21-Ang Pagtatanan

17.8K 652 234
                                        

"Binibining Tami! Bakit ganyan ang bihis mo?"

Ito ang tanong ni Manuel nang makaakyat si Tammy sa kusina ng dormitorio. Maaga palang nagising ang binata, at kasabay niya si Ilyong habang nag-aagahan.

"Nanggaling ako sa bahay ng mga De Izquierdo." Naupo si Tammy sa harapan ng mga binata sa lamesa. "Kagabi kasi, pinagpanggap ako ni Señorita Almira bilang siya. Ako ang pinapunta niya sa bahay ng mga Carreon habang umalis siya at nakipagkita kay Julian. Kaya ito, naisuot ko ang pantulog niya at nakitulog sa kanila. Ginabi na kasi siya ng uwi. Ay mali, inumaga na kamo."

Seryoso ang tingin niya kay Manuel, na mukhang sinabuyan ng malamig na tubig sa ulo.

"Ginawa mo iyon?" Ganoon din ang pagkagulat ni Ilyong.

"Wala akong magawa, nandoon ako sa bahay nila para dumalaw. Iyon pala humihingi na siya sa akin ng pabor, eh sino ba naman ako para tumanggi?" Napakibit-balikat ang dalaga at agad kumuha ng pan de sal. Ngayon lang niya natanto kung gaano siya kagutom.

"Diyos ko, ano naman kaya maaring gawin nila Manong at Señorita Almira sa dis-oras ng gabi?" Napahimas tuloy ng noo si Manuel.

"Nararamdaman ko ang malaking gulo na maaring mangyari kung magkaganoon man ang kalabasan," pagbabadya ni Ilyong.

"Grabe naman kayo!" Sabat ni Tammy. Ayaw din niyang isipin ang iniisip ng dalawa, pero di niya mapigilan ang sarili. "Pero inaway ko ang Señorita. Gusto niya kasing ako ang pumalit sa buhay niya habang magtatanan sila ni Julian. Nasampal ko pa nga."

"Ay, mas lalong malaking gulo!" Napapalo na si Manuel sa kanyang noo.

"Aba, kailangan niyang matauhan! Gulo talaga hanap niya no!" Napahalukipkip si Tammy.

Tumayo si Ilyong at kumuha ng tasa. Nagsalin siya ng kape dito at ibinigay niya kay Tammy. "Sa bagay, tama ka sa iyong punto."

"Kailan nga ulit sila magtatanan?" Tanong ng dalaga.

"Sa akinse," seryosong wika ni Manuel. "Siguro dapat natin silang pigilan."

"Paano?" Nagkasabay ng tanong sila Tammy at Emilio.

Nakaisip ng paraan si Manuel, at ito ay ibinahagi niya sa dalawa.

---

Dalawang araw ang dumaan at hindi mapakali si Tammy tuwing naiisip niya ang binabalak ni Manuel. Maging maayos kaya ang lahat? Mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang takot na baka hindi maganda ang kalalabasan nitong plano.

Kinagabihan bago mag-Pebrero akinse, nagka-usap sila ni Manuel sa may kusina.

"Sigurado ka ba sa naiisip mo?" Pangamba ni Tammy habang nakasandal sa pader.

Nakaupo si Manuel at mukhang malaki ang kumpyansa. "Magiging maayos ang takbo nito, maniwala ka."

"Kung sabihin kaya natin sa kinauukulan, para malaman din ng pamilya nila Sebastian at ng Señorita?"

"Lalo nilang iisipin na hinayaan lang natin. Sana dati pa nating sinabi sa kanila."

"Kakatakot naman."

Tumayo si Manuel at lumapit kay Tammy. Hinalikan niya ito sa noo at yumakap sa kanya. "Magpahinga ka na. Kailangan mo ng lakas. Huwag mong isipin ng labis ang iyong mga pangamba."

Kumalas siya kay Tammy at naglakad palayo.

Pasensiya na Manuel. Di ko talaga matanggal ang mga pangamba.

Bakit parang may pangitain ang kanyang nararamdaman ngayong gabing ito?

---

Sumapit na ang akinse. Isang normal na araw lang ang dumaan. Patuloy ang mga gawain sa dormitorio.

The Senorita | Published Under LIBMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon