Chapter 4

275 10 13
                                    

Chapter 4

Lei's POV

Bandang 11 na ko gumising. Ganun talaga ako. Tanghali na ko kung gumising pag wala akong pasok. I went downstairs to check my brothers. Sorry for being rude. I haven't yet introduce my two loving brothers to you!

"Good Morning Lei! Nahiya naman kami sayo kaya kami na ang nagayos ng kwarto nila Mom kahit sa IYO INUTOS." emphasizing the word 'IYO INUTOS'. -_____- well, that's my Kuya Leo. I told you. He loves me. Mapanumbat na pagmamahal. Pppfffttt.

Naku. Bakit pa kasi kami nag – maid kung may exception naman pala sa nililinisan? Pero ako talaga yung napag – utusan dun. HAHA!

Dumiretso na ko sa kusina kasi nagugutom na talaga ko. I didn’t take breakfast. Umupo na ko dun tapos nagpahanda na ko ng pagkain.

 “HOOOOOYYYY ATE! Ibalik mo na yung external ng laptop ko! Gagamitin ko na e! Saka may bayad yun per hour!” -_____- grabe. Nag – ate pa sya, e ni – ‘hoy’ nya lang ako e.

Yan naman si Louie. Bunso namin. Napakakulit na bunso… pero matalino yan. Ampon yata e. HAHAHA! Joke lang yun. ^___^

“LEI! MAKINIG KA NGA! BAYARAN MO YUN! 10 pesos per hour yun! O kaya naman bilhin mo na lang! 3000 yung bili ko dun, bilhin mo sakin ng 5000. Dali.” O_____O magkano daw? 5k? Aba’t dinaig pa nya ang bumbay kung tumubo ah!

“Loi! (nickname ni Louie) Anong 5k? Adik ka ba?! Saka tigilan mo nga ako, hiniram ko lang yun kahapon sayo. Kunin mo dun sa kwarto ko! Wala akong babayaran sayo! Manigas ka dyan!” sabi ko yan sa kanya.

Tumalikod na sya pero huminto sya dun sa may bandang pintuan tapos humarap ulit.

“Ate. Peram ng bala mo ha! Salamat! ^_____^V” tapos tumakbo na lang ulit sya.

Grabe talaga yung batang yun. Nasabi ko na ba sa inyo na si Loi ay 16 years old na. Oo. Tama kayo. Isip bata nga sya. Ni hindi ko alam kung may girlfriend ba yan. Kawawa lang magiging girlfriend nya. Isa pa, kapag may kailangan lang yan sakin marunong gumalang. I mean kapag may kailangan lang sya marunong mag – ate. Kakaiba sya diba?

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain. Umakyat na rin ako sa kwarto ko. Aba naman. Masarap matulog ng ganitong oras… pero dahil hindi naman ako inaantok, nanood muna ako ng DVD’s.

Mga bandang 2:00 nung dinadalaw na ko ng antok. Kaso nga lang…

*tok tok*

Ano ba naman yan. Inaantok na ko e. -____________-

*tok tok*

Tsk! “BAKIT?” sigaw ko.

“BUMABA KA MUNA!” si Kuya yan. With matching tuktok pa sa pinto ko. Aba, wala naman siguro syang balak sirain pinto ko, ano? Bakit kaya?

“MAY NAGHAHANAP SA’YO SA BABA! BABAIN MO MUNA ‘YUN!” eh? Ano daw? May naghahanap sakin? Wow. At kelan pa may naghanap sakin na pumunta dito sa bahay? Hala? Sino kaya i--- O________O

Hindi kaya si Rent for Sale yun?! OMG! Pano nya nalaman yung bahay namin? Really! This world is creepy. Ay, mali. RENT IS CREEPY!

“HOY HONEY LEI! *tok tok tok tok tok* GIGIBAIN KO TO! BUMABA KA NA!” sigaw nan g sigaw si Kuya dun. Ako? Heto, windang pa din. Tinotoo nga nya.

Bumaba na rin ako. Pagbaba ko, andun sya sa sala, nakaupo. Nakataas ang paa? Aba? Feel at home?

“Hoy.” Sabi ko sa kanya pero nakadukwang ako dun sa may railings ng hagdan. Di pa kasi ako bihis. NakaPJ’s lang ako. Psh.

“Oh! Hi, Dazzler! Sabi ko na nga ba, di ka pa bihis e! Good thing maaga ko nagpunta dito! ^____^” ngiting ngiti nyang sabi. Di na sya nawalan ng ngiti. Ano ba yan.

“Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? -____-” walang gana kong tanong.

“Malamang! Nasa puso kita e!” nag – wink pa sya sakin. EW. Gwapo ka nga, ubod ka naman ng kapal!

“Magbibihis lang ako.” Without waiting any answer, I went upstairs. Bahala sya dyan. Maliligo pa ko, magbibihis, mag – aayos… ay bakit kailangan kong mag – ayos para sa kanya? Erase natin yun. Mainip ka ngayon dyan. *evil smile* 

30 minutes…

1 hour…

1 hour and 15 minutes…

1 hour and 30 minutes…

10 minutes na pag – upo. HAHA! Siguro umuwi na yun. Sana nga.

Bumaba na ko. Expecting him to be gone. Hindi nga ako nagkamali, wala na nga sya. Psh. Katulad din pala sya ng iba. Hindi marunong mag – hintay. Nah, bakit ba ko nakakaramdam ng inis? Natural. Kasi hindi ko alam kung paano na gagawin yung assignment.

Umupo na ko sa may sofa naming tapos nag – isip. Bakit pa kasi ako nagsungit sa kanya e? Hayyy…

“HONEY!”

“Ay, kabayo ka!” .\ /. Napakahilig manggulat! Nakakainis! Kung inis ako nung akala ko umuwi sya, mas inis ako nung dumating sya! Nakatayo sya sa likod ko ngayon tapos natatawa!

“HAHAHA. Grabe ka naman! Nung una, tinawag mo kong peklat, tapos ngayon kabayo naman! HAHAHA! Ano kayang susunod?! HAHAHA!” sabi nya yan habang tatawa tawa dun sa likod ko! Tsk.

“Mukha ka naman talagang kabayo! Magtigil ka nga!” galit kong sabi sa kanya.

Tumahimik na sya.

Pero maya maya lang…

Naramdaman ko syang yumuko ng konti. Ngayon, pantay na yung ulo nya sa ulo ko. Nakaupo ako pero nakatalikod sa kanya. Sya naman, nakayuko tapos nakalapit yung bibig nya sa tenga ko…

Napasinghap ako. Ang bango naman nya.

“Masyado akong gwapo para sabihan mo ng ka-ba-yo.” Again, kinilabutan na naman ako. T.T Dahan dahan pa yung pagkakasabi nya ng kabayo.

Napatayo naman ako bigla dun. Napalunok pa ko tapos umiwas ako sa tingin nya. Nakakatunaw…

“Magpalit ka ng damit mo. Ayoko ng suot mo.” Seryosong sabi nya tapos umupo na sya sa kaninang inupuan ko.

Ha? Anong problema nya sa damit ko!? Bakit? Sya ba yung magsusuot? Saka date ba to? Anong bang mali sa suot ko? Shorts and sando na may blazer, tell me, what’s wrong with that?

“Mag – jeans ka na lang saka t - shirt…” tapos tiningnan nya ko sa mata. Lumapit sya sakin tapos medyo yumuko sya then…

“Mas gusto ko ng balot ka kay sa manyakin ka pa ng iba…

Saka…

Masyado ka naman kasing nagpapasexy sakin! HAHAHA!”

In His ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon