Kaibigan, nais sana kitang pasalamatan,
Nawa'y dahil sa tulang ito'y hindi malimutan;
Lahat ng ating mga pinagsamahan,
Karapat-dapat lamang na ingatan.Kinakausap sa tuwing may problema,
Nagsisilbing taga paghatid ng saya;
Kahit na maraming pagkakaiba,
Nangingibabaw parin ang pagpalahalaga sa bawat isa.Ngunit isang araw ay biglang nagbago,
Magandang pakikitungo sa isang iglap ay naglaho;
Araw-gabi isip ay lito,
Kung saan nga ba nagkamali ang isang tulad ko.Pinilit mabuhay ng wala ka,
Dating nasasandalan, nasaan na?
Mahirap sa umpisa,
Pero di nagtagal ay nasanay na.Madalas na baon ay ngiting pilit,
Dahil sa puso't isipa'y nakudlit;
Tila ito ay sadyang inukit,
Nitong pusong hatid lamang ay sakit.Gustuhin mang kalimutan ka,
Walang magawa dahil ikaw lang talaga;
Pangungulila ay labis na nadarama,
Pilit na ngiti kahit nasasaktan na.Sa lahat ng ito, salamat sa iyo
Hindi malilimutan mga ala-alang magkasama tayo;
Maraming aral na natutunan mula sa'yo,
Salamat sa lamat, kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Poems of a Supernova
PoetryIto po ay mga tulang ginawa ko mismo. Minsan out of boredom, kadalasan nama'y kapag may pinagdaraanan. - e t h i c a l sexy, 2018