
"Huwag mo kong pansinin. Okay lang ako. Ipagatuloy mo lang yang ginagawa mo.", aniya at ngumiti dito. "I just want to stay with you more.".
"Ahm. Malapit na rin naman ako matapos. Marami pa kong oras. If you can't sleep, gusto mo bang maglakad lakad sa night market?".
Nangislap ang mga mata ni Francias sa sinabi nito ngunit napakagat-labi siyang nag-aalala dahil naistorbo na naman niya ito.
"May bibilhin din kasi ako. Nakapagpahinga na rin naman. If you want to come, be ready in 15 minutes.", dugtong nito na nagpangiti na sa kanya.
"Alright. 15 minutes then.", aniyang inisang lagok ang natitirang kape sa tasa at nagmamadaling pumanhik sa kanyang kwarto. Nagbihis siya ng makapal na puting sweatshirt na tinernuhan niya ng itim na leggings at puting sapatos.
Nakuntento na siya sa pulbo at sa lipgloss bago nagmamadaling bumaba sa sala.
Ng makita niya ang binata ay hindi niya mapigilan ang matulala dito. Nandiyan na naman ang pamilyar na mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Natuwa siya ng makitang suot nito ang frame ng salamin na pinagtulungan nilang bilhin ng kapatid nito, bumagay kasi iyon sa mukha ng binata at hindi nito kayang itago ang gandang lalaki nito. She calmed herself by breathing deeply while walking towards the guy who was staring at her.
She cleared her throat when she finally reached him. Nakita niya ang tila paglunok ng lalaki ng hagurin siya nito ng tingin. At ng gawin din niya iyon ay natigilan siya sa suot ng lalaki.
A bark of laughter escaped from their mouth as they realized that they were in a couple outfit.
He was wearing a white sweatshirt, a blackpants and a white running shoes. May suot din itong puting cup. So cute.
"Let's go princess.", anito sa tono na nagpatunghay sa kanya. That was a first. Sa pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Johan na nakalahad ang kamay. Tila namamalikmata si Francias na tinanggap iyon.
For a moment there, she saw a real prince. A prince that made her heart strongly beat.
BINABASA MO ANG
Stubborn Miss Francias (COMPLETED)
Fiksi RemajaDahil sa pagrerebelde sa magulang ay napilitang maglayas ni Francias ng isang gabi at magtago sa kotseng nakaparada sa school nila. Pinili niyang pagtaguan ang pinakabulok na kotseng nakita sa parking area dahil hindi iisipin ng kanyang bodyguard at...