Nasaksihan ko ang pag-iibigan ninyong dalawa mula sa umpisa
Kung paano ka nagandahan sa kaniya nang makita mo siya
Kung paano ka nagtapat ng pag-ibig mo sa kaniya
Kung paano ka natuwa noong napaibig mo din siya
Nandoon ako noong panahon na sinaktan ka niya
Noong alak ang naging sandalan mo sa tuwina
Noong naayos niyo na ang gusot sa pagitan ninyong dalawa
Noong napagtanto mong siya na talaga
Paulit-ulit akong nassaktan
Sa hindi ko malamang dahilan
Ngunit sa huli'y biglang pumasok sa isipan
Ikaw nga pala ay isang 'fictional character' lamang

BINABASA MO ANG
Poems of a Supernova
PoetryIto po ay mga tulang ginawa ko mismo. Minsan out of boredom, kadalasan nama'y kapag may pinagdaraanan. - e t h i c a l sexy, 2018