Sa tuwing kasama kita
Tila ba ako'y nasa langit na
Isang araw lamang na wala ka
Para bang ako'y nanghihina na
Ikaw ang inspirasyon ko sinta
Pinaghuhugutan ng lakas sa tuwina
Lakas na lumaban pa kahit pagod na
At kahit para bang wala nang pag-asa
Di alam kung ano ang mangyayari
Kapag lumisan ka at maiwang sawi
Kaya sana ikaw'y manatili
Sa aking piling araw man o gabi

BINABASA MO ANG
Poems of a Supernova
PoetryIto po ay mga tulang ginawa ko mismo. Minsan out of boredom, kadalasan nama'y kapag may pinagdaraanan. - e t h i c a l sexy, 2018