Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan
Ano nga ba ang nangyari sa ating pagmamahalan?
Nangako ng pag-ibig na walang hanggan
Nauwi rin naman sa hiwalayan.Hindi mawari aking pagkakamali
Umalis ng wala manlang pasabi
Naiwan sa ere puso kong sawi
Pagsasama'y di na maibabalik pang muli.Ngayo'y pinipilit kalimutan ka
Kahit hindi alam kung saan magsisimula
Sa puso'y maraming iniwang mantsa
Hindi na maaalis ng kahit sino pa.

BINABASA MO ANG
Poems of a Supernova
PoetryIto po ay mga tulang ginawa ko mismo. Minsan out of boredom, kadalasan nama'y kapag may pinagdaraanan. - e t h i c a l sexy, 2018