Chapter 7

210 10 8
                                    

Chapter 7

Lei’s POV

Nga pala. Gusto ko ikwento sa inyo kung bakit ako TALAGA na – late nung Wednesday. Remember? Nung nakabannga ko si Harley Topacio. Basta, yung akala ko late ako. Wala pa pala yung prof namin. Psh.

I mean the true reason behind my late case. Wow! Parang investigation lang. CSI ba to? HAHA! Nasosobrahan na yata ako sa panonood ng DVD.

By the way. Isa sa reason ay si… ano…

Ok, fine…

It’s Brent.

I don’t know why this past few weeks, parang nababawasan ang inis ko sa kanya. Which is better, I think? Pero para kasing may mali. I don’t know. I really don’t know.

That night, nung hinatid nya ko sa ‘min. Hindi ko alam sa sarili ko pero hinatid ko rin sya ng tingin. Am I worried? I don’t know what’s happening to me. Nakita ko pang saka lang sya umalis nung pinatay ko yung ilaw ng kwarto ko. He’s crazy. Why?

30 minutes, more or less before I turned off my room’s light. I don’t know what has gone into him. Why did he do that? Umaambon pa naman pero mahina lang naman. Sobrang hina.

Whew. Headaches. It just gives me headaches.

Andito kami ngayon sa canteen ng school. Sinong kasama ko? Sino pa ba, si Yumi! :D Kala nyo sya na naman? Nakakasawa kaya sya. :I na parang nakakamiss? Nah, hindi rin.

Friday na nga pala ngayon. Mabilis ba? Ganun talaga. Wala naman kasing ibang nangyari nun kundi puro asaran lang. -____- Heto example.

“PST.” Alam nyo na kung sino yan. Si Rent yan.

“…” di ko pinansin. Ni – hindi ako tumingin.

“Ganda…” bulong nya…

“…” deadma pa rin ako.

“Cute… Sexy…” sabi pa nya ulit.

“…” no comment pa rin ako.

“Panget. -____-” ok! This time, napatingin na ko. Tawagin ba kong panget? Sya na ang pogi! EW.

Pagtingin ko sa kanya, nakakuyom yung kamay nya na parang may laman tapos inabot nya sa ‘kin. Unti – unti nyang binuksan yung palad nya.

O______O Y-yung ipod ko. >____< Di naman nya siguro pinakelaman, ‘no?

“Naiwan mo sa sasakyan kagabi.” Sabi nya lang tapos di ko na ulit sya pinansin.

Itatanong nyo ba kung anong nakakaasar dyan? Ito pa lang…

*poke*

“…”

*poke*

“Ano ba?” bulong ko. Mas klase kasi kami.

-____- Tinuro nya yung notebook nya sa lamesa nya…

Picture ko. Ay, hindi pala. Drawing nya na ako yung subject. Akala ko kasi picture ko. Kamukhang kamukha ko. Bumilib na yata ako. Ang galing nya talaga. Ang dami nyang alam gawin.

Di ko natiis. Binuklat ko yung filler ko sa pinakalikod tapos nagsulat ako.

“Ano yan?”yan yung sinulat ko sa filler ko. Tapos inabot ko sa kanya.

Nagulat pa ko sa sinulat nya.

“Yung babaeng minamahal ko.” Yan yung sinagot nya.

Nung nabasa ko yun, napatingin ako sa drawing nya. Ako talaga yun e. Tapos sa kanya. Seryoso sya, nakikinig sa klase. Ako, confused. Curious…

Tumingin sya sakin…

Tapos bumulong…

“Mahal…” bulong nya tapos inalis din agad yung tingin sa ‘kin.

DUG DUG. DUG DUG. Napatulala pa ako sa kanya. Honestly, hindi ako tanga pagdating sa love pero… Eh? Anong sabi ko? LOVE? As in L-O-V-E? Hala? Pa ‘no napasok yun dito? Erase!

Nakatulala pa rin ako. Ano yung mahal na yun? Parang bigla akong nainis kasi hindi nya tinuloy. Ewan!

Oh. Ayan, example yan. Nakakainis ‘di ba?

Pagkatapos naming kumain, nagpunta kami sa may field. Si Yumi, ewan ko ba dito pero kung saan na naman yan pupunta. Tulad ngayon, tinawagan pa nya si Montecillo para lang may kasama ako. Hindi ko rin alam pero di ko sya pinigilan. -____- This is not the usual me.

Mga 5 minutes, dumating na si Rent.  Wow, parang superhero lang ah. To the rescue ang entrada nito. HAHA! Pagkadating na pagkadating ko, umalis agad si Yumi. Really, something is fishy.

“Hoy…” sabi ko sa kanya.

Tumingin lang sya. Tapos lumakad na. Hindi pa rin ako naglalakad. Di nya pa kasi ako inaasar ngayong araw na ‘to e. Ano kayang problema? Hindi ako sanay.

Siguro, napansin nyang hindi ako nakasunod sa kanya kaya napalingon din sya. Tapos ngumiti sya.

“Tara na.” hindi ko alam pero napangiti na rin ako.

Tumakbo ako hanggang sa magkatabi na kami.

Sa second building kami, fourth floor. -____- naka – heels ako. Tsss.

Feeling ko kanina pa may nakasunod sa ‘min. Di ko lang talaga pinapansin. Sigurado ako, isa lang yun sa mga fans ni Brent. Yeah, marami syang fans. Kumakanta DAW kasi sya dito sa campus. I mean. Sya ang vocalist ng school band. In the same way, ang alam ko, sumasayaw din sya. Napakatalented. Package na eh. Swerte siguro mapupusuan ng mokong na to.

“CR lang ako ha? Nababawasan na yata kapogian ko.” Pabiro nyang sabi sa ‘kin. Hindi naman ako natawa.

“Ahh… Go on. I’ll wait here.” Tapos ngumiti ako sa kanya.

Wow. Bago yun a. Ngumiti ako sa kanya. Bago talaga yun!

Mga 5 minutes na sya dun.

“Tagal naman…” bulong ko. Sinilip silip ko ba yung CR nung boys. Hoy! Di ako namboboso ha? May hallway pa yun bago makita yung loob. Kayo talaga.

Tumalikod na ko. Kaso pagtalikod ko, may nabunggo na naman ako. Papasok kasi yata sya ng CR. Meaning, ako may kasalanan? Kasi nakaharang ako?

“Sorry. Sorry.” Sabi ko yan. Bina – bow ko pa yun ulo ko. Nakakahiya kasi. Palagi na lang ako nakakabunggo.

“Tsk. Tabi na dyan.” Napatingin ako. Ibang klase sya sumagot. Nakakabwisit. Sinabi nya yun habang pinapagpapagan yung damit nya. At mas nagulat pa ko n gang Makita ko ay si Harley.

Mukhang nagulat din sya. Bakit? Kilala nya ba ako?

“Hey? You look familiar. Sorry for being rude.” Ngiting ngiti naman nyang sabi sa ‘kin. Ako naman, tinititigan ko lang yung kamay nya. Yung tingin na. Ayokong hawakan, madumi.

Pero para naman hindi kasing RUDE NIYA tignan, sige, I’ll shake hands.

Iaabot ko n asana yung kamay ko kaso… Si Harley. O______O

Hinahawakan nya yung pisngi ko ngayon. Napalunok ako. Kinakabahan ako.  Feeling ko, nababastos ako.

Ay hindi, binabastos na nya talaga ako. I can’t move. I’m scared. Brent. Help.

“Ehem.” Napatingin naman si Harley in that way. Ako, ninenerbyos pa rin.

Si Brent.

Masama ang tingin.

Tapos lumapit sya sa ‘min saka ako inakbayan. O_____O Gosh. Yung puso ko… Ang bilis. Ang bilis talaga. Parang may race. Nakaakbay pa rin si Brent sa ‘kin.

“Tol. Kung mambabastos ka ng babae. Pwede? Wag dito. At lalong lalo na…

wag sa girlfriend ko.” With that. He kissed me…

On my cheek.

In His ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon