WALANG HANGGANG KATANGAHAN

20 3 3
                                    


Nung una kitang makita, Bigla akong napatulala.

Ang ung mga ngiti, ilong, mukha

At pungay na 'yong mga mata.

Ako'y nabighani ng sobra, sa'yong ganda.


Ako'y lumapit, Teka wait! Ang tuhod ko'y nanginig bigla.

Anu'ng gagawin? anu'ng sasabihin? ang bibig ko'y hindi maibuka.

Nagkachat, nagkatext, nagkausap hangang sa nagkakilala.

Block 8 Lot 2 Gutierrez Avenue, kung saan ka nakatira.


Ang ung dating may pagka boyish, astig nang 'yung porma.

Naka shirt, Ripped jeans, Sneakers, ang buhok mo ay nakatali pa.

Ang mundo ko'y tumitigil sa tuwing nasusulyapan ka.

'Yung tipong may mga hugis puso'ng lumilipad, na sa hangin ay dinadala.


Lalo akong nahuhumaling kahit ikaw pa ay suplada.

Walang make-up o pulbos, walang arte kung kumilos parang isang matapang na amazona.

Mataray, pasaway, sa sobrang tapang parang dragon na may apoy sa bibig na ibubuga.

Sa sobrang ganda, kahit magiging bampira, sa leeg ako'y magpapakagat na.


Nagdaan ang mga araw, hindi ko inakala.

Na 'sa pag-amin ko sa'yo na gusto kita, ako'y gusto mo rin pala.

Hanggang sa narinig ko ang matamis mong "OO" At sa wakas tayo na.

Na Parang lumulutang sa hangin, na hindi ko maamin, na ako'y kinikilig ng sobra-sobra.


Naghintay sa may kanto, nang school mo, kung 'san tayo nagkikita.

Kahit alam ko na tayo, sobrang saya ko, hindi parin makapaniwala.

Sobrang kabado, kahit pasmado, nauutal kong magsalita.

Nagkukwentohan tayo, sa maraming tao, naghuholding hands while walking pa.


Ngunit, bakit!? biglang nag-iba.

Ako'y tumahimik, parang may tinik sa'yong balitang dala.

Ang sabi mo, "Mahal, sa susunod na buwan kami ay lilipat na."

Ang sabi ko, "Huh!? Anu!? Hanggang dito nalang ba?"


Pero sabi mo, "Promise po, araw-araw ititext kita."

Biglang sabi ko, "sige po, maghihintay ako, ikaw lang po talaga."

May jeep nagmamadali, Sabay kiss sa pisngi, puno ulit ng pag-asa.

Hindi nagpaatubili, nangangarap muli na balang araw tayo ay magkakasama.


Hindi nagtagal parang lahat biglang nagbago.

'Di kana nagparamdam, bigla nalang naglaho.

Sabi mo magtitext ka gaya ng 'yong pangako.

Kahit wala ka nang paki-alam, umaasa parin dito.


The Verse by a GeneralistWhere stories live. Discover now