Shanna Marix POV
"Hi Alex! Good Morning! Flirty at masigla kong bati habang nakatalungko sa gate ng bahay nila, pagkatapos na pagkatapos ko mag jog ay inabangan ko talaga ang paglabas ni Alex sa pintuan nila, alam ko kasing ganitong araw ay andito sya at ganitong oras ang pagpasok nya sa opisina. Wearing my black spaghetti strap and super short pink shorts. It show off my cleavage and long smooth legs, pang akit na suot para lang mapansin ni Alex.
Magkatapat lang ang bahay namin, dahil don bata pa lang ako ng maagang tumibok ang puso ko sa kanya. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko ng magiging malaking parte sya ng buhay ko. hanggang ngayon na 23 na ako at si Alex ay 28, ay sya pa rin ang ultimate love ko. Marami rin naman akong naging fling and mga manliligaw, mga naging exboyfriend but I always end up loving Alex. Nalungkot pa ako noong nagdesisyon syang lumipat four years ago, sa condo nila na pagmamay ari din nila. kaya tuwing Sunday at Monday morning ko na lang sya nakikita dahil yun ang araw ng pagdalaw nya kila tito cesar at tita helga, ang mga magulang nya.
Ngumiti sya sa akin na nagpabuo sa araw ko, lalo ata akong naiinlove sa kanya kapag nakikita ko ang ngiting iyon. Napakagwapo nya sa suot nyang suit. Lalo pag natatapunan nya ako ng malamlam nyang tingin pakiramdam ko lumulutang ako at nghuhugis puso ang mga mata ko sa kanya.
"Good Morning too Rix! Did you jog?" Ani Alex sa baritonong boses nya na lalong ngpalapad ng ngiti ko. Pag banggit pa lang nya sa palayaw nya sa akin ay walang humpay na ang puso ko sa pagkabog. Sasagot pa lang ako ng biglang...
"Hoy Shanna, umalis ka nga sa driveway!" Sigaw sa akin ng taong panira naman ng araw ko, ang kapatid nitong si Shark. Sabay sila ni Alex na papasok na sa trabaho. Di tulad ni Alex, si Shark naman ay dito na sa subdivision piniling tumira. Di ko alam bakit laging mainit ang ulo nito sa akin dahilan din para lagi ko syang sungitan. Bata pa lang ako ay lagi na syang ganyan magsalita sa akin kaya bwisit na bwisit ako sa kanya. Kung anong kina-gentleman ni Alex, sya naman kinabastos ng kapatid nito.
Napasimangot ako sakanya. Inirapan ko lang si Shark at bumaling uli ang tingin ko kay Alex. Kainis talaga ang lalaking ito, panira ng moment namin!
"Yep Alex, Pampasexy ko ang jogging.." aniko sabay kindat sa kanya "are you off to work? Dont overwork yourself ha, Dalasan mo naman ang pagpunta dito, nakakamiss ka na kasi.." malambing kong pahayag sa kanya. Matagal na panahon na akong nagpapacute kay Alex pero pakiramdam ko lagi nya lang iyong di pinapansin.
"Your too gorgeous na Rix and your sweet too, any guy will be lucky to have you." Anito sabay ngiti nanaman, sa loob loob ko ay tili na ng tili ang utak ko pero syempre I just gave him my demure smile
"I hope your the lucky guy Alex." Sabi ko pa sabay kindat na kinatawa lang ni Alex, alam ko namang idinadaan niya lang lahat sa tawa ang pagf-flirt ko skanya. Nagulat pa kaming pareho ng biglang my bumusina ng paulit ulit sa likod namin.
Ang salarin naman ay mukhang inip at naiinis na kakahintay sa kotse. Alex gave me an apologetic look at niluwagan na nya ang gate. "Bye Rix, see you next time" anito sa akin habang pasakay na sa passenger seat.
"Bye Alex! Take care ha!" Maarte ko pang pahabol
Pinatakbo agad ni Shark ang kotse na animoy hinahabol ng sampong demonyo. Kumaway na lang ako kay Alex upang magpaalam habang nasa gilid ng kalsada.
Kahit kelan talaga panira yong pating na yun, ang ganda na sana ng tinutungo ng usapan namin ni Alex my love, nagfiflirt na ko eh! Damuho talagang pating un!
BINABASA MO ANG
Seducing Shark (COMPLETED)
RomanceAng tipo ng babae ni Shark ay yung mabait, palangiti, may magiliw na pag uugali, pinong kumilos, hindi makabasag pinggan at mahiyain. In short, ang tipo nya ay modernong Maria Clara. Ayaw na ayaw ni Shark sa babaeng malandi, palamura, lasengga, flir...